Chapter 40 - HER EVIL PLAN

74.2K 1K 61
                                    

Chapter 40 - HER EVIL PLAN

SUAREZ' POV

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo lil bro?" paglingon ko nandito na pala sa bahay si Gabriella, kanina pa kasi ako nandito sa may garden at hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung nangyari kanina, yung tanong na di ko man lang nagawang sagutin

"Kamusta kayo?"

"Kami? Ihhhhh! Kami na ni Nicos ay este Nicolai. ^____^" kilig na kilig naman tong si Ate, pero masaya ako na masaya siya kaysa yung makitang umiiyak siya

"Mabuti naman kung ganun. Pasalamat ka at pinatulan ka ng lalaking yun."

"Tss. Yabang mo talaga. Maganda naman kaya ako. E ikaw ano naman ang drama mo dito?"

"May mga bagay na iniisip."

"Bagay? o tao? Si Camille ba?" kilalang kilala talaga ako ni Ate

"Tinanong niya ako kung kaya ko ba daw siyang mahalin."

"Oh tapos anung sinagot mo?"

"Hindi ako sumagot."

"Hayy naku naman. Alam kong mahal mo din yang si Camille, obvious naman pero naguguluhan ka pa rin ba dahil kay Anna?" tama siya, naguguluhan pa rin nga ako

"Siguro."

"Anu ba naman klaseng sagot yan. Ganito, anu bang nagustuhan mo kay Anna? at anu naman ang nagustuhan mo kay Camille?" nagustuhan ko sa kanilang dalawa? Nanahimik ako saglit para makapagisip ng maayos.

"Si Anna, napapasaya niya ako."

"Tapos si Camille?"

"Ganun rin." totoo naman dahil pareho akong masaya sa tuwing kasama ko sila

"Anu naman pinagkaiba nila?" pinagkaiba? anu nga ba?

"Wala kang maisip na pinagkaiba nila?"

"Meron. Hmmm, si Anna matapang siya, kayang kaya niyang maitago ang sakit na nararamdaman niya, hindi mo makikita sa kanyang nasasaktan siya."

"Si Camille naman?"

"Si Camille, *sigh*"

"Oh bakit napabuntong hininga ka dyan?" naalala ko kasi yung mga mata niya sa tuwing malungkot siya at ayokong nakikita yun

"Si Camille, kabaliktaran ni Anna sa ganun. Pag malungkot siya agad agad mo yun makikita sa mga mata niya, hindi magawang maitago ng mga mata niya ang nararamdaman niyang lungkot. Yayakapin ka niya kung gusto niya, sasabihin niya rin sayo ang gusto niyang sabihin kahit nasaan pa kayo."

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon