Chapter 29 - WANT U BACK

69.8K 1.1K 57
                                    

Chapter 29 - WANT U BACK

Hindi na talaga ako kinakausap ni Suarez.

Naiinis ako sa ginagawa niyang yan.

Tama bang gawin niya to sa akin?

Nakipagbreak ba siya para lang maging sila ni Andrea at isa pa maging fiance siya nito? Baliw ba siya?

Hindi nga pala talaga kami, pagpapanggap lang pala yun. :|

Pero sinabihan niya ako ng I love you nung Xmas ball at hinalikan pa niya ako tapos ganito lang ngayon? :|

Isang linggo na ang nakalipas na ganyan siya sa akin.

Hindi ko na masyadong pinapansin dahil nagprepretend ako na parang wala lang, na hindi ako nasasaktan pero ang totoo nasasaktan ako.

Buti na nga lang at nandito palagi si Jake sa tabi ko, kahit papaano hindi ako alone.

Music ang subject namin ngayon at heto katabi ko ulit si Jake. Kung dati kami ang magkatabi ni Suarez, ngayon sila na ng bruhang Andrea na yun ang magkatabi.

"Okay class, surprise singing exam tayo today, bubunutin ko ang names ng mga kakanta, this will be a duet para mas madaling matapos. Random pick din ang songs, don't worry sigurado naman alam niyo ang mga kanta na to." sabi ng music teacher namin

Ayan nanaman yang Random Pick na yan. :| 

Sana lang hindi si Suarez ang makaduet ko :|

Nagumpisa na ang kantahan.

Ako nalang yata ang hindi natatawag at itong si Jake kaya naman kami na nito ang partner. ALRIGHT!

"Next, the song is Want U Back, the pair will be Ms. Alcantara and 

Mr. Suarez."

Ano raw? Suarez? Paanong si Suarez? Hindi pa siya natatawag? :|

Tumayo na agad tong si Suarez, anu nanaman naiisip nito ngayon? Agad agad siyang tumayo at hindi kumontra? :|

"Ms. Alcantara." pagtawag sa akin ng teacher namin

"Anna, tinatawag ka na. Okay ka lang ba?" sabi sa akin ni Jake

"Ayos lang ako noh. ^___^" at binigyan ko siya ng isang fake smile, ayokong kumanta na kasama si Suarez.

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon