ASHLEY STORM'S POV
Andito kami ngayon sa hospital kung saan dinala si tito. Di pa ito nagigising at di rin kami dumiretso pag dating dito sa US. Buti may mabilis na flight ng araw na iyon.
"Storm, s-sorry"-biglang imik ni Alexa
Lumabas nalang ako ng kwarto at pumunta sa cafeteria ng hospital. Nalaman ko kanina kyng anong nangyari sa gagang yan. Pinalinis ko kanina sa mga nurse yung sugat nya na nabubog. Naligaw daw sila sa kabilang parte ng rest house at kasama nya si Rain magdamag! Jusko! Iniisip ko palang na baka may nangyari na sa kanila ewan ko nalang ang gagawin ko. Pag ka order ko at humanap na ako ng table. Pinagtitinginan ako ng iba dito dahil baka kilala nila ako lalo na at nagkalat ang mga picture ko sa social media. Mamaya eh puro stolen ko na yun na kumakain. Tss! Bigla kong naalaayung gawain ko sa Pinas hayst kailangan di lalong tumambak yun sa desk ko. Tinext ko nalang si Patrick at pinaalalahanan lalo pat di ko alam kung kailan ako makakauwi.
ALEXANDRA'S POV
Andito kami ngayon sa hospital at hanggang ngayon di pa nagigising si dad. Galit pa rin sa akin si Ashley dahil sa ginawa ko. Haysstt! Ang tanga tanga mo kasi Alexa!
*Beep-Beep*
May nagtext pero unknown number. Sino toh?
"Hi babe! It's me Rain, nakuha ko number mo kay Patrick. How are you? I miss you!"
Yan yung nakalagay napangiti naman ako edi ibig sabihin di lang yun basta ano. At ayan na nga nireplayan ko na sinabi ko na galit si Ashley at di ko alam kung kailan ako makaka balik sa Pinas.
"A-Anak, A-Alexa..."
Napatingin ako kay dad na gising na kaya't dali dali akong tumawag ng doktor. Shit buti naman gising na sya di ko alan ang gagawin ko kung wala sya!
ASHLEY STORM'S POV
Pabalik na ako sa room ni tito kasi tinext ako ni Alexa na gising na daw si tito. Pagdating ko dun saktong kalalabas lang ng doctor.
"Uncle, How are you?"-tanong ko
Nakita kong nagce-cellphone itong si Alexa. Mukhang may ka-text kasi ngingiti ngiti pa!
"Ayos naman ako Storm, di nga lang makakalakad pero babawi ako at magpapalakas"-sagot ni tito
Napailing nalang ako, edi di sya okey sino ba niloko nito?!
"Alexa, kumuha ka ng mga damit ni tito at damit mo na rin!"-utos ko kay Alexa
Agad naman itong tumayo at nag paalam. Ang gaga talaga di natigil sa pagce-cellphone.
"Tito ano bang nangyari?"-tanong ko
"Kasi Storm ganto yan, yung araw na iyon papunta ako sa isang malaking investor ang kaso may bumangga sa sasakyan ko"-sagot nitoIbig sabihin maaari talagang sinadya yun. Lakas ng loob nila ha!
"At ngayon nawala na yung investor sayang, kaya please Storm pwede favor?"-seryoso nitong saad
Di ko alam kung bakit biglang parang ayaw ko sabihin na pwede. Takte naman eh!
"Yung kaya lang tito"-sagot ko
"Please Storm, ikaw muna ang mamahala ng kumpanya habang nag paparecover ako di kasi pwede si Alexa kasi sya ang mag aalaga sa akin. Please minsan lang ako humingi ng pabor"-paki usap nitoKung masiyahing tao lang siguro ako baka ang reaksyon ko di na maintindihan. Di ko alam kung papayag ako sa gusto nito. Madadamay ang pag aaral ko! Bumuntong hininga ako at tumango okey lang siguro kasi pag ako ang may kailangan bigay nya agad walang reklamo tas ang totoo ngayon lang sya humingi ng pabor sa akin. Nag pa book na ako ng flight ko para bukas. Naghanap na rin ako ng school na papasukan maganda rin naman kasi may chance na mas mauna akong maka graduate dito dahil may ganong policy. Yung bahay ko naman sa condo nalang yun ang sabi ko kay tito. Haystt saka na ako mamimili. Sa ngayon kailangan kong mag take a rest para bukas.
![](https://img.wattpad.com/cover/199026005-288-k183329.jpg)
YOU ARE READING
THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)
Teen FictionPaano ka mag mamahal ng isang misteryosong babae? Kaya mo bang ipaglaban ang nararamdaman mo? Kung mag mamahal sya bakit dun sa taong yun pa? Parehas may ibang katauhan pero iisa lang ang pinaglalaban. Ano ang mangyayari kung magka harap harap ang m...