ALEXANDRA'S POV
Andito ako sa cafe kung saan paboritong uminom ni Ashley ng kape. Aabangan ko sya ngayong araw dahil gusto ko syang maka usap. Malapit na ko manganak at ang totoo kabuwanan ko na ngayon. Napalingin ako sa may entrance ng may pumasok. It's her...
"Ashleyyy!" tawag ko dito
Napalingon naman sya dito sa pwesto ko. Dumiretso lang sya sa counter at mukhang umorder. Umupo sya sa katapat kong upuan at prenteng tumingin sa akin. Di ko mabasa ang emosyon o ang awra nya ngayon pero bahala na.
"Anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na ah" anas nito
Tama kayo gabing gabi na almost 10 o'clock na kasi dumating ako dito 7 di ko naman akalain na gantong oras pupunta dito si Ashley. Di alam ni Rain na umalis ako ng bahah at tinurn off ko din ang cellphone ko.
"A-ahm... Inantay talaga kita dito para makausap ka" sabi ko
Saktong dumating na ang iniorder nito kaya't nagsimula na din syang kumain.
"May dapat pa bang pag usapan?" tanong nya
Ibinigay nya sa akin ang isang slice ng cake na paborito ko at isang gatas. Ayaw ko sana ng gata kaso buntis ako ih.
"T-tungkol sana s-sa mga nangyari" sagot ko
Nagsakubong ang kilay nito sa sagot ko. Kalma lang self.. Alam nyo bang nakaka takot sya ngayon yung feeling na pakiramdam mo na di mo pinsan ang nasa harapan mo ngayon.
"Umuwi ka na gabi na" sabi nito at akmang tatayo na nang pigilan ko sya
"Please..." pagmamakaawa koUmayos sya ng upo at bumuntong hininga. Damn! ibang iba na nga sya talaga.
"Please, insan wag na kayong mag away away pa" sabi ko "Alam ko mali yun... Inaamin ko na dahil din sa katangahan ko yun... pero mahal ko din naman si Rain ih... Bakit di mo kayang maging masaya para sa amin? Bakit tutol ks pa rin? Yung kakambal mo at yung papa mo gusto ka nang makasama... Pati sila mom and dad namimiss ka na... Yung kumpanya namin wala nang maayos na naghahawak.. Please kung ano man ang ginawa namin patawarin mo na kami.." unti unti ng pumatak ang luha ko habang walang emosyong naka tingin lang sa akin si Ash "Ang daddy mo di ba makapag negosyo ng ayos ang kapatid mo naman nasa ibang bansa na.. Wala na kaming maasahan na hahawak sa kumpanya at ayaw ko naman yun ipahawak kay Rain... Kung galit ka sa amin wag mo namang idamay ang kumpanyang minsan mo nang pinaghirapan na dapat ako ang hahawak nun kaso mas tiwala sayo sila mommy! Tapos iiwan mo nalang ng ganon?! Anong klase ka ha?!" may galit na ang aking tono sa pagkakataong ito
Inubos na muna ang kape nya at saka deretsong tumingin sa mga mata ko.
"Yun lang ba? Kawawa naman kayo... Unang una tingin mo ba hahawakan ko ang kumpanya nyo ng walang kapalit? Di pa nga ako naniningil dun ih... Kung di dahil sa akin matagal na kayong nag hihirap.. Yung sinasabi mong daddy ko? hmm mayaman yun bakit di kayo humingi ng tulong dun? Di nyo ko hawak sa leeg at hindi hindi nyo ko minsang nahawakan sa leeg... Ito ang tandaan mo Alexandra pababagsakin ko pa kayo hanggang sa mag makaawa kayo sa akin at pag sisisihan mo na nagpakasal ka kay Rain.. Ow? mayaman din pala yun pwedeng pwede mo syang pakiusapan... ikama ka lang nya sure ako na pagbibigyan ka nya agad a-----"
*Pak*
Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya na agad kong pinagsisihan. Nakaagaw kami ng atensyon ng ibang tao at unti unti kong nararamdaman ang pagsakit ng tyan ko.
"S-soryy..." utal kong anas
Kitang kita ko ang pamumula ng pisnge nya at di ko inaasahan ang sunod nyang ginawa.
"Pagsisisihan mo to Alexandra" saka ito ngumisi at dinanggil ako
Buti napahawak agad ako sa table kaya hindi ako natumba. Pero lalong sumasakit ang tiyan ko ahhh! May naramdaman ako pumutok sa loob ka naman nataranta ako.
"Aahhh, t-tulongg!!" sigaw ko
May mga lumapit naman sa akin para tulungan ako at dali dali silang tumawag ng sasakyan. Jusko sana ayos lang ang anak ko..
YOU ARE READING
THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)
Teen FictionPaano ka mag mamahal ng isang misteryosong babae? Kaya mo bang ipaglaban ang nararamdaman mo? Kung mag mamahal sya bakit dun sa taong yun pa? Parehas may ibang katauhan pero iisa lang ang pinaglalaban. Ano ang mangyayari kung magka harap harap ang m...