Chapter 4

101K 1.6K 115
                                    

CHAPTER 4

"WAAAAAAAAAAAAAHHHHH! MULTO! HELLLLPPPPPP!!"

Takbo pa rin ako ng takbo habang sumisigaw, naririnig ko rin pagtakbo nung multo. HALA! sinusundan ako? :'(

OMY papalapit na siya! Naramdaman ko biglang may humawak sa kamay ko at dahil dun napaharap ako sa multo at tumama ang ulo ko sa dibdib niya

"Ouch!" teka, nasaktan ako? ibig sabihin di multo to. hayy salamat naman pero tao? bakit may ibang tao dito? hala! rapist!!!!! "WAAAAAAAAAAHHHHH! RAPIST!" sigaw ko

"SIRA!" sabay hampas niya sa ulo ko at binitawan na ang kamay ko

"Aray ko naman!"

"Bakit ka ba tumakbo? nagsisisigaw ka pa dyan, nakakairita talaga boses mo"

teka familiar tong boses na to, tumingala ako at ....

"S-s-suarez???"

"O bakit parang nakakita ka ng multo?"

"Ah baliw ka! sira! mongoloid! panget!" sinabi ko yan sa kanya habang hinahampas ko siya

"Tumigil ka nga! Nasasaktan ako!" saway niya sa akin

"Tokneneng! Puto! kutsyinta! siopao!" hampas pa rin ako ng hampas sa kanya

"Pag di ka tumigil hahalikan kita!" sabay hawak niya sa mga kamay ko

O.O <--- ako

^_- <--- siya

anu yun? ngumiti siya? hindi! smirk yun e! evil smirk!!!! tss pero infairness naman, cute! hahaha

"Salamat naman at nanahimik ka rin"

"..."

"Kung bakit ba kasi ang tagal mo lumabas? Kanina pa ko naghihintay."

Ano raw? Naghihintay? Hinihintay niya ako????

"Hinintay mo ako?" tanong ko

"Hindi!" bakit ba laging naka sigaw to. tsk.

"Hindi? e bakit nandito ka pa?"

"Nakalimutan kong pumirma"

"????"

"Sira! diba may binigay si mam na evaluation papers at kailangan kong pumirma dun?"

Ahhh oo nga pala. Ibig sabihin dahil lang doon? Akala ko naman dahil sa akin :( arte ko naman! spell ASA! tsk!

"Ah oh eto" sabay abot ko sa kanya

"Ballpen?"

"Estudyante ka ba talaga? Bakit wala kang ballpen?"

"Hoy four eyed monster! saturday ngayon! kaya malamang wala akong dala niyan"

Ah oo nga naman. haha XD

"Oh!" abot ko sa kanya

"Eto na!" ayan nanaman bigla bigla nalang umaalis to

Naalala ko, di pala ko nagthank you sa ginawa niya para sa precious left hand ko kaya naman hinabol ko siya

"Teka Suarez!"

Hindi niya ko nilingon

"Hoy teka!"

Hindi pa rin lumilingon

"Suarez!!!!! ARAY!"

Toinks!!! clumsy nga yata ako, nadapa lang naman ako. ouched naman!!!!! :'(

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon