Chapter 45: IMPOSTOR

657 22 0
                                    

SHARMANE'S POV

Masakit ang ulo ko kaya naman bumangon ako sa kama. It's been 3 days ng dumating ako dito sa bahay ni Madrigal. She's my freaking best friend and guess what kamukha ko kasi sya ng kunti ewan ko ba kung bakit. Anyway I'm Sharmane Dela Vega. Di ako mayaman kagaya ni Lyn. Naging best friend ko sya nung nag tratrabaho pa ang mga magulang ko sa pamilya nila Mr. Philip Madrigal nung 8 years old ako. Matagal tagal ko din syang naging palihim na kaibigan dahil sa makulit nitong pinsan si Alexa napaka arte nun. Sa loob ng 3 years bff ko sya then ayon nag resign na sila mama at papa nun kaya napilitan kaming maghiwalay. Driver nun si papa at mayordoma si mama kaya't parang ayaw pa nilang umalis kaso kailangan kasi aasikasuhin na nila yung lupa namin sa probinsya. Nag pramis si Lyn nun na hahanapin nya ako at tinupad nya yun this past month lang yun.

"Oh gising ka na pala Shasha" bungad ni Jess na kumakain ng agahan
"Morning hihihi" sabi ko at umupo na rin

Nasa gitna kami ng pagkain ng marinig namin ang pagbukas ng pinto. Isang Ashley ang buhay at walang galos ang pumasok.

"Jessica... Bakit mo naman iniwan ang mga tauhan natin dun?" tanong nito

Napakamot nalang si Jess at alam kong ako ang may gawa nun.

"Ahm.. Lyn ganto kasi yan napapa uwe na kasi ako eh gawa ng nagka emergency" ako na ang sumagot

Umupo ito sa isang upuan at kumain ng hotdog.

"Anong emergency?" tanong nito
"Ahm..." nahihiya ako eh "Nagka period kasi ako eh wala namang extrang pad si Jess"

Wala akong narinig pa dito kundi ang isang malalim na buntong hininga. HAHAHA wala naman syang magagawa babae din sya.

"Check my sched later Jess and Shasha di mo na kailangang bumalik pa dun" sabi nito

So? Tapos na ang pagpapanggap ko? Di ko na makikita yung gwapong kakambal ni Lyn?

"Di ko na makikita ang kakambal mo?" tanong ko

Nag angat naman ito ng tingin sa akin at ngumisi. Shitt! mukhang nabasa nya ang ibig kong sabihin.

"You find my twin attractive huh? Then back off kalaban ko yun" sabi nito at umalis na

Ano kaya problema nun? Mabait naman ang kakambal nya ah!

"Di ako nagwa-gwapuhan sa kakambal ni Master HAHAHA" tumatawang sabi ni Jess "Impostora ka di nya alam na di si Master yung naka ratay sa hospital bed at kinakausap nila" uminom ito ng gatas at tumawa uli "Inalagaan ka nila na para bang si Master ka talaga ang mangmang nga lang nila at mukhang hindi naka halata HAHAHA"

Napasimangot nalang ako sa sinabi ni Jess. Totoo naman eh ako ang impostor ni Lyn habang bumubuo ito ng plano. But atleast nakilala ko pa rin si Stron HAHAHA. Lalapitan ko nalang sya kapag naka uwe na sila dito.

"Dalian mo dyan at aalamin pa natin ang sched ni master" utos ni Jess

Matik na nagtaas ang isa kong kilay.

"FYI ikaw lang ang inutusan ni Lyn kaya manigas ka dyan" sabi ko dito

Tumawa lang ito ng tumawa at kinutingting ang laptop na nasa tabi nya. Ewan ko ba bakit nagtagal itong babaeng to sa ugali ni Lyn. Napaka halimaw pa naman nun. Nakakalungkot lang talaga na di na ako magiging impostora ngayon ni Lyn.

THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)Where stories live. Discover now