SOMEONE'S POV
Napangiti nalang ako ng makita ang pictures ng aking anak na babae at lalaki na magkasama. Nagkatagpo sila pero bakit di nila kilala ang isa't isa? Pag nagpakita kaya ako, maalala nya pa kaya ako?
"Oh ano boss? Anong plano?"-tauhan ko
"Shut up!"-saway ng kaibigan koDi ko sila pinansin at nag isip. Gusto ko ng makita ang anak ko.
STRONTIUM'S POV
Nice! Tawa ako ng tawa dahil kay Storm. Andito kami sa garden nag pi-picture picture gamit camera ko. Anyway I am Strontium Wilson. Sige tawa na alam ko naman eh yan yung nasa periodic table! Maganda naman ah!
"Ano? Okey na ba?"-tanong nito
Nag thumbs up naman ako sign na ayos na. Lumapit na ito sa akin. Andito kasi ako sa may malaking puno eh. Ang totoo nyan ang photogenic nya hehehe.
"Patingin"-sabi nya
Inabot ko naman ang camera sa kanya. Hehehe photography sana ang kukunin ko kaso saka nalang pagkatapos ng BM baka magalit si daddy.
"Ang galing mo naman palang kumuha ng pictures oh, bat di ka nalang nag photography?"-anas ni Ashley
Napatingin naman ako sa kanya nakatingin pa rin sya sa mga pictures. Ang kyutt nya hihihihi.
"Baka magalit si daddy eh"-sagot ko
"Luh? Bakit naman?"-tanong nya
"May business kasi si daddy eh soon ako ang maghahawak nung kumpanya kaya nag BM na ikinatuwa naman ni daddy"-sagot koTumango tango naman ito at sinubukan kumuha ng pictures. Marunong sya?
*Click*
"Tingnan mo"-sabi nya
Shocks! Di nga? Marunong sya takte ang ganda ng nakuha nya. Actually sa itaas lang ng puno yun may dalawa kasing ibon na nakadapo tas ewan ko ba kung pano nya kinunan yun.
"Ikaw rin nice shot!"-kumento ko
Ngumiti lang sya at humiga sa damo. Malinis naman eh.
"Gaano na ako katagal dito?"-tanong nya
Ilan nga ba? Parang matagal tagal na eh. Hmmm.
"Almost 3 weeks na rin September 27 na eh, malapit na ang exam para sa second sem."-sagot ko
Di na ito umimik. Oo nga noh ang tagal na rin nya limot ko na kung kelan sya naglipat dito eh. Lagi ko kasi itong kasama tyaka daig ako nyan ang talino eh daig pa ako. Nakakagulat din na kaya na nyang maghawak ng kumpanya ng ganon lang na di pa tapos sa pag aaral. Natutuwa din sa kanya yung mga prof namin kasi ang advance nya mag isip alam na agad yung lesson namin. Samantalang ako tamad na tamad magbasa ng libro. Nung minsang nag long quiz kami sa general mathematics. Huhuhu naiinggit ako kasi mas mataas pa sya sa akin eh nagtanong pa sya sa akin nun kung pano sagutin yun. Isang example lang ang binigay ko tas wala pa yun sa quiz. Wala mas mataaas pa rin sya. Naniniwala na talaga ako na top student sya. Na-issue din kami sa buong school kesyo may affair daw kami wala namang nagagalit siguro meron pero nung nilinaw ko naman yun sa kanila parang hindi na. Napalingon ako kay Storm di na umiimik eh. Nakapikit na ito at halatang natutulog hahaha. Ito rin ang napansin ko sa kanya napaka antukin nya. Laging tulog pero parang nakikinig pang din sa klase. Kinuhaan ko sya ng pictures ipapakita ko sa kanya mamaya bwahaha.
ASHLEY STORM'S POV
"STORMM!!"
Nagising ako ng may sumigaw sa tabi ko. Shitt! Nakatulog pala ako.
"May tumatawag kanina pa kita ginigising dyan!"-anas ni Strontium
Bumangon ako at nagpagpag ng uniform. Kinuha ko na rin yung cp ko kay Stron at sinagot yun. Yung secretary sa kumpanya ni tito yung tumawag.
"Ms. Ashley, meron kang importanting meeting this evening at 5 o'clock at restaurant *****"-sabi nito
Tumingin namam ako sa wrist watch ko. No time para mag bihis 4:30 na oh! Tumayo na ako na ikinataka naman ni Stron.
"San ka?"-tanong nya
"Business meeting"-sagot koShitt wala nga pala akong dalang kotse! Takte naman oh.
"Tara sama ako promise di ako manggugulo"-sabat ni Stron
Tumango nalang ako kaya parang bata itong nagtatalon talon. Nung mga nakaraang business meeting ko pa yan nangungulit na sasama daw sya. Di ko ba nasabi na magkatapat lang yung condo namin kaya ayan sabay kaming pumasok at umuwi wala pa yung pilya simula ng lumipat ako dito.
YOU ARE READING
THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)
Teen FictionPaano ka mag mamahal ng isang misteryosong babae? Kaya mo bang ipaglaban ang nararamdaman mo? Kung mag mamahal sya bakit dun sa taong yun pa? Parehas may ibang katauhan pero iisa lang ang pinaglalaban. Ano ang mangyayari kung magka harap harap ang m...