Chapter 60: JAMMING

733 18 0
                                    

ASHLEY STORM'S POV

Ngayong araw paalis kami nila Jessica... Jamming jamming muna kami ngayon.

"Tara na!" sigaw ni Shasha
"Mukhang nagbago ata ang ihip ng hangin ngayon master ah" pang aasar ni Jess

Ayaw nya kasing maniwala na mag sho-shopping kami ngayon. Kunti nalang oras ko kaya kailangan ko nang sulitin. Baka di ko na sila makasama pa hahaha. Si Jess ang nagmaneho papuntang SM. Ako naman dito ako sa likod umupo hinakwat ko kasi itong mga gamit ko sa bag. Saka ko lang napansin na ang dami ko palang credit card.

"Andito na tayo!"

Nauna na silang bumaba ng kotse. Excited sila nyan kasi sinabi ko na kahit anong gusto nila bibilhin ko. Isinakbit ko na ang bag ko at lumabas.

"Lets goo bwahaha!" tumatawang anas ni Shasha

Nauuna silang maglakad kaya naman napagmamasdan ko ang masaya nilang pagmumukha -_- una silang pumasok sa mga damitan at nagsukat ako naman namimili na lang din. Pumunta ako sa men's section at pumili para kay kuya at papa hanggang sa maisipan ko nang bilhan lahat ng mga lalaki barkada man o kapamilya.

"Maam ang dami naman po nito" sabi ng sales lady

Nginitian ko lang sya natatawa ako na ewan kasi ang dami ko na palang napili.

"Para kanino po ba ang mga ito?" tanong nya
"Panregalo lang sa pamilya at barkada" sagot ko
"Family reunion po ba?" anas nito

Sagot lang ako ng sagot sa mga tanong nito at di ko namamalayan na kasa kasama ko na sya at kadaldalan ko pa. Sinamahan ko sya hanggang sa makarating sa casher.

"Ahm... Dyan mo muna yan halika sama ka kulang pa yan" natatawa kong anas

Nagkatinginan muna sila nung cashier. Pumunta naman ako sa pambabae at sinimulang kumuha ng mga dress at t-shirt. Madaming magaganda kaya kahit hindi nalang siguro ako maglagay ng pangalan.

"Ang yaman nyo naman po maam" manghang anas nito
"Naks hindi naman" sabi ko

Hinanap nang mga mata ko yung dalawa at nakita kong namimili pa sila na halatang namamahalan sa presyo ng mga damit.

"Bat nagtitiis ka mag trabaho dito?" tanong ko habang namimili ng mga skirts at pants
"Para po sa pamilya" sagot nya

Ano pa bang ieexpect ko? For family yeah.

"Tapos ka na ba mag aral?" tanong ko

Ang bata pa kasi nito baka nasa 19 lang ito or 20.

"Hindi papo, tumigil lang ako third year collage na po sana ako kaso nagkasakit yung tatay ko" sagot nito

Napatango tango naman ako.. What a lovely daughter haystt. Tuloy labg ako sa pamimili hanggang naka abot kami sa mga damit pang bata kumuha na din ako para dun sa dalawa kong pamangkin. Almost hour at sa cashier din kami bumagsak.

"Maam, l-lahat po ito bibilhin nyo?" tanong nung cashier
"Yeah, actually meron pang kasama yan" sabi ko "Dito nalang sa isa yung binibili nung dalang babae na kasama ko kanina"

Tumango tango naman sila at sinimulan na ang pag scan ng mga damit tumulong na din yung kasama ko kanina sa paglalagay ng mga damit sa paper bag.

"Tapos na kamii!" anas nung dalawa
"Dun kayo sa kabilang cashier" sabi ko

Nagulat naman sila sa pinamili ko. Di namab masyadong madami yun eh!

"Lahat yan bibilhin mo?" tanong ni Shasha
"Yeah" sagot ko
"Ang mamahal ng mga damit dito master" kumento ni Jess
"Di naman kayo ang mag babayad ah, sige na ipa scan nyo na yan dun para mabayaran ko na" pagtataboy ko sa kanila

Nag-antay lang kami ng halos 1 hour sa pag aantay ng damit.

"Maam, cash or credit card?" tanong nila
"Credit card please" sabi ko at iniabot tig isa ang dalawa kong credit card

Binigyan ko naman nang calking card yung kasama kong babae kanina.

"Para saan po maam?" tanong nito
"Pumunta ka dyan tapos hanapin mo lang ang pangalan ko" sabi ko "Babalikan nalang namin yang mga pinamili namin

Inabot sa akin nung Cashier yung credit card ko kaya naman hinila ko na sila Jess. Maaga pa naman kaya dumiretso kami sa mga sapatos. This time wala na kong kasama.

"Pa-assist please and bring a cart" sambit ko

Agad namang kumilos ang isa sa mga staff. Di ko alam ang mga size nila kaya nanghula hula nalang ako kung kanino mag kasaya edi dun mapupunta. Inilalagay ko lang sa kart lahat ng makikita kong sapatos. Then at the end almost hour na naman ang inabit namin.

"Tara kain na muna tayo" boses pagod ni Shasha

Nagpahila lang ako sa kanila hanggang sa may mabangga sila. Napatigil labg ako at inaantok na tiningnan sila.

"Ano ba?!" napasigaw na anas ni Jess

Napatingin naman ako sa naka banggaan nila. And im shock like hell!

"Baby?!" at nakita na nga ako

Lumapit ako kay Ace at yumakap saglit. Nagulat naman ang dalawang loka loka.

"Mag jowa kayo?!" sabay na tanong nila Jess

Napakamot nalang ako sa batok ng akbayan ako ni Ace.

"Hey! we meet again" napalingon ko kay kuya na nakatingin kay Shasha

Hmmmm... I smell somethings fishy huh.

"Jess, my boyfriend Ace" sabi ko at tinuro naman si kuya "And that's my brother"

Si Shasha naman natigilan na kung hindi ako nagkakamali nalove at first sight ang gagang yan sa kapatid ko.

"Hey! bat nyo ko ini--- ow Ash wazaap" biglang sulpot ni Sky

Napatingin naman sya kay Jess. Lumapit sya dito at inakbayan. Ito namang si Jess inaalis ang kamay nya.

"Anong meron?" tanong ni Sky
"Actually kakain kami nang mabangga nila itong dalawa" sabi ko sabay turo kila Jess
"Ahm.. Sakto kakain na din kami eh" sabi ni kuya
"Sabay na kami sa inyo" sabi naman ni Ace

Nauna na kaming maglakad at nasa likutan namin yung apat. Para talagang may something sa mga toh eh.

"Anong ginagawa nyo dito baby?" tanong ni Ace
"Nag jamming lang kami" sagot ko
"Bat di ka nagpaalam?" tanong nya ulet
"Kailangan pa ba yun?" balik kong tanong
"Tss, syempre girlfriend na kita kaya dapat nag papaalam ka na sa akin" inis na tono

Napatawa nalang ako ng mahina na naging dahilan kung bakit napahawak ito sa batok nya. Hahaha ayaw ko nga ng laging nag papaalam like duh. Pumasok kami sa isang restaurant at agad na nag order. Nang dumating ang pagkain ay tahimik lang kaming kumain. Ang hindi pala kami tahimik dahil yung apat ang ingay ingay. Ako na rin ang nagbayad at di na nakatanggi si Ace. Nauna akong lumabas ng resto at tumawag sa Mc do para mag pa deliver ng pagkain sa bahay nila Daddy. Sinabihan ko na din ang iba na pumunta dun. Kasabay na namin umuwi itong sila ace at katulong namin sa pag dadala at pagpasok ng mga pinamili namin.

THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)Where stories live. Discover now