Chapter 20 - first teardrops

72.9K 1.4K 90
                                    

Chapter 20 - first teardrops



(A/N: Ayun si Suarez oh, look --> )



SUAREZ's POV



Hindi ko pala kaya.



Hindi ko kayang mas mapalapit sa kanya.



Ang hirap pala talaga ng ganito.



Dahil alam kong kahit anung gawin ko.



Si Jake, si Jake na bestfriend ko ang gusto niya.



Bakit ba kasi naisipan kong patulan ang nararamdaman ko?



Nandito ako ngayon sa bench sa may ilalim ng puno. Katabi ko nga tong bruhang si Andrea at salita ng salita pero di ko naman siya pinapansin dahil halos di ko na marinig ang sinasabi niya dahil siya lang, si Anna lang ang nasa isip ko ngayon.



"Aish! Tara na nga! Hinihintay na ako ni Jake my labs" narinig kong sabi nung babae at alam kong si Anna yun, tumingin ako at nakita ko siya naglalakad na papuntang gym



"Jake my labs? That ugly flirt!" - sabi ni Andrea



"Shut up!"



"But that flirt is play--"



"I said shut up!! Don't call her with those stupid names!" at umalis na ako



Buong practice game panay ang sigaw ni Anna sa pangalan ni Jake. Wala na siyang pakealam sa kasunduan namin na kami dapat dalawa. Pero hindi ko naman siya masisisi, napilitan lang siya at isa pa si Jake talaga ang gusto niya.



"Congrats Jake. :) Ang galing galing mo talaga :)"



"Salamat Anna. Lakas mo magcheer kakalakas ka ng loob :)" - Jake


"Alam ko naman yun kaya nga wala kong sawa sa pagcheer sayo eh :)"



Narinig ko silang naguusap pero hindi ko nalang pinansin.
Inabutan ako ni Andrea ng mineral water, tinaggap ko nalang yun.



"Ah Jake, sabay ako sayo sa paguwi :) Pwede ba?"



"Oo ba, hatid kita hanggang sa bahay niyo :)" - Jake



"Salamat naman kung ganun hehe :)"



Ihahatid siya? E diba dapat akong boyfriend niya ang gumawa nun? Ah mali! Fake boyfriend lang nga pala ako. Umalis nalang ako nang di sila pinapansin kasi wala na nanaman kaming dapat pagusapan pa.



Lumabas na ako ng gym at umuwi na.



Nandito ako ngayon sa kwarto ko at pag pinipikit ko ang mga mata ko. Si Anna lang ang nakikita at naririnig ko. Yung sigaw niya, yung boses niya, yung tawa niya, yung mga mata niya at iba't ibang facial expressions niya.



Ano na ba talaga tong nangyayari sa akin? Selos ba ang tawag dun sa inasta ko kanina? Ganito pala ang magselos.



Napatingin ako sa mga kamay ko na ginamit kong panghawak ng kamay at mukha niya kanina.



"Ganito pala ang selos. Nakakainis!


Ang sakit pala nito! Sh*t!


Hayy. Bakit kasi si Jake pa?


Ang bestfriend ko pa?


Bakit ba hindi nalang ako Anna?


Hindi mo ba napapansin na gusto na kita?


Hindi pala. Paano mo nga naman mapapansin?


E si Jake lang naman ang lagi mong napapansin. Siya lang naman.


At ako? Alam kong kahit anung gawin ko, hindi mo naman talaga ako mapapansin.



Ano bang nagustuhan ko sayo?



Dahil ba sa mga ngiti mo?



Dahil ba napakasuplada mo sa akin?




Dahil ba sa tuwing nakakasama kita ay ang saya ng pakiramdam ko?



Dahil ba ikaw lang ang babaeng totoong nakakapagpasaya sa akin?



O dahil ba iba ka sa lahat?


Dahil ba hindi mo ko gusto at di ka gaya ng ibang babae na patay na patay sa akin?



Sana nga gaya ka nalang nilang lahat.



Para mas madali sanang maamin to sayo.



Hindi ko nga masabing gusto kita.



Dahil alam kong pag sinabi ko yun agad reject ako dahil kay Jake.



Hayy. Mahal na nga yata kita eh.



Kailan ka kaya magiging akin?



Yung totoong akin Anna?"



May naramdaman nalang akong basa sa may damit ko.


Oo, tumulo ang luha na pinipigilan ko kanina pa. Ang unang luha ko para sa isang babae, ang unang luha ko para kay Anna. TT__TT



***

(A/N: Wooooohhhh... Ang drama lang ni Suarez. :]

Nagustuhan niyo ba? Comment naman kayo please??? Salamat


--> missfacile)

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon