Chapter 26 - boyffffyyyyy

77.1K 1.3K 82
                                    

Chapter 26 - boyffffyyyyy

Bakit ba ako kinikilig sayo Suarez? Hindi yata tama to? Yung mission ko kasi nasisira sa tuwing nagiging mabait at sweet siya >___<

Nung Saturday nagdate kami at kahit nagsusungit siya at nangaasar, mas madalas naman siyang biglang sweet sa akin tapos yung killer smile niya. Kakalerky!! >//////<

Kahapon naman Sunday, hindi kami nagkita kahapon kasi sabi niya nagpapamiss daw siya sa akin, e loko nun hindi yata nakatiis at maghapon naman kami magkausap sa cellphone, kung hindi naman magkausap e text naman. Niloko ko pa nga siya na magpapamiss siya pero ayaw niya naman tumigil kakatawag. Minsan nga kung ano ano nalang pinaguusapan namin pero natutuwa naman ako syempre dahil minsan ang kulit niya tapos biglang seryoso kausap. Bipolar kasi yun.

And today is Monday, malamang susunduin ako nun :)

*Ring ring ring*

Speaking of.

"He---"

"Wag ka na magalmusal." 

*toot toot* 

Okay hindi na nga ako pinagsalita, binabaan pa ako. Wag daw ako magalmusal? tss. Hindi kaya pwede yun :| Gutumin ako eh. Pero teka baka naman pinagluto niya ako ^________^ pero hindi nga pala yun nagpapatikim ng luto niya sa iba :| AISH!

"Oh nandyan ka na pala, bakit hindi ka man lang nagsabi or nag doorbell man lang?" paglabas ko kasi nakita kong nasa harapan na siya. Sino pa ba? Syempre si Suarez.

"Tara na?" tara agad? at naglakad na nga ako papunta sa kotse niya kasi binuksan niya na yung pinto

"Di uso pagbati ng goodmorning noh?" sabi ko sa kanya

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon