Chapter 7 - spell KILIG

94.9K 1.6K 125
                                    

CHAPTER 7 - spell KILIG

"Bayaran mo na. Tapos na ako kumain."

"Ah e teka, magkano ba to?"

Konting pera lang kasi ang dala ko at di ko rin dala credit card ko, ayoko kasing may biglang magkalkal ng wallet ko at makita nilang may pera ako. Mahirap na.

"300 pesos"

Patay. 150 nalang laman ng wallet ko :(

"Eto po ang bayad."

Huh? Nagbayad siya bigla? Akala ko ba ako magbabayad? Ang gulo ng taong yun at bigla nalang ako iniwan dito :|

Lumabas ako at nakita ko siyang aktong pasakay na sa kotse niya.

"Teka Suarez!

"Bakit nanaman?"

Sungit talaga nito. :|

"Akala ko ba ako ang..."

"Hindi na. Nagbayad na ako diba?"

"Pero kasi.."

"Naalala kong maid ka nga pala at nagtratrabaho ka para kumita. Sayang naman kung magagastos lang sa ganun."

Ah wow di ko akalain na yan magiging sagot niya.

"Pero may utang ka sa akin"

Huh? Ano raw?

"Utang?"

"Oo at sisingilin kita dyan sa utang mo" evil smirk

"Bro!"

"O jake"

"Anong ginagawa mo dito? Aba! Magkasama kayo?" sabay turo niya sa akin

"Oo. Stalker ko yata yan eh." - Gabriel

"Hindi ah! Kapal mo!" sagot ko

"HAHAHA nakakatuwa ka talaga :)"

Naks! Nagsmile sa akin si Jake :))) GWAPO!!! 

Pero teka anu naman nakakatuwa sa akin?

"Maiwanan ko na nga kayo, baka kasi may date pa kayong dalawa :D"

"Sira! Bakit ko naman idadate yang four eyed monster na yan?"

"As if naman papayag ako makipagdate sa mayabang na gaya mo."

"Oh chill lang kayo. :D dyan nagumpisa ang pagmamahalan ng lola't lolo ko :D"

"Sa ganyan din nagpatayan ang aso't pusa na nakita ko"

Ano naman pinagsasabi nitong si Suarez. tss.

"Sige na alis na ako. :D enjoy!"

Umalis na si Jake at etong si Suarez mukhang aalis na rin.

"Hoy teka!"

Sasakay na sana siya sa kotse niya pero tinawag ko pa siya

"Bakit nanaman ba?" halatang irita niyang sagot

"Babayaran ko rin yung utang ko sayo. Ayoko may utang lalo na kung sa gaya mo."

"Dapat lang." sabay sakay niya sa kotse niya at ayun naiwan ako dito sa harapan ng didi's pizza

Paano na ko nito? Commute nalang ba? hayy

Nakakainis naman kasi kung bakit di man lang ako hinatid sa bahay ng Suarez na yun, pero bakit nga naman niya ako ihahatid? Date ba yun? Assuming ka masyado Anna!

***

Goodmorning World and Goodmorning Philippines! :) 

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon