Chapter 63: WORTH

698 23 0
                                    

ASHLEY STORM'S POV

Nagising akong masakit ang ulo at nasa higaan na. Napabuntong hininga nalamang ako. Di nila ako dinala sa hospital. Huli kong naalala nagpakilala si Ms. F na ina namin ni kuya. Dahan dahan akong bumangon pero di natuloy ng may maramdaman akong naka hawak sa kamay ko. Si Ace sino pa nga ba? Hinaplos ko ang buhok nito at marahan kong inilipat sa unan ko. Mahimbing ang pagkakatulog nito. Lumabas ako at bumaba papuntang kusina.

"Stron?" pagkilala ko sa lalaking na nainom

Lumingon ito sa akin kaya naman lumapit na ako dito at tumabi.

"Okey ka na ba? Bakit gising ka?" tanong nito
"Okey na ko, nagising lang ako dahil nauuhaw ako" sagot ko
"It's one in the morning palang matulog ka ulit ha" sabi nito

Agad akong napatingin sa wrist watch ko at tama sya 1am palang.

"Anong nangyari kanina?" tanong ko habang kumukuha ng tubig
"Ayon si Ms. F she's our mom and that Frances kapatid natin. Di ako makapaniwala na buhay pa si mom imagine after what happened nung bata tayo nakaligtas sya nakatakas sya bago masunog ako bahay tapos may tumulong daw sa kanya at dinala sya sa ibang bansa then ayun nagpayaman sya at si Frances di naman natin totally kapatid inampon sya ni mom. That was quick but unforgettable moment that happened since the revelation na tayo ay kambal" kwento nito

Halatang hindi pa nito tanggap ang mga nangyari kanina. Uminom ako ng tubig at naalala ko yung sa usapan namin ni dad.

"Ahm.. Kuya, may gusto akong ibigay sayo" sabi ko
"Hmm, ano yan?" patawa nitong tanong
"About sa pagpapasa ng trono sa underground gusto kong ikaw na ang kumuha nun" sabi ko
"Huh? Bakit naman?" naguguluhang tanong nito

Huminga muna ako ng malalim. Paano ko ba sasabihin sa kanya? hmm.

"Ini-offer na sa akin ni dad. May kundisyon sya na sa iba nya ibibigay ang trono kong di ko tatanggapin at ang pagbibigyan nya ay yung mga nakalaban ko na mga wala namang kwenta" sabi ko dito
"Sayo naman pala ini-offer eh bat sa akin mo ibinibigay" anas nito
"Kasi ayaw kong pumalit sa pwesto ni Dad kaya sayo ko ibinibigay. Unfair si dad sakin nya ibinibigay eh nandyan ka naman alam mo na hindi mo nasusunod ang gusto mo dahil kay dad kaya this time manindigan ka at kunin mo na yun gawin mo yun para magpatuloy ang history natin sa underground at para hindi mapunta sa iba" pangungumbinsi ko dito

Natahimik ito at nag isip. Hindi porket kuya sya lagi nya kong pagbibigyan. Hindi sya napapansin ni Dad yun ang totoo. Kaya ako na ang gagawa ng paraan para hindi mabaliwala si kuya.

"Tutulungan kita kuya napakalaki ng halaga mo hindi ko lang alam kung bakit hindi yun nakikita ni Dad kaya papatunayan natin yun. Ayaw ko ng may sama ka ng loob di mo man sabihin pero alam ko kakambal mo ko di ba?" sabi ko

Nakatungo lang ito at maya maya pa ay narinig ko ang paghikbi nito. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Bakit? Paano mo nalaman?" naiyak nitong tanong
"Magaling akong magbasa pagdating sa emosyon ng ibang tao kaya wala kang maitatago sa akin" sagot ko "Andito lang ako tyaka kakambal mo ko magkadugtong ang puso natin hanggang kamatayan ako at ako lang ang makakaintindi sa puso mo"

Hinayaan ko lang syang umiyak ng umiyak buti wala pang gising ngayon. He deserve more at di ko hahayaang agawan sya ng iba. Ang sa kapatid ko ay kanya, kanya lamang papatayin ko lahat ng haharang sa daan nya. Marahan kong hinaplos ang buhok nito at hikbi na lamang nya ang maririnig dito sa kusina.

"Sa monday kakausapin ko si dad sisiguraduhin kong sayo mapupunta ang trono at hindi sa iba ang sayo ay sayo" matigas kong anas

Napahagulgol nalamang sya ulit. Di ako papayag na basta basta ka nalang inaapi. Di mo pa nailalabas ang lakas mo kaya't tutulungan kita hanggang sa makakaya ko.

THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)Where stories live. Discover now