Chapter 38 - HIS REALIZATIONS

75K 1.1K 35
                                    

** Dedicated to jesniel143 :) salamat po sa pagsuporta at pagcomment lagi :)


Chapter 38 - HIS REALIZATIONS

SUAREZ' POV

Yung babaeng yun wala ng ginawa kundi itext ako ng itext. Yung totoo wala ba talaga siyang magawang iba bukod sa pagtetext sa akin?

"Hoy bro! Wala ka na bang ibang gagawin dyan kundi magtext? Yung ice cream mo natutunaw na."

"Huh? aish! ang lagkit naman!"

"Sinabi ko na kasi sayong tigilan mo muna yan kakatext. Haha sino ba naman kasi yang katext mo patingin nga?" sabay hablot ni Jake sa cellphone ko at wala na akong nagawa, ayun hawak na niya

"Pft! Hahaha anu ba naman to? Wala akong pakialam! Yan talaga reply mo? di mo man lang ba kayang maging malambing? Ang sweet mo talaga bro at talagang Unknown Number ang pangalan dito? Solid ka! Haha"

"At bakit naman ako magiging malambing sa babaeng yan?" sabi ko at inubos ko na tong ice cream para naman wala ng lagkit na dumadaloy sa kamay ko. Nandito kasi kami ngayon ni Jake sa tambayan namin sa school at bumili siya ng ice cream, dahil mainit syempre kumuha din ako kaso naman di ko malasap dahil panay ang text nung babaeng yun. Ewan ko ba pero di ko naman mapigilan ang daliri ko na magreply sa kanya

"Oh may text na ulit." sabay hagis niya sa akin ng cellphone ko

Pagbasa ko naman ng text

["I'm coming babe! ^___^"] ano raw?! papunta na nga siya dito? pagtingin ko ng relo ko 12:59pm palang, sira ba siya? e may klase pa ako at teka ibig sabihin nag ditch siya ng klase niya?!

*RIIIIIIIIIIIIIIINNNNGG!*

"Oh bro, balik na tayo sa klase."

"Bahala nga siya. Sige tara na." bahala na yung babaeng yun kung pupunta siya, wala akong balak magditch ng klase ko lalo pa at balak ko kayang matulog lang ngayong hapon dun

"Pupunta siya?"

"Oo daw."

"Hindi mo hihintayin?"

"Hindi na."

Pumasok na kami sa afternoon class. As usual, agad agad na akong yumuko sa desk ko para matulog.

*tok tok*

"Excuse me po?" narinig kong boses ng isang babae

"Yes?" tanong ng teacher namin

"Ang ganda niya."

"Hindi ba siya yung babae kahapon?" mga narinig kong sabi ng mga lalaki kong kaklase, ang ingay naman nila >_<

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon