Chapter 3: THE ACCIDENT

1.2K 38 0
                                    

JHON CLOUDY'S POV

"Ow! Shit ano ba parusang ibibigay sa atin ni Ashley!"-anas ni Rain

"Imposible namang patayuin nya tayong lahat sa may flag pole HAHAHA"-asar ni Sunny

Andito kami ngayon sa room at 5 minutes nalang bago mag time. Kung itatanong nyo kung naiinis ako kay Ashley? Well no im not na medyo oo na ewan basta HAHAHA. Anyway I'm Jhon Cloudy Montes. Kung dito sa school number one na kalaban ko yan. Lagi nalang akong nalalamangan nya eh.

"Tsk! Masyado syang mahigpit"-kumento ni Thunder

"Hindi naman sya mahigpit eh tyaka di natin kasalanan na nasaulo nya yung libro na pinaglalagyan ng mga history, rules at etc na about sa school"-sabat ni Winter

Yes? Winter is right eh since pumasok kami sa school na ito nung first year eh sya na agad yung nahalal sa pwesto ng president ng ssc. Naging VP ako last year pero di na ngayong taon. Di na ako magtataka kasi kahit ganyan sya ubod naman ng talino yang si Ashley and she's a good leader.

"Morning room 4-1 please fall in line and ready for the punishment"-si Patrick

Asan si Ashley? Ano naman kayang parusa ang ibinigay sa amin. Ay apat nga pala kaming iba ang parusa. Pumila nalang kami sa pinaka dulo.

"Kainis talaga yang babaeng yan para yosi lang eh! Walang warning warning ganon!"-maktol ni Thunder

Kung hindi ka ba naman loko at sa labas ka pa nag yosi ayan tuloy kung sa cr nalang nag yosi tong gagong toh baka di pa mabigat parusa nya. Umandar na yung pila kaya nagsimula na rin kami maglakad. Pinadaan kami ni Patrick sa hagdan kasi yun daw ang bilin ni Ashley.

"I can't believe this sarili nyang section binigyan nya ng record!"
"Kasalanan naman natin eh"
"Anong silbi ng elevator?"
"Ang lupit lupit nya talaga!"
"Pabida lagi eh kainis"
"Masasayang ganda ko!"
"Pre! Ligawan mo na nga yun at ng hindi laging mainit ang ulo HAHAHA"

Siraulo tong mga toh! Ang lalakas magsalita hindi naman makapalag kapag si Ashley na ang kaharap. Misteryoso talaga itong si Ashley eh tahimik, cold mas cold pa sa mokong na si Thunder, di namin mahanapan ng butas, maganda pero parang pumapatay, at guess what mayaman pero hindi namin nabalitaan na may pagmamay ari syang kumpanya. Tumigil kami dito sa may pinaka harap ng school.

"PUMUNTA SA UNAHAN SI MONTES, ALEJO, ALCANTARA AND MR. VICE PRESIDENT!!"-sigaw ni Ashley nasa unahan ito sa may guard house

Pumunta naman kaming apat sa unahan. Kailangan behave jusko ang hirap ng ganto hindi pwedeng mag matigas.

"Pa-abangan ko kaya toh mamaya bwesit eh!"-bulong ni Thunder

Umiling iling nalang ako di lang yan sanay makisama. Ngayon nakikita ko sa malayo si Ashley she looks beautiful. Bagay na bagay sa kanya ang uniform na white long sleeve na pinatungan ng vest na itim sa bandang kaliwa dun nakalagay ang logo at name cloth namin. Then red necktie, skirt na above the knee stripe sya na red at black lang ang kulay. Maputi sya at halatang alaga ang kutis, matangos na ilong, kissable lips, yung natural nyang kilay na tama lang ang kapal, matang kapag tinitigan ay kay lalim at yung mahabang buhok nyang kulot sa baba. She looks goddess kaya siguro ang daming gustong manligaw at may gusto sa kanya. Hindi sya nag me-make up. Well pis ngayon ko lang kasi sya natitigan. Nagulat nalang ako ng lagpasan nya ako. Shitt di ko sya napansin. Yan sige titig pa Cloud tsk!

