Chapter 32 - HE'S IN PAIN

73.4K 1.1K 25
                                    

Chapter 32 - HE'S IN PAIN

SUAREZ' POV

Hindi ako nakatulog sa kakaisip sa nangyari kahapon at sa ginawa ko sa kanya.

I saw her cried.

I saw her cried in front of me.

Nang makita ko siyang ganun sa harapan ko, gustong gusto ko siyang yakapin at hingin agad ang tawad niya pero siya rin naman ang dahilan kung bakit ko yun ginawa.

Nasa klase ako ngayon at katabi ko nanaman tong nakakairitang si Andrea.

Gusto ko siyang saktan kahapon ng makita kong itinulak niya si Anna pero hindi ko yun ginawa para makita ni Anna na talagang may relasyon kami.

Napansin kong nandito na si Jake pero wala pa si Anna.

"Okay, so everybody is present today." sabi ng teacher namin

"Ma'am, hindi po. Absent po si Anna." sabi nung isa naming kaklase

"Ah yeah, about Anna, nag drop out na siya. Hindi na siya papasok pa dito."

Ano raw? Tama ba ang narinig?

Tumingin ako kay Jake pero wala man lang akong nakikitang pagtataka sa mukha niya.

Bakit siya nag drop out?

Anu kayang nangyari sa kanya?

Pagkatapos na pagkatapos ng klase.

Nilapitan ko si Jake para alamin kung anung nanagyari kay Anna. Nagaalala ako sa kanya lalo na sa nangyari kahapon.

"Jake."

"Oh bro?"

"Alam mong magdadrop out si Anna?"

"Oo."

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon