Chapter 29: JUST HER FOR TONIGHT

740 23 0
                                    

ASHLEY STORM'S POV

Nakakapagod na araw. Takte alam nyo ba di ko pa nakikita ang si Stron at Natasha grabing mga yun. Papunta ako ngayon dito sa may bar. Well bagong bukas lang daw ito lemme try. Pagpasok ko palang sa loob malakas na music na agad ang sumalubong sa akin. Madami ang tao na halata namang mayayaman, may nagsasayawan tas syempre may lasing na. May second floor ito kaya't umakyat ako dun. Well akala ko mga vip rooms ang nandito pero mali ako. Parang sa baba lang din kaso walang dance floor dito sa taas. Paikot ang style dito at syempre kitang kita sa gitna yung mga nagsasayawan. Lumapit ako sa counter at nag order ng maiinom. Kakaunti lang ang tao dito sa taas mga bilang pa. I think kailangan ko naman mag enjoy ng mag isa. Tinext ko yung kambal at si Stron sinabi ko na baka late na ako umuwi. Pinatay ko na ang cp ko para walang istorbo. Haystt kamusta na kaya yung tanga kong pinsan? Di ko na talaga kinakausap yun galit ako sa kanya eh! Ang rupok nya! Paano kung mag bunga yun? Di pa naman sya siguro ready. At ang walang hiyang Rain na iyon nakuha pang mambabae ano yun laro lang?! Nasabi na ba ni Alexa kay tito yun?! Damn it!

"Hi!"

Napalingon ako sa tumabi sa akin hmm..

"Ashley is that you?"-tanong nito

Si Ace lang naman ang nagtanong halatang lasing na ito. May problema ba toh? Tumango nalang ako bilang sagot. Umorder pa ito ng alak, kaya pa ba nito?

"Hey! Tama na lasing ka na"-saway ko dito

Tiningnan lang ako nito tas ngumiti na parang ewan. Inubos ko nalang ang nasa baso ko at tumayo na.

"Umuwi ka na, marami ka ng nainom may pasok pa bukas"-sabi ko at tumalikod na

Nagsimula na akong maglakad papunta sa hagdan. Mukhang di ko mae-enjoy ang gabing ito. Tahimik lang na pumunta akong parking lot ng biglang may humila sa akin at sinandal ako sa kotse ko. Damn!
Nagpumiglas ako pero malakas ito.

"Please... Ashley just for a while"

Napatigil ako sa pagpumiglas. It's Ace may problema ba? Darn it! Humigpit ang yakap nya kaya naman ramdam ko ang init ng katawan nito.

"M-May problema ba?"-tanong ko

Humiwalay naman sya sa akin at tiningnan ako. Namumungay na ang mata nito at namumula ang dalawang tenga.

"Can you take me home?"-tanong nito

Di ko alam kung oo ba ako pero tumango na rin ako. Baka mapaano pa toh sa daan. Nauna pa syang pumasok sa kotse ko eh.

"San ka ba nakatira?"-tanