ASHLEY STORM'S POV
Uhaw na uhaw na ako at gutom na gutom na. Nanghihina na ako at halos di na ako makagalaw. Kapit ka lang babyy ililigtas tayo ng daddy mo kapit ka lang...kausap ko sa tiyan ko. Sumasakit na kasi ito na mas nakapag pahina sa akin.
*FLASHBACK*
Nagising akong wala sa kwartong tinulugan ko kagabi. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang matinding sakit ng ulo at nakatali ang mga binti ko sa bakal. Sinubukan ko itong alisin sa paa ko ngunit di ko ito maalis.
"Wag mo ng subukang tumakas dahil hindi ka makaka takas HAHAHA" boses ng lalaki
Naka mask ito at naka suot ng cap.Sinubukan kong alalahanin kung sino ang kaboses nya pero di ko maalala.
"Walang hiya ka anong kailangan mo sa akin?!" nagwawala kong tanong
May tinawagan ito at niloud speaker. Maka wala lang ako dito mapapatay ko to! Sumagot na yung nasa kabilang linya.
"Hello! Sino to?" boses ni Dad
Sinubukan kong lumapit sa kanya pero di ko sya maabot.
"Kamusta! HAHAHA hawak ko lang naman ang nag iisang anak mong babae..." nakatingin nitong sagot
Bigla nya akong sinampal ng malakas.
"Aaaaahhhhhh!!!" sigaw ko sa sakit
"Hayop ka!! wag mong sasaktan ang anak ko! Ano bang kailangan mo?! Sabihin mo!!" galit na tanong ni DaddyTiningnan ulit ako ng lalaking ito mula ulo hanggang paa. Agad naman akong napahawak sa tyan ko. Di nya alam na buntis ako?
"Yung trono lang naman ang gusto ko..."
*bang*
Nagpaputok sya malapit sa pwesto ko! Shitt baliw na ba to?!
"Yung trono lang HAHAHA pag isipan mo to!!"
*bang*
Isa pang putok ng baril sa pagitan ng mga paa ko! Damn!
"Bibigyan kita ng oras para mag isip HAHAHA tatawagan kita ulit mamayang 5 o'clock para hingiin ang sagot wag na wag kang mag susumbong sa mga pulis kung hindi..."
*bang*
Isa pang putok sa tabi ng ulo ko. Tanginang anong gagawin ko?! talagang papatayin ako ng isang to!
"sa anak mo na tatama ang kasunod na bala nito HAHAHAHA" at pinutol na nya ang tawag
Di ko man kita pero alam kong naka ngisi sya sa akin ngayon.
"Papadalhan kita ng pagkain na may lason HAHAHA hahayaab kitang magutom hanggat hindi pa pumapayag ang magaling mong ama HAHAHA" hinawakan nya ako sa baba at itinulak ako sa kama
Agad na inayos ko ng sarili iimik pa sana ako ng makalabas na agad ito. Shittt!! hindi pwedeng hindi ako kakain!! Hold on baby kailangan nating mabuhay, ililigtas nila tayo okey ililigtas nila tayo. Agad na pumatak ang luha ko ng makaramdan ako ng pagkirot ng ulo ko hanggang sa makatulog ako.
*END OF FLASHBACK*
Totoong nag padala sya ng pagkain at inumin dahil paggising ko meron na aa tabi ng higaan ko. Ngunit hindi ko ito kinain amoy panis din kasi ito. Napatingin ako sa wrist watch ko, malapit na mag 5 o'clock. Agad na nagbukas ang pintuan at may lumapit sa akin na mga kalalakihan. Kinalagan nila ako at hinila palabas. Nasa ikalawang palapag ako at ng makarating kami sa sala....
*Bang*
Napaluhod nalang ako bigla sa pagtama ng bala sa hita ko. Nag hahabol hininga na ako at walang wala ng lakas.
"ANG TIGAS DIN TALAGA NG AMA MO EH!! MAMAMATAY KA DAHIL LANG SA PINAKA IINGATAN NYANG TRONO HAHAHAHA!! IISA ISAHIN KO KAYO!!" tumalikod ito "Dalhin sya sa sasakyan dalian nyo!" utos nito
Agad naman akong hinila ng nagdala sa akin sa sala. Nang makalabas kami ay puro puno at malawak na daan lang ang makikita.
*Bang*
*Bang*
Agad na natumba ang nag hahawak sa akin kaya naman pati ako natumba.
"Shitt!! Bat huli na sila!!" anas ko
Pinunit ko ang damit ko at itinali sa hita ko sa taas ng natamaan na bala. Agad akong lumuhod at kinuha ang baril. Paika ika akong tumago sa isang puno. Dumapa at itinapat sa papalabas na lalaki.
"LUMABAS KA NA DYAN ASHLEY!!! NAPAKA TAPANG NAMAN NG MGA KAIBIGAN MO AT SINUBUKAN KA PA NILANG SAGUTIN!! LUMABAS KA NA DYAN KUNG HINDI BABARILIN KO TONG KAIBIGAN MO!!"
Agad akong napatingin sa kasama nya. At agad akong napasinghap. Si Cloud at Winter ang kasama nya duguan at halatang binugbog.
*Bang
"ALAM KONG NAKITA AT NARINIG MO YUN HAHAHAHA LUMABAS KA NA DYAN KAWAWA NAMAN TING KAIBIGAN MONG BABAE MAKAKATIKIM NG IBA'T IBANG SARAP SA MGA TAUHAN KO!!"
Nakita kong tinulak nya ito sa mga tauhan niya.
"NO!! NOT MY GIRLFRIEND!!" sigaw ko Cloud
Hinubaran na ng mga tauhan nila si Winter na naka suot ng sexy dress. May lumapit pang isang tauhan na may kasama pa at di ako nagkakamali si Natasha yun may tama ito..
"OW!! ANG BAIT NAMAN NG MGA KAIBIGAN MO!! HAHAHA PINALITAN NILA ANG BUHAY MO OHH!!" sigaw ng demonyong yun
*Bang
Bumagsak ang isa sa mga tauhan nya. Kaya naman nawala ang atensyon nito at mga tauhan niya. Naging tyansa ko ito para makalapit at pinag babaril ang mga tauhan nya. Nag hiwa hiwalay sila ng may iba pang namamaril bukod sa akin. Kaya naman agad kong ibinuhos ang lahat ng lakas ko mskalapit lang sa tatlong to.
"Ash buhay ka!" natutuwa nilang anas
"Umalis na kayo dito bilis humingi kayo ng tulong!!" sigaw ko habang nakikipag barilan sa mga tauhan nilaLaking pasasalamat ko ng umalis na sila. Agad akong dumapa at kinuha ang ibang mga baril ng mga wala ng malay na tauhan ng demonyo.
"Wag kang gagalaw kundi ipuputok ko to sa ulo mo!"
Agad akong napatigil ng may maramdaman akong nakatutok sa ulo ko. Hinila ako ng demonyo patayo.
"Akala mo ba makakatakas ka sa akin HAHAHA" baliw na tawa nito
Buong lakas ko itong siniko at tinulak. Dali dali akong tumakbo upang magtago sana ng biglang...
*Bang
*Bang
*Bang
Bumagsak nalang ako at agad na umubo ng dugo. Tinamaan ako sa braso na sinundan ng pagtama pa ng bala sa tagiliran ko at ang huli sa likod. Sinikap ko pang gumapang hanggang sa may marinig akong putok ng mga baril at mga pulis. Baby, patawad ha di na kaya ni mommy mo... umubo ako ng umubo ng dugo. Habang humahaplos sa akin ang malamig na hangin. Nanlalabo na ang paningin ko ng may tumapat na liwanag sa akin galing sa helicopter at may mga tumatakbo palapit sa akin. Ngumiti muna ako dahil alam kong ligtas sila. Hanggang sa pumikit na ako at ubo lang ng ubo.
Patawad, Ace hindi ko na kaya...
YOU ARE READING
THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)
Teen FictionPaano ka mag mamahal ng isang misteryosong babae? Kaya mo bang ipaglaban ang nararamdaman mo? Kung mag mamahal sya bakit dun sa taong yun pa? Parehas may ibang katauhan pero iisa lang ang pinaglalaban. Ano ang mangyayari kung magka harap harap ang m...