Chapter 69: BLACKMAIL

640 20 0
                                    

ALEXANDRA'S POV

Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa masamang panaginip. Panaginip lang yun Alexa, di mangyayari yun! anas ko sa sarili ko. Bumangon ako at bumaba sa kusina. Arghh dito nga pala natulog sila Ash. Madilim kaya naman nangapa ako sa paligid. Nang makapa ko ang switch ng ilaw ay agad akong kumuha ng tubig.

*blag

Napapitlag ako at dali daling pumunta sa sala pero yun na pala ang pagkakamali ko. May humawak sa akin at may pinaamoy na panyo.

"Hmppp!!" pagpupumiglas ko

Damn!! pinigilan ko muna ang hininga ko hanggang sa di ko na nakayanan. Bago ko ipikit ang mata ko ay nakita ko si Ash na walang malay. Dala sya ng mga lalaking naka itim at nasa takim ng mask. Unti-unti ng nanlabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

RAINYZED'S POV

Antok na tumayo ako sa higaan ng makita kong wala si Alexa. Asan na yun? Sinilip ko muna yung kambal sa kabilang kwarto baka naandon na pero wala.

"RAIN!!"

Agad akong napatakbo sa baba ng marinig na sumigaw si Ace. Naabutan ko syang bubuhatin sana si Alexa.

"Ako na!" sabi ko "Anong nangyari dito?" tanong ko

Inihiga ko sya sa sofa saka tumingin kay Ace na...

"FUCK!! NASAAN SI ASHLEY!!"

May nakita akong basag na vase dito malapit sa sala. Nag away ba sila? pero hindi eh iba yung pagkaka basag. Nakita kong nag hanap pa si Ace tyaka lumabas na ito.

"Babyyy..." ginigising ko si Alexa

Bakit sya nasa sahig kanina? Anong nangyari? Tinapik tapik ko ito.

"Babyy wake up!"

Dahan dahan itong nagbukas ng mata.

"A-anong n-angyari?" tanong nito

Umupo na ito at humawak sa ulo. Agad naman akong kumuha ng tubig at pina inom sa kanya ng biglang...

"Si Ashley nasan?!" natataranta nitong tanong at lumingon lingon
"Hinahanap ni Ace sa labas" sagot ko "Ano bang nangyari? Bat ka nasa sahig? bat may basag na vase?" tanong ko dito

Halata namang natataranta to at kinurot kurot pa ang pisnge.

"SHITTT!! SI ASHLEY KINUHA NG MGA LALAKING NAKA ITIM KAGABI!!" malakas na sbit nito
"A-ano?"

Napatingin ako sa may pinto saktong pasok ni Ace.

"Rain tawagan mo kambal ni Ash! Nsa panganib sya bilis!" natatarantang Alexa
"Huminahon ka nga muna!" sambit ko "Anong nangyari?" tanong ko

Huminga naman to ng malalim at pumikit. Kinabahan ako bigla kasi buntis si Ash. Kung ako kinakabahan palang sure ako si Ace kabang kaba na.

"Ganto kasi nagising ako kagabi kaya bumaba ako at kumuha ng tubig nang biglang may narining akong bumagsak tapos... Tapos yun na pagkakamali ko na pinuntahan ko pa may nagtakip ng panyo sa ilong ko at nakita ko si Ash na walang malay bitbit ng mga lalaking naka itim!" kwento nito
"HOLY SHIT!! BAT DI KO NARAMDAMAN!" anas ni Ace
"Kunin nyo na yung kambal pupunta tayo kay tito kailangan nyang malaman yun. Mas safe tayo dun daliii" utos ni Alexa

Agad naman akong tumalima at umakyat sa taas. Shitt!!

PHILIP'S POV

Nag mamadali kong ginising si Mildred ng malaman ko na may emergency sa baba ng bahay.

"Hmmm..." tinapik tapik ko pa ito

Nagmulat naman ito at ngumiti. Napangiti na din ako haytss ganda talaga ng asawa ko.

"Wake up may emergency sa baba tara na" sabi ko

Nag-doble lang ito ng wardlobe at hawak kamay ksming bumaba sa sala. At nakita namin ang kambal pati na ang pamangkin ko na kasama ang asawa at si Rain. Umupo kami na kami ni Mildred.

"Ano yu-----"
"Si Ashley tito tita dinukot sa bahay kagabi!" mabilis na sambit ni Alexa
"WHAT?!" sabay naming anas ni Mildred

Dumating naman si Stron at Frances na antok pa.

"Mom Dad ano po ba yun?" antok pa nilang tanong
"Insan, si Ashley dinukot sa bahay kagabi!" si Alexa na nagsabi

Agad na natalima ang dalawa at tumabi sa amin. Sino na naman ang pangahas na gagawa nun?!

"Damn! Anong gagawin natin ngayon?" alalang tanong ni Ace bakas ang pag aalala
"At sino naman ang walang hiyang dumukot sa kakambal ko!" galit na anas ni Stron

Hmmm... Hindi kaya sa pag upo sa trono yung dahilan? or baka naman sa business? Biglang pumasok ang dalawang kaibigan ni Ash.

"Andito na yung mga nakuha ko sa cctv!" anas nung Jess

Sumunod naman na pumasok ang iba pa nilang kaibigan na halatang nag aalala lalo na't buntis abg anak ko. Pinanuod na din namin abg cctv footage na nakuha.

"Kumalma kayo! May isa sa ating tatawagan ng dumukot sa kanya kung may kailangan ito kay Ashley. Pag wala kailangan na natin maghanap ayaw kong makita ang anak ko ng bangkay nalang!" anas ko

Medyo kumalma naman sila at mga ilang minuto pa..

*phone ring

Nag ring ang cellphone ko at unknown number ito. Agad ko itong sinagot at niloud speaker. Tahimik naman silang naka tingin sa akin.

"Hello! Sino to?" tanong ko
"Kamusta! HAHAHA hawak ko lang naman ang nag iisang anak mong babae" nagtinginan kaming lahat "Aaaaahhhhhh!!!" boses yun ng anak ko
"Hayop ka!! wag mong sasaktan ang anak ko! Ano bang kailangan mo?! Sabihin mo!!" galit kong tanong

Tumatawa lang ang nasa kabilang linya. Bwesit na papatayin ko talaga to pag nakita ko tong hayop na to!

"Yung trono lang naman ang gusto ko *bang* yung trono lang HAHAHA pag isipan mo to!!" isa pang putok ng baril ang narinig namin "bibigyan kita ng oras para mag isip HAHAHA tatawagan kita ulit mamayang 5 o'clock para hingiin ang sagot wag na wag kang mag susumbong sa mga pulis kung hindi *bang* sa anak mo na tatama ang kasunod na bala nito HAHAHAHA" at naputol na ang tawag

Damn! Anong gagawin namin? di ko pwedeng basta nalang ibigay ang trono sa kanya.

"Magplano tayo di pwedeng basta na lang nya makukuha ang trono ang kapal ng mukha nya!" galit na anas ni Stron "Dad! nagkausap na kami Ash ayaw nya ng trono at sa akin nya ipinapasa yun!" matapang na sambit nito sa akin

Nagulat naman ko sa sinabi nya.

"Di ko hahayaang mapahamak ang kakambal ko dahil lang sa trono na yan at di ko din basta hahayaang maagaw kung ano ang magiging akin!" sabi pa nito

Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong kaedad nya palang ako. Ganyan nga Stron kunin mo kung ano ang sayo. Agad na nagolsno ng mga batang ito habang ginagabayan ko sila sa mga gagawin nila.

THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)Where stories live. Discover now