Chapter 47 - MY LABS

73.6K 942 13
                                    

Chapter 47 - MY LABS

CAMILLE's POV

Pag gising ko laking gulat ko na nandito ako sa kama ni Suarez. Wala naman siya sa tabi ko pero paanong nandito ako? Huli kong naalala kagabi yung pagkanta niya sa akin. Tsk. Malamang nakatulog ako? Kakahiya naman >___<

"Hmmmmmm ang bango." may naamoy kasi akong mabangong pagkain. Malamang nagluluto na ng almusal ang asawa ko. Ihhhhh! Wag kayo! Naiimagine ko na kasi eh. >//////< Yung tipong para akong reyna at siya ang aking hari na talagang pinagsisilbihan ako. KYAAAAAHHH! Makatayo na nga para makapaghilamos, nakakahiya naman na makita niya ang ang morning look.

"Gising ka na pala." biglang sabi ni Suarez na nakapasok na ngayon sa kwarto niya

"Ay anu ba yan!" sigaw ko sabay higa ulit at nagtago pa talaga ako sa kumot, naman kasi nakakahiya >___< Paano kung may natuyong laway pa ako? Kadiri!!!!

"Uy bakit ka nahiga ulit? Tumayo ka na dyan."

"Lumabas ka na muna."

"At bakit? Kwarto ko kaya to."

"Kahit na, labas na muna."

"Ayoko. Alisin mo na nga yang kumot." sabi niya habang inaalis ang kumot, para naman akong nakikipag tug-o-war kasi hinihila ko din yun kumot ko habang hinihila niya paalis

"Suarez naman! Tigilan mo yan."

Tumigil nga siya at sinabing "Para malaman mo, natutulog ka palang tinititigan na kita. Halos mamemorize na nga ang facial features mo. Wala sa akin kung anong itsura mo pag bagong gising ka, maganda ka pa rin naman, sa totoo lang mas maganda ka pa nga pag bagong gising ka."

WAAAAAAAAAHHH! So totoo pala na pag mahal mo ang isang tao ang bagong gising look niya ang pinakamaganda para sayo? Mahal na mahal nga talaga ako ni Suarez.

Inalis ko na ang kumot at nahihiyang tumingin sa kanya.

"Hindi mo naman kasi kailangang magtago." sabi niya sa akin habang nakatingin siya sa mukha ko. Mas lalo tuloy akong mahihiya.

"Ahmmm, good morning.." yan nalang talaga nasabi ko kasi naman di ko alam dapat kong sabihin sa lalaking to na umagang umaga palang pinapakilig na ako

"Good morning din. Tumayo ka na dyan at nakaready na almusal natin." tumalikod na siya para lumabas ng kwarto "Maghilamos ka muna, yung laway mo natuyo na kasi. Haha" at may pahabol pa talaga siya, nakuha pang tumawa. >____<

"Kainis ka!" sigaw ko sa kanya. Lokong yun, kinikilig na ako eh, okay na eh pero WAAAAAAAAAAAHHH! Nakakahiya na ulit >____<

Bumangon na ako para maghilamos. Lokong Suarez wala naman akong natuyong laway. Adik nun, kapangasar!

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon