Chapter 50: SICKNESS OF LOVE

652 23 0
                                    

THUNDER ACE'S POV

Maaga palang ay andito na ako sa school. I want to see her. I really miss her. Sadly kanina pa ako nag aantay dito sa may guard house.

"Ihjo, di ka pa ba papasok sa klase mo?" tanong ni manong

Sumulyap muna ako sa labas at tumingin sa wrist watch ko.

"Wala pa ho kasi yung inaantay ko eh" sagot ko
"7:20 ba ihjo baka maparusahan ka nyan" nasa pag aalala nitong tono

Ngumiti lang ako kay manong at bumulong ng 'ayos lang'. Hindi na nya ako pinansin pa at inayos na ang record book nito. Haystt! hindi pa sya papasok? Akala ko pa naman ngayon ko na sya makaka usap. Habang naka tingin sa nay parking lot bigla akong nabuhayan ng dugo nang makita kung sino ang bagong dating.

"It's her" bulong ko

Lalapitan ko na sana sya ng biglang may lumabas na lalaki sa kotse nya at dalawang babae. Nagtago ako ng kunte at pinagmasdan lang sila. May pinag usapan muna sila bago pumasok ulit ang dalawang babae sa kotse ni Ash at umalis. Ngayon kasama nya yung lalaki papasok dito sa may gate. Nagtago lang ako at halatang di naman nila napansin

"Ayos lang na malate ako basta masamahan kita" si Ash
"Pero di ba may parusa ang late" yung lalaki

Nayukom ko nalang ang aking kamao. Damn! sino ba yun? Nang makalagpas na sila sa guard house ay saka lang ako lumabas sa pinagtaguan ko.

"Ano ihjo? Dumating na ba inaantay mo?" si manong

Di na ako umimik at malalaking hakabang ang ginawa ko papunta sa first sub. Di naman ako naabutan ni Shawn sa hallway kaya ayos lang.

*Blag*

Walang teacher? Tsk! nakatingin sa akin ang mga kaklase ko na nangtataka. Sipain ko ba naman yung pinto tsk! Umupo ako agad sa upuan ko. Damn! Di aio nag seselos hindi!

"Ayos ka lang dude?" tanong ni ulap

Di ako umimik at matalim na tinitigan lang ito. Hanggang sa 20 minutes na ang lumipas at may nag pasok. Teacher namin kasama s--- napaawang nalang ako ng labi it's her with that freaking guy!

"Di ba sya yung nasa reception ko?" takang tanong ni Rain

Biglang nag flashback ang gabing iyon na may ipinakilala sa amin ang daddy ni Rain. Damn! San naman nya nakilala ang lalaking yan?! May koneksyon ba silang dalawa?!

"Tangina!" madiin kong bulong

Umupo ako ng maayos at matalim ns tinitigan ang Frances na yun!

"Goodmorning class, meron tayong bagong transfer" tumingin ito sa baguhan "Magpakilala ka na ihjo"

Nakita kong umupo na si Ash sa upuan nito. Mali nag iba sya ng upuan dun sya sa kabilang dulo nag upo hindi na sa dating pwesto nito.

"I'm Frances that's it thank you" nakangiti nitong anas

Kita ko naman na kinilig ang mga haliparot kong kaklase.

"And syempre welcome back kay Ms. Madrigal"

Binati naman nila si Ashley na ngayon ay naka poker face lang at hindi manlang lumilingon sa pwesto namin. Tumabi sa kanya ang Frances na yun at nginitian sya ni Ash. Nagsimula na ring magturo ang teacher namin. Hindi ko maiwasang hindi sila tingnan lalo na at ang sweet nila sa isa't isa. May ginagawa sika at hindi nakikinig sa klase.

"Baka matunaw"

Napabaling ang tingin ko kay Winter na ngayon ay naka tingin sa dalawa.

"Lapitan mo mamaya hindi yang kanina ka pang masama ang tingin sa kanila eh hindi nga tayong magawang sulyapan eh" anas ni Sunny

Inalis ko na ang tingin ko sa kanila at umubob na sa desk ko. May isa pang sub bago mag break time. Tutulog nalang ako kesa tingnan silang dalawa.

"Ace.... Gising na"

Naramdaman kong parang may tumatapik sa likod ko. Nag angat ako ng mukha at nag kusot ng mata huli na ang marealize ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"A-ash" bulong ko
"Iniwan ka na ng mga kasama mo wala ng klase ngayon dahil my emergency meeting ginising na kita kasi ako ang mag sasara ng room" sabi nito

Tatakikod na sana sya ng bigla ko syang higitin pa-upo sa hita ko at niyakap.

"I miss you, Ash" malungkot kong anas

Pinipilit nyang tumayo at ewan ko ba pero nang hihina ako kaya nakatayo sya.

"Tigilan na natin toh" walang emosyon nyang anas

Naguluhan naman ako bigla sa sinabi nya. Itigil na?

"Ayaw ko nang may bumubuntot sa akin... Ayaw ko sayo!" sinasabi nya yan habang naka tingin mismo sa mga mata ko "Hindi naman kita gusto eh tigilan mo na kung ano ang pinag gagawa mo kasi nag aaksaya ka lang ng oras mo sa akin"

Tumalikod na sya pero hinabol ko ito.

"A-ash, may nagawa ba akong mali?" tanong ko dito

Damn! Hindi sya pwedeng mawala sa akin!

"Wala" sagot nya at lumabas na

Lumabas na din ako at inantay sya sa sunod nyang gagawin.

"Tigilan mo na ako dahil kahit kailan hinding hindi tayo mag kalebel at di tayo parehas ng nararamdaman... Laruan ka lang sa akin, Ace" sabi nya

Laruan ka lang sa akin, Ace yan ang unang nag sink in sa utak ko. Natulala nalang ako bigla at parang piling ko may papatak na luha. May naramdaman akong kamay at malamig na bagay. Hanggang sa makita ko ang imahe ni Ash na unti unti ng nawawala sa paningin ko. Napahawak ako sa inilagay nya sa kamay ko. Susi ito ng room. Dito na pumatak ang luha ko. Laruan lang ako sa kanya? Damn her! Dahil ba may bago na sya?! Putangina naman eh! Napasabunot nalang ako sa aking buhok at napaluhod! Bakit ang sakit?! Hindi dapat ako nasasaktan! Plinano namin toh ah! Bakit ako sumugal! Tangina naman oh!

THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)Where stories live. Discover now