~~~~Φ~~~~
Blaire Maniego's Point of View
We are currently heading to the gate of the Academy dahil ngayon na ang simula ng misyon naming lahat. Inaantok pa talaga ako, kasi three pa lang ng umaga ay ginising na kami kasi kailangan pa naming mag-handa dahil five ng umaga ang lakad namin. Nakapag-impake na rin naman kami. Bale tig-isa kaming backpack. Hindi naman siguro kami magtatagal doon, eh.
According to our headmistress ay medyo mahaba ang biyahe patungo roon, but we will be using the magical vehicle raw naman. Puwede naman daw kaming matulog ulit doon, kasi alam niyang napuyat kami. Talaga! Mga ten na kasi kami ng gabi naka-tulog dahil sa plano at pagi-impake. At saka, sa loob ng two hours mula alas tres y media hanggang ala sinco ay nag-handa kami. Naligo, nag-bihis, nag-ayos, nag-luto, at saka kumain.
"Hanggang dito na lang ako..." sambit ni headmistress. Nasa labas na kami ng akademya ngayon. Sa harap ng gate to be exact. At nasa gilid naman namin ang sasakyan namin.
Nag-bow kami kay headmistress, saka kami sumakay sa sasakyan.
"Asahan mo kami, headmistress," ngiti at sambit na may halong paninigurado ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at nag-thumbs up habang naka-ngiti pa, saka tuluyang umandar ang sasakyan. Kumaway pa kami sa isa't-isa bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.
Napa-sandal ako sa upuan. Katabi ko ngayon si Lovely sa first row, sa second row naman ay si Seven at Lawrence, at ang dalawang frozen hearted naman ay nasa ikatlong row. Ang driver namin ay isa sa mga private driver ng akademya.
Habang bumabyahe, wala kaming ibang ginawa kung 'di ay ang kumain, at tumingin lamang sa napaka-aliwalas na tanawin ng paligid. Padaan kami sa isang tulay ngayon and it's been two hours na rin simula noong bumyahe kami mula sa school.
Sa ilalim ng mahabang tulay mayroong isang lawa. Ito ang opening ng Nevania. Nasa West ang puwesto ng akademya. West is the town or island of luxury. Ang Nevania naman ay bahagi ng South. Kung saan naka-tira ang mga simpleng mahikero. Kaya siguro 'yon ang napiling sugurin ng mga siren.
Bago kasi maka-punta sa South, iikot muna kami mula sa Upper of the West.
Isang oras ang lumipas, nakarating kami sa bayan na kinagisnan ko. Ito ang pasukan ng South dahil ito ang unang bayan na madadaanan mo papasok.
"I miss my home so much..." sambit ko sa sarili ko.
"Dito ka ba sa bayan na ito naka-tira bago ka napunta sa akademya?" biglang tanong ng katabi ko na si Lovely. Tumango naman ako, pero hindi ako lumingon sa kanya.
"Oo. Nag-hulog ako ng raffle entry, o kung raffle ba 'yon, para maka-pasok sa akademya. Mga limang araw yata no'n ay biglang may dumating na sulat sa akin, saying that I am accepted sa Academy of The Braves, which is my dream school simula noong bata pa lang ako," paliwanag ko pa sa kanya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumango siya.
"I've been here before. Maganda naman dito, 'no? Tahimik. Ito ring South ang town of rivers, and 'yong river na nadaanan natin kanina, it belongs to Nevania," sambit pa niya. Tumango naman ako, at saka hindi na umimik pa.
Inaantok na ako sa biyahe...
Mayamaya lang ay lumagpas na kami sa closing bridge na ibig sabihin ay wala na kami sa bayan na iyon. Nadaanan pa namin kanina ang market. Hmm.
BINABASA MO ANG
The Brave
Fantasy[C O M P L E T E D] "Not your oh so ordinary story" In the latest iteration of human evolution, some people are born with magical powers, but when they lived amongst human, the world became a dangerous battleground. A dangerous realm, to be exact. T...