Chapter Twenty-Two

349 20 4
                                        

~~~~Φ~~~~

Blaire Maniego's Point of View

I woke up nang maka-ramdam ako ng init sa aking balat, na siyang nag-mula pala mainit na sikat ng araw.

Tumitingin ako sa paligod nang bigla akong may nakitang papel sa may bintana ng kuwarto ko. Kaagad naman akong tumayo at kaagad ko na kinuha iyon. Buti at hindi iyon nahulog pababa o nilipad ng malakas na simoy ng hangin.

Kulay itim ang papel, at nang buksan ko ito ay kulay gold ang tintang ginamit para rito. It look so elegant.

°°°°¤°°°°
Cher, Blaire Maniego...
Je vous aime beaucoup et je prie dieu que vous ne connassez pas le Français.

- from Winter -

°°°°¤°°°°

And who the hell is Winter? I don't know someone who's name is Winter. Tsk! Umiling na lang ako, at saka ko iyon itinabi. Maybe, it's from a secret admirer. Char! Improving ako mga 'te. May secret admirer ang lola. Sana all talaga.

Pero...hindi ko rin naman naintindihan 'yon, eh. Maybe, it's French because of the word Français. Itatanong ko na lang 'yong meaning no'n sa marunong.

Naligo na ako, saka ako nag-handa. Training day ngayon, at powers ang gagamitin namin.

I meditated for a while, bago ako tuluyang lumabas, saka ko naabutan si Lovely na kumakain ng sandwich. Inabutan niya naman ako ng isa. Tuna sandwich pala ito with lettuce and mayonnaise.

I asked her kung marunong siya mag-salita ng French, pero hindi raw.

Hanggang sa bumaba si Calyx...

I immediately rushed to his direction, saka ko siya tinanong kung marunong siyang mag-French, and he said that he knows how to speak in French.

"Why?" tanong naman niya sa akin. Napa-kamot naman ako sa noo ko, saka ko inabot ang sulat na muling kinuha ko kanina after ko mag-meditate.

Nakita ko naman na tila natigilan siya, saka siya napa-lunok ng kaunti. Umiling pa siya bago niya ito binasa.

"It means... Dear, Blaire Maniego... I love you a lot and I'm praying to God that you don't know how to speak French," sambit niya. Sino naman kaya ang nag-padala no'n? I know, Frost is not like that. Hindi siya nagbibigay ng letter. Pagkain kasi ang binibigay niya. Nag-dasal pa talaga siya.

"Sino naman kaya ang taong nag-bigay niyan? At ang lakas pa talaga ng trip niya para ipitin 'yan sa bintana ng kuwarto ko," tanong ko sa kanya. Nag-kibit balikat naman siya sa akin, saka siya tumalikod at nagmamadaling umalis habang dala-dala pa ang letter.

Anong problema no'ng isang 'yon? Nababaliw na yata. Kinuha niya pa ang first letter in the history of ligawan session ko.

Umiling na lang ako, saka ako umupo sa tabi ni Lovely.

"Oh, Lovely. Ready ka na ba para mamaya?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya habang ngumunguya. Lumapit naman ako sa kanya, saka ako bumulong ng, "don't forget our plan."

Mayamaya lang ay umalis na kami ng house of Myracleus, at saka kami tumungo sa training area, at doon ay naabutan namin ang boys. Nasulyapan ko pa si Calyx, pero agad rin naman akong umiwas ng tingin sa kanya.

The BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon