~~~~Φ~~~~
Blaire Maniego's Point of View
Today is Monday, so back to basic na naman tayo. Pero, teka! Kailangan nga pala naming hanapin si Sheeva Montez ngayon para makapag-bayad na siya sa utang niyang kasalanan sa paaralan.
By the way, I'm currently walking sa gitna ng hallway, habang naka-hawak sa strap ng backpack ko na isa lang naman ang laman na notebook at ballpen. Uy, wag kayo! Parker ang ballpen ko.
Habang naglalakad ako ay nagulat ako nang sumulpot sa harapan ko si Calyx na naka-pamulsa at magulo pa ang buhok, habang seryosong naka-tingin sa akin.
"Bakit?" taas kilay kong tanong sa kanya. I don't know, pero I feel comfortable with him na. Hindi ko lang alam.
"We'll go to her class," sambit niya, at saka siya tumalikod sa akin. Pupunta kami sa klase ni Sheeva. Kukunin at pagbabayarin na namin siya ngayon.
Habang naglalakad kami ay naka-tingin lang ako sa likod niya. Halatang well built ang katawan niya sa lapad ng balikat niya at sa laki ng braso niya. Feeling ko, matatanggal ulo ko kapag sinuntok niya ako gamit ang mismong kamao niya. Malaki rin kasi ang kamay niya. Pero mas feeling ko ay nagmumukha na akong manyak dahil sa mga titig ko sa kanya.
Mayamaya lang ay pumasok kami sa isang room. Bigla namang tumahimik ang mga naroon, saka sila tila nag-taka dahil sa narito kami.
"Sheeva. Where is Sheeva?" tanong ko sa kanila, saka ko hinanap si Sheeva sa classroom. Bigla naman nilang tinuro iyong babaeng naka-yuko sa lamesa at tila natatakot pa silang madamay. Madadamay talaga sila kapag hindi nila sinabi kaagad sa amin kung nasaan ang ipokritang babaeng Sheeva na 'yan.
Unti-unting umangat ang ulo nito, at doon ay nakita namin ang naka-ngisi niyang mukha. Nais kong burahin ang nakaka-inis na kurba sa kanyang labi.
"Sheeva Montez. A rare type monster summoner," I said, habang naka-titig sa kanya.
"You're under arrest by Class S. This is ordered by the headmistress," dugtong ko pa. Tumawa naman siya ng malakas.
"You think, sasama ako ng ganoon na lang kadali?" nang-iinis niyang tanong sa akin, saka niya ako tinaasan ng kilay at dinuro pa talaga. Nagsilabasan naman 'yong ibang naririto dahil sa tensyon na pumapalibot sa pagitan namin, at may ilang estudyanteng sumilip sa may bintana para makita ang pangyayari rito sa loob.
Biglang nag-taas ng kamay si Sheeva, saka niya ito ikinumpas, kasabay ng pag-labas ng dalawang halimaw na kaagad na ginawang yelo ni Calyx hanggang sa mabasag ito.
Palapit ako ng palapit sa kanya ngayon. Siya naman ay palayo ng palayo.
"Mahuli niyo man ako, wala pa rin kayong malalaman sa akin!" sigaw niya, saka siya napa-sandal sa may pader.
Pero ang gumulat sa amin ay nang mag-labas siya ng isang napaka-talim na kutsilyo. Itinutok niya iyon sa leeg niya habang naka-tingin siya sa akin at naka-ngisi.
"Good luck and trust no one. You'll never know who's after you," sambit niya, bago niya itinarak ang kutsilyo sa leeg niya, at saka siya bumulagta sa sahig at naligo sa sariling dugo.
Lumingon ako kay Calyx at saka ako napa-pikit.
"Calyx...call them," sambit ko ngunit sakto namang dumating silang lahat at nagulat pa sa nakita nilang bangkay. Kasama rin nila ang headmistress na may kasamang guardia na siyang humila sa bangkay ni Sheeva.

BINABASA MO ANG
The Brave
خيال (فانتازيا)[C O M P L E T E D] "Not your oh so ordinary story" In the latest iteration of human evolution, some people are born with magical powers, but when they lived amongst human, the world became a dangerous battleground. A dangerous realm, to be exact. T...