ASHLEY STORM'S POV

Tahimik lang na pinapanuod ko silang nag lilinis dito sa harap ng school. Pinapalinis ko yung mga pader, pinag bunot ko ng mga ligaw na damo, pinalinis ko rin sa kanila yung fountain at yung apat naman ayun pinag pipintura ko sa mga pader pader na nalinis na and sila din ang ginawa kong utusan ng mga nag lilinis. Halimbawa wala ng sabon sila ang pinapakuha ko at sila din ang nag tatapon ng mga basura na nakuha. Haysstt nakakapagod na lagi nalang ganto ang ginagawa ko eh. Sakit lang sa ulo ang mga toh. Maghapon silang mag lilinis dyan hanggang matapos nilang ikutin ang buong school. Para na rin akong nag palinis sa buong school nito eh. Yung mga late naman kanina at kahapon yun na rin ginawa kong parusa sa ibang part nga lang sila nag lilinis. Ang daming late kahapon at kanina kaya matatapos nila yan.

*Bzzt-Bzzt*

"Hello?"-sagot ko

[Pinsan baka makalimutan mo na uuwi na ako mamaya ha]

"Just call me para masundo kita airport"-anas ko

[I miss you see yah laterr]

"I miss you too"-sambit ko

*Toot-Toot*

Pinatay na nya yung tawag haystt. Nalimutan ko na yun ah buti nalang tumawag sya. Buti naman magiging payapa na ang ilang araw ko kasi sya na ang gagawa ng mga ginagawa ko.

*BANG*

Shitt!! Ano yun agad akong humarap sa may gate at laking gulat ko ng makita kong may naka tutok na sa aking baril. Tila nag slow motion ang mga pangyayari nagsimula silang mag paputok ng baril kaya nagsisigawan at nagtatakbuhan ang mga kaklase ko. At akmang tatakbo ako ng biglang isang bala ang tumama sa tagiliran ko.

*BLAG*

"ASSHHLLLEEEYYYYY!!"
"MS. PRESIDEENNNTTT!"

*BANG*
*BANG*

"M-may tama a-ako!"

Puro hiyawan at putok ng baril ang naririnig ko hanggang sa tumigil ito pagkaraan ng mga ilang minuto. Humaharurot na sasakyan ang huli kong narinig sa pagpikit ng aking mata.

"President!"
"Ashley! Shit may tama sya!"
"Ano pang hinihintay nyo dalhin nyo na sa hospital!"

Yan ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay

THUNDER ACE'S POV

"Ano pang hinihintay nyo dalhin nyo na sa hospital!"

Dali dali ko naman itong binuhat at tumakbo papunta sa parking lot. Tangina ang mga yun shit talaga!! Kami ang pakay nila nandamay pa ng iba!.

"Sama ako Ace!"-pumasok si Winter sa backseat

Inilagay ko na rin ang walang malay na si Ashley sa tabi ni Sunny.

"Sama din ako!"-sulpot ni Cloud

Tumango nalang ako at sumakay sa driver seat. Pumasok na rin si Cloud kaya naman agad kong pinaharurot ang aking sasakyan. Sa pinaka malapit na hospital na kami pumunta kasi baka maubusan ng dugo itong si Ashley.

"Doc! Nurse!"-tawag namin

At agad naman na may lumapit sa amin na nga nurse.

"Ano nangyari sa kanya?"-tanong nung doctor

"Can't you see nabaril sya!"-inis kong sagot

"Dalhin nyo sa ER bilis!"-utos ng doctor sa mga nurse

Sumunod lang kami pero hanggang labas lang kami eh.

"SHIT!! TARANTADONG MGA YUN AH!!"-galit kung sigaw

"Kalma ka lang Thunder!"-saway ni Winter

Bullshit! May naaksidente dahil sa amin oh. Paano ako kakalma! Makita ko lang talaga yung mga yun papatayin ko talaga sila!

THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)Where stories live. Discover now