Chapter 25: HER PARENTS

704 19 0
                                    

PHILIP'S POV

"Hon, hanggang kelan natin itatago toh?"-tanong ni Mildred

Im Philip Madrigal and Mildred Madrigal is my wife ofcourse we have only daughter Alexandra Madrigal and also a nephew Ashley Storm Madrigal. Kadadating lang ni Mildred dito sa bahay si Alexa naman tulog na.

"Ewan ko rin hon eh, baka masaktan sya"-sagot ko

Hawak kasi nito ang picture ng kapatid ko at ang asawa nito na parents ni Storm.

"Baka mas masaktan ang aking pamangkin kapag sya ang nakaalam ng totoo"-malungkot na sabi ni Mildred

Ako rin naman eh kaso...

"Hon, sabihin na kaya natin"-suhestyon ni wifey

Umiling ako tanda na di ako pumapayag. Baka mabigla si Ashley at di makaya. Ang totoo kasi nyan hindi naman talaga namatay sa isang car accident ang aking kapatid at asawa nito. Sinadya silang patayin ang totoo nyan ang alam ko may kakambal si Storm nagkahiwalay sila nung araw ng pagpatay 7 years old palang sila nun. Si Strom ay sinugod namin sa hospital dahil may tama ito ng bala ng baril sa likod. Sya lang ang nakuha namin hindi ang kapatid ko, ang asawa nito at ang kakambal na lalaki ni Storm. Pabalik namin dun wala na yung tatlo at naabutan nalang namin na nasusunog ang bahay nila. Naabo na yung bangkay ng kapatid ko at ang 2 pa nitong pinaka mamahal. Nung time naman na yun nasa operation si Storm na muntikan na ding bawian ng buhay. Na-comatose sya ng 10 months mukhang walng pag asa pero di namin sinukuan. Hanggang sa dininig naman ng panginoon ang panalangin namin na magising si Storm. Inalagaan namin sya na para na ring anak itinago namin sa kanya ang totoong nangyari sa pamilya nya. Lumaki syang malamig makitungo na tanging sa taong mas nakakakilala lang sa kanya ang makakakita ng ngiti nitong kay sarap tingnan.

"Hon!"-agaw atensyon ni wifey

Niyakap ko nalang ito at tinabihan sa higaan. Im happy na ngayon maayos pa at natatakot ako sa araw na baka bigla nalang bumalik ang nakaraan. Baka hanggang ngayon hinahanap pa rin sya ng mga taong gustong patayin ang pamilya ng kapatid ko. I miss you kuya! Oo mas matanda yung papa ni Strom sa akin sya si Antimony wierd ng pangalan nyan eh yung papa namin ang nagbigay ang asawa naman nya ay si Samantha limot ko na yung pangalan nung kakambal nya kasi di ko naman nakikita yun kahit si Strom saka ko lang nalaman ang pangalan nung pagkagising nya sa hospital. Ang totoo nyan di ko pa talaga nakikita ang kapatid nitong lalaki na mas matanda lang daw sa kanya ng ilang sigudo sabi ni kuya. Nung nangyari kasi yung patayan na yun kauuwi lng namin sa Pinas at may kuya sana kami makikituloy kasi ito na rin ang nagsabi. Kami ay may lahing royal blood pero di yung sa hari at reyna. Kami kasi ang may isa sa pinaka malaking angkan. Si kuya may grupo sya isa syang fighter ng underground yung sa mga gangs gangs isa sya sa pinaka malakas ang totoo halos lahat kami meyembro ng pamilya kaso si Kuya ang naka angat nun. Ngayon wala na akong balita sa underground dahil naglayo na kami. Patawad Storm sasabihin din namin sayo ang totoo kapag handa na kami.

THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)Where stories live. Discover now