Chapter Four

699 44 1
                                        

~~~~Φ~~~~

Blaire Maniego's Point of View

Naalimpungatan ako bigla nang maka-rinig ng ingay, at ang bumungad sa akin ay ang puting paligid.

T-teka! Nasa langit na ba ako?

Sinampal-sampal ko ng mahina ang pisngi ko, saka ako napa-tayo, at doon ko napag-tanto na nasa isang clinic lang pala ako. Napaka-over acting ko talaga. Ngunit ang bumungad sa akin ay mas lalong nakaka-gulat.

Ang bumungad lang naman sa akin ay ang apat na Class S na seryoso ang mukha, si Criza na naiiyak, at saka si headmistress.

"Gising ka na pala," sambit ni headmistress, saka siya lumapit sa akin. Ay, hindi pa ako gising.

"Opo," sambit ko naman saka siya tinitigan.

"What you did yesterday is very dangerous, pero hahayaan ko iyon dahil sila naman ang nanguna sa gulong iyon," sambit ni headmistress saka siya pumikit at huminga ng malalim.

"But you need to be in Class S as soon as possible. Pero dahil nasa Class A ka, kailangan mo munang lumaban para sa paparating na Graded Battle next week," sambit nito. Kaya pala naiiyak si Criza kasi ililipat na ako ng class at siguradong madalang na lang kaming magkikita.

Tumango naman ako kay headmistress bilang pagsang-ayon saka siya nag-paalam sa akin dahil marami pa raw siyang gagawin. at aasikasuhin. She also said that suspended 'yong tatlo dahil sa mga ginawa nila sa akin.

Nang maka-labas si headmistress ay kaagad na tumungo sa akin si Criza at Lovely saka tinanong kung okay lang ba ako.

"Oo, okay lang ako. Huwag kayong mag-alala sa akin," sambit ko, at saka ako pasimpleng sumulyap sa kanya, only to find out na kanina pa pala siya naka-tingin sa akin habang seryoso ang kantang mukha. I can also feel his coldness at naapektuhan rin ang temperatur ng kuwarto.

Napa-tikhim naman ako ng mahina saka ko muling nilingon sina Lovely at kinausap, and after an hour ay nag-paalam na sila because they have something to do pa raw kasi.

Kami na lang dalawa ngayon ni Criza, at hulaan niyo? She is screaming again. Kinikilig. Hindi maka-paniwala. Mukhang maglulupasay na sa sahig sa sobrang kilig.

"O to the M to the G! You're so lucky, girl. If I can turn back time lang talaga, but, no. Baka masuspende pa ako," sambit niya at saka siya ngumuso at kumuha ng apple sa side table ko at saka iyon kinagatan.

"Baliw," tanging nasabi ko na lang saka ko siya tinalikuran ng higa.

Napa-isip naman ako sa sinabi ni headmistress kanina. If there is a Graded Battle next week ay dapat pala na mag-ensayo na ako. Ayaw kong matalo. I need to get what I deserve. Kailangan kong mapunta sa Class S. Hindi dahil mataas na tier iyon ay karespe-respeto, kung hindi ay dahil sa pakiramdam ko ay doon ako napapa-bilang. Doon ako nararapat.

Mayamaya lang ay pumasok na ang isang healer at saka niya inabot sa akin ang isang tray ng pagkain, na may kasama pang healing candy raw.

Kaagad ko naman 'yong inabot at saka kinain para maka-labas kaagad ako rito at lumakas. Kailangan ko na kasing mag-training, at wala na akong oras masyado dahil next week kaagad iyon gaganapin.

Matapos kong kumain ay sinabi ng healer na puwede na akong umalis, kaya naman ay natuwa ako, saka ko hinila si Criza palabas ng clinic.

"Criza. Puwede bang mag-train ngayon sa training area?" tanong ko sa kanya. Napa-isip naman siya, saka siya tumango sa akin bilang tugon.

The BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon