Chapter 14: JEALOUS

813 30 0
                                    

ASHLEY STORM'S POV

Nagising ako na isang maputing kisame ang nabungadan ko. Bwesit bat kasi ako nilagnat tas dun pa sa daan ako inabutan!

"G-Gising ka na pala!"

Napalingon ako sa bagong gising na Ace. Anong ginagawa ng lintik na yan dito? Bwesit kasing dare yan eh! Bat ko ba ginawa yun? Edi kasalanan ko rin pala.

"Bakit ka biglang nawala sa resort?"-tanong nito habang kumukuha ng tubig

Pake nya ba? Bwesit sya! Kasalanan nya yun eh! Iniabot nya sa akij yung tubig kaya naman umayos ako ng higa at ininom yun kanina pa kasi ako nauuhaw.

"Please, answer me"-sabi nito

Yung mukha nya seryoso at kala mo concern sayo! Pwee! Tigilan nya ako.

"May emergency lang sa kumpanya"-sagot ko

Totoo yun! Nagtawag kasi yung secretary ko meron daw na malaking investor ang naisipan mag invest sa kimpanya ko. Yes! Meron akong kumpanya di yan alam ng pinsan at tito ko. Pinamana yun sa akin ni Mommy maliit pa yun nung una tapos unti unti ng lumago kaya naman isa na ang kumpanya ko sa nangunguna ngayon. Madami pa akong ari arian di nga lang nila alam.

"Emergency? Saan? Di ka man lang nagsabi at bigla bigla ka nalang naalis!"-anas ni Ace
"Nakalimutan ko eh!"-sagot kahit di naman totoo

Sinadya ko naman kasi na di magsabi sa kanila ngyon pa na masyado na silang nalalapit sa akin. Nanganganib ang mga impormasyon ko na itinatago ko. May pakiramdam kasi ako na balak nila akong palambutin eh. Tapos saka nila ako titirahin ng patalikod kapag alam na nila ang pagkatao ko.

THUNDER ACE'S POV

Ano ba naman tong babaeng toh?! Emergency daw? Tsk.

"Nagseselos ako!"-inis pero seryoso kong sabi

Nakakainis manhid mong babae ka! Daig mo pang di tinatablan ng apoy eh!

"Dun sa lalaking kinausap mo sa resort bago mag spin the battle!"-sabi ko pa

Nung hinahabol nya kasi ako nun meron syang kinausap na isang lalaki ewan ko ba kung kilala nya oh ano eh! Basta niyakap sya nung lalaki at hunalikan pa ito sa pisnge! Tangina talaga kaya ayun inantay ko silang matapos magusap may pahawak kamay pa yung lalaki kaya lumapit na ako nun tas hinila palayo si Ashley!

*FLASHBACK*

"Ano ba?!"-galit na tanong nito
"Sino ba yun ha?! Nakakainis ka naman eh ako yung kasama mo tapos ganon ano yun?!"-galit ko ring sagot

Nakakainit talaga ng dugo eh! Tapos sya pa itong galit!

"TANGINA!! WALA NAMANG TAYO!!"-sigaw nito at iniwan na ako

*END OF FLASHBACK*

Kaya ayun galit na galit talaga ako sa lalaking yun pagnakita ko yun papasabugin ko talaga mukha nun!

"What are you talking about?"-tanong nito
"FUCK!! NAGSESELOS NGA AKO SA LALAKING KINAUSAP MO, YUNG YUMAKAP AT HUMALIK SA PISNGE MO! TANGINA NAMAN KASING ANG MANHID MO OO WALA PANG TAYO!! DI MO NA SANA PINAMUKHA!"-galit kong anas

Napahagod nalang ako sa ulo ko! Tangina naman kasi tapos ngayon mukhang kasalnan ko a kaya sya nagkalagnat!

"Woah! Sorry dude tapos na ba kayong mag away?"

Napalingon kami parehas sa may pinto andun na sila Alexa. Taena nakita pa ata nila.

"Kanina pa kayo dyan?"-tanong ni Ashley
"Mga ilang minuto lang"-sagot ni Alexa
"Tsk!"-anas ko at lumabas na ng room ni Ash

Narinig ko pa ang mga tawag nila pero di ko na nilingon. Nakita na nila eh mag magagawa pa ba ako bat naman kasi dun ko pa sinabi nakalimutan kong pinapunta ko nga pala sila! Mag ba-bar nalang ako.

JHON CLOUDY'S POV

"Ano yung eksenang yun?"-tanong ni Sunny
"Oo bakit may paganon?"-si Winter

Ayon sa nakita ko nagselos daw si Thunder. Tas pinamukha ni Ashley na wala naman sila. Sakit nun pwe!

"Nagselos daw sya"-sagot ni Ashley
"Huh? Kanino?"-tanong ni Alexa
"Dyn sa nakasalubong kong old classmate ko sa resort yung nanuod kayo ng sunset"-sagot ni Ashley

Kalmado lang ito at parang wala lang. Hibang na ata si Ace tinutuloy nya pa yata ang plano eh. Mukhang di sya tatalab kay Ashley ang tigas eh.

"Guys alis na muna ako ha!"-paalam ko

Mga nagsitanguan naman sila hayss pupuntahan ko si Ace sure ako nasa bar yun. Pumara ako ng taxi di ako nagdadala ng kotse eh hehehe.

THUNDER ACE'S POV

"Bro!"

Napalingon naman ako sa taong tumabi sa upuan ko. Si Cloud lang pala ano ginagawa nyan dito?

"Anong nangyari sayo pre? Ano yung palabas na yun? Part ba ng laro mo yun?"-seryoso nitong tanong

Umorder din ito ng hard drinks takteng yan puro alak na kami eh!

"Oo naman pre part pang ng laro yun, alam mo namang gusto kong maangkin ang teretoryo nun"-naka ngise kong sagot
"Yun lang ba?"-maka hulugan nitong tanong
"Ano bang ibig mong sabihin? Hayaan mo di ko na lalapitan yun! At kung iniisip mo na inlove ako dun debale nalang!"-malamig kong sagot dito

Tumango tango nalang ito at nakipag cheers. Pumunta lang ata dito yan para iklaro yan eh. Di magbabago ang isip ko nasimulan ko na eh! Wag lang talaga eepal ang lintik na puso kong toh!

THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)Where stories live. Discover now