CHAPTER 6 - GABRIEL SUAREZ aka PRINCE POV
Nagugutom na talaga ako. :(
Zero nakuha ko sa quiz sa exam, kahit na alam na alam kong sagutin yun nahirapan akong sumagot. Ganito pala talaga pag gutom. :|
Nakakaawa kasi tignan yung four-eyed monster na yun kanina. Para siyang ewan at puro junk foods binili niya. Narinig kong ayaw niya raw ng gulay kaya pala ganyan kutis niya sa mukha eh. tsk tsk.
Ewan ko ba at bakit naisipan kong ibigay ang pagkain ko sa kanya, nakayuko na kasi siya sa table at mukhang gutom na gutom. Pasalamat siya may awa pa kong nalalaman.
Sa wakas tapos na ang klase. Makakalabas na ako at makakaen na rin.
"Teka Suarez!"
Isa lang naman ang tumatawag sa akin na gamit ang surname. Sigurado akong siya yun kaya diretsyo nalang ako sa paglakad at di ko siya pinansin.
"Suarez! Sandali!"
Hinila niya ang bag ko kaya napahinto ako
"Ano bang problema mo?!"
"Hmmmmm.."
"Ano nga?!"
"Hmmmmm..."
"Speak!"
"Ah kasi..hmmm"
"Hayy ewan ko sayo!"
Lalakad na sana ako ulit pero hinila niya ulit ang bag ko. Naku naman! Gutom na gutom na ako eh!
"...."
"Pag hindi ka pa nagsalita dyan...."
"S-sorry" nakayuko siya at sinabi niya yan
"Para saan?"
"Nagutom ka at nakakuha ng zero :("
"Yan lang pala. Geh alis na ako."
"Teka!" sabay hila niya nanaman sa bag ko
"Ano ba?!"
"Sorry talaga. Gusto kong bumawi sayo. :("
"Wag na. Alis na!"
Lalakad na ko pero hinila niya nanaman ang bag ko. Nawiwili na to sa kakahila sa bag ko. :@
"Pero kasi..."
"Oo na sige na! Tara na!"
Hinila ko siya palabas ng school at pinasakay sa kotse ko, halatang nagtataka siya e kung di ko pa siya isama siguradong di ako makakaalis dahil sa kakahila niya sa bag ko.
"Anong gagawin natin?" - tanong niya
"Itatapon kita sa ilog!"
"Heh! ADIK!" lakas naman sumigaw nito
"Ang ingay mo!"
"E ano nga gagawin natin?"
Kulit talaga ng four-eyed monster na to.
"Gutom ako."
"So???"
So daw? Engot nito...
"Edi malamang kakain. Engot!"
"Ahhhh"
Nandito na kami sa Didi's Pizza, isa sa paborito kong kainan, masarap dito ang pizza burger nila.
"Dalawa nga pong pizza burger."
"Ahh ako po isa"
Heto na ang pagkain ko. KAINAN NA!
Nom. Nom. Nom. Nom
"Ikaw magbabayad nito."
"Huh? bakit ako?"
"Nagutom ako dahil sayo. Kasalanan mo yun"
"Ah eh di ko naman kasalanan na binigay mo pagkain mo sa akin!"
Nakasigaw nanaman siya.
"Hoy! di ka pa nga nagpapasalamat e! pasalamat ka nga binigay ko pa sayo yun!"
"Ahhh. okay. ako na magbabayad"
Pansin ko di yata to marunong mag thank you. Nung saturday tinulungan ko pero di rin nag thank you. Kakaiba tong si four-eyed monster.
Siya palang ang unang babaeng nakasabay ko sa pagkain syempre maliban sa pamilya ko.
Ang ingay niya at makulit din. Pero iba naman siya sa mga ibang babae dahil hindi siya gaya nila na nagkakandarapa sa akin. Nakakairita na ang ganun, buti pa tong panget na to walang pake sa akin. Siya nga lang naglalakas ng loob ipahiya ako sa harap ng iba at sigaw sigawan ako.
Nung una naiinis ako sa katapangan niya pero nung nakita ko ang kalampahan niya nung saturday medyo nawala wala na yung inis ko dahil siguro naalala ko yung batang babae na clumsy na nagbigay sa akin noon ng rubber duck na naka display ngayon sa kotse ko, pero pag sumisigaw na tong panget na to nakakairita talaga.
Never akong naging malapit sa mga babae. Bakit ko ba naman gugustuhin mapalapit sa kanila? Ang iingay nila at wala ng ginawa kung hindi magpaganda at magshopping.
Dahil dyan never pa akong nagka girlfriend at isa pa wala akong karapatan magkaroon ng girlfriend.
Si lolo kasi, bata palang ako sinabi niya na sa akin na kailangan kong pakasalan ang babaeng apo ng bestfriend niya. Kamusta naman yun diba?
Nung nagbinata ako madalas niya pa rin yan pinapaalala sa akin. Nung namatay siya nangako ako sa kanya na yung babaeng apo ng bestfriend niya ang tanging babaeng papakasalan ko. In short, may ka fixed marriage ako. Kung sino ang babaeng yun? Hindi ko siya kilala. Sinabi nina Dad na after graduation ko palang siya makikilala.
Hindi ako pwedeng magmahal at ayoko rin, dahil mahihirapan lang ako pag dumating yung araw na kailangan kong magpakasal sa babaeng ipinagkasundo sa akin.
Naisip kong unfair yun sa akin, na kahit di ko mahal yung tao dapat ko siyang pakasalan, pero mahal ko ang lolo ko at dapat ko siyang sundin.
***
(A/N: oh ayan, alam na natin saloobin ni Suarez :)
VOTE OR COMMENT :)
--->
missfacile)
![](https://img.wattpad.com/cover/2268670-288-k622055.jpg)
BINABASA MO ANG
Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)
Romance(COMPLETED) NO COMPILATIONS | NO SOFTCOPIES What will you do if you found out that you are soon to be engage? Engage with someone you don't know. This girl decided to spy on her future fiance. Will LOVE soon spark? Or HATRED? Or just FRIENDSHIP? BO...