CHAPTER 10 - unexpected, KINDNESS?
Yung busit na Suarez na yun, kailangan niyang ipaliwanag kay Jake ang lahat. Ayoko nito! Hindi pwede ang ganun ganun lang! :|
Hayy makapunta na nga muna sa room.
"Kanina ka pa namin hinihintay dito" - sabi ni Jessica sa akin
"Bakit naman?"
"Hmmm kasi. Ih kayo na nga magsabi" - Jessica
"Ganito kasi yan. Hmm ikaw na Che." - Aliss
"Yung totoo pasa pasa?"
"Anna, wag ka na muna pumasok" - Cherry
"At bakit naman wag?"
"Ahh kasi." - Cherry
"Hayy nako! Tara na nga, pasok na tayo."
Naglakad na ko papasok sa room at GOSH!
Ano ba tong nangyayari sa mga babaeng to?
Nakita ko lang naman silang nagiiyakan (O.O)
"Sinabi ko ng wag ka muna pumasok eh" - Cherry
"A-a-anong nangyari sa kanila?"
"Hmmmm. ano nga ba?" - Aliss
"Ano nga?"
"Ikaw nga dapat tinatanong namin." - Jessica
"Ako??? Bakit ako?"
Tumingin ako sa kanila at patuloy pa rin ang pagiyak nila. Napano kaya ang mga to?
"Ikaw panget!"
"Huh? ako?"
"Oo ikaw! ang panget panget mo!" - sabi ni Andrea, ang nagclaim na number 1 admirer ni Suarez, president din ng bruha club na fan base ni Suarez.
"Ano nanaman ba ginawa ko sa inyo?"
"Malandi kang panget ka! Nilandi mo si Prince!"
Siya nanaman pala ang issue. NAKO!
Hindi ko nalang siya pinansin at tumalikod ako sa kanya at pupunta na sana sa upuan ko nang bigla akong hawakan sa braso nitong si Andrea
"Wag mo kong tinatalikuran!"
"Teka nga, nasasaktan ako."
"Ang kapal ng mukha mo maging girlfriend ni Prince!" aktong sasampalin na ako ni Andrea nang biglang may humawak sa kamay niya
"Ano bang kalokohan to?!" sigaw ni Suarez
Tama. Si Suarez nga tong humawak sa kamay niya.
"P-prince" gulat na sabi ni Andrea
"Bitawan mo siya!"
"Ayoko!"
Hindi pa rin ako binibitawan ni Andrea at nasasaktan na talaga ako. Nako naman!
"I said let her go!" galit na sigaw ni Suarez at bigla niyang binitawan ng malakas ang paghawak niya sa kamay ni Andrea, yun din naging dahilan para mabitawan ako ni Andrea at bigla nanaman siyang umiyak
"Huhuhu bakit ka ba nagkakaganyan prince? ano ba nagustuhan mo sa kanya? ang panget panget niya!"
"And who are you to judge her?!" sigaw ulit ni Suarez
(O.O) <-- ako naman gulat ang reaction, galit si Suarez at nakakatakot siya. Simula ngayon di ko na siya gagalitin, ayokong ganito makita kong mukha niya. Nakakatakot! (-___-)
BINABASA MO ANG
Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)
Romance(COMPLETED) NO COMPILATIONS | NO SOFTCOPIES What will you do if you found out that you are soon to be engage? Engage with someone you don't know. This girl decided to spy on her future fiance. Will LOVE soon spark? Or HATRED? Or just FRIENDSHIP? BO...