Chapter 73: MOVING ON

777 21 1
                                    

THUNDER ACE'S POV

Ilang taon na ang naka lipas unti unti ng bumabalik sa dati ang mga bagay bagay.. Lahat kami naka graduate na at may kanya kanya ng mga kumpanya na pinapatakbo.. Nag pakasal na din ang mga loko loko sa kani kabilabg girlfriend.. Ang hindi nalang ikinakasal ay kaming apat nila Stron, Frances at Sky HAHAHA.. Yung dalawa kasi nag kakaroon pa ng problema tungkol sa mga mahal nila eto namang si Frances torpe pa rin hanggang ngayon pero alam naman ng lahat kung sino ang natitipuhan nito.. Ang umupo naman sa trono ay si Ace sa kagustuhan na din ni Ashley na sa kanya ipasa ang trono.. Naging magkaka-konekta na ang mga kompanya namin at namamayagpag sa mga leaderboards sa iba't ibabg bansa.. Madaming nangyari na hindi nya na nasilayan pa.. Papunta ako ngayon sa rest house naming mag babarkada.. Masasabi kong hindi pa ako totally nakaka move on sa mga nangyari.. Sobrang sakit kasi mawalan..

"Oh Ace!!" tawag nila sa akin

Nasa labas sila sa may swimming pool at nagkakasiyahan na.. Ngumiti ako at masayang lumapit.. Sila yung nandyan nung walang wala na ako hanggang ngayon nandito pa rin sila. Kumpleto ang mga kaibigan at magulang namin dito ngayon.. Ano nalang kayang nangyari sa akin kung wala silang lahat.. Baka wala na ako ngayon sa mundo HAHAHA..

"Ready ka na?" tanong nilang lahat

Tumango ako at umupo sa isang bench.. May supresa daw sila sa akin ngayong araw.. Agad na nilagyan nila ako ng blind fold at inalalayan ako kung saan nandun ang pakulo nila.. Iniwan ako ng kung sino sa kanila.. Tahimik at mahangin ang paligid, nag antay ako ng ilang minuto at walang naimik. Kaya't nag pasya ako na alisin ang blind fold ko..

"A-ash?!"

Agad na nag patakan ang mga luha ko.. Ang babaeng nasa harapan ko ngayon sya na ba talaga to? Niyakap ko sya ng mahigpit kahit wala itong reaksyon..

"Oh god andito ka na, naaalala mo na ba ako? Ash ako to yung mapapangasawa mo.. Antagal kitang inantay bakit ngayon ka lang" walang tigil ang luha na bumabagsak sa pisnge ko "Magsalita ka naman miss na miss na kita baby ko"

Tama kayo buhay sya pero paggising nya di nya ako maalala kahit ng mga kaibigan namin hindi nya maalala maliban sa pinsan nya.. Nag decide ang parents nya na ilipat sya sa US para mag pagaling lalo la ng malaman namin na bukod sa nagka amnesia sya ay nainjured ang paa nya pero may chance pa naman na makalakad.. I'm depress nung umalis sya samantalang naalis naman ang fetus sa kanya kaya nagpasya kami na bigyan sya ng maayos na pahingahan... Ang totoo nyan ika-limang taon na nya sana ngayon.. Kaso wala na sya pero nandito pa din sya sa puso ko..

"I'm sorry, ngayon lang ako.. Akala ko wala na akong babalikan kaya nag aalangan pa akong umuwi.. Patawad baby ha di ko nailigtas ang anak natin"

Naramdaman kong humigpit ang yakap nya at may pumapatak ng luha.

"I'm sorry kasi di ko sinabi ang sakit ko kaya't nag agaw buhay ako nung iniligtas nyo ko... Pero heto ka pa meron pa kong babalikan, meron pang sila na inalagaan ka para sa akin.. Naaalala ko na lahat, im sorry kung naka limot ako.... I-Im sorryy..."

Mas naiyak pa ako sa mga sinabi nya.. Sarili ko sinisisi ko kung bakit nangyari ang lahat ng nakaraan. Pero alam kong mas nasaktan sya ng maalala nya at malaman na namatay ang anak namin.. Naikwento na sa amin yun ni Alexa nung unti-unti ng bumabalik ang ala ala nya. Alam kong nag hirap sya para lang makabalik sa akin, sa amin... At sobrang pagpapasalamat ko na nagawa nya at nag tagumapay kami sa pagsubok na binigay sa amin..

"Nakakainggit naman!"
"Sali kamii dyan"
"GROUP HUGGGG!!!!"

At mga nag siyakapan na sila sa amin ng tumatawa.Tyaka na kqmi dinala sa may swimming pool..

"1...2...3..."

*Splash

"KASALAN NAAA!!!!!!" sigaw nilang lahat matapos kaming ihulig sa pool

THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)Where stories live. Discover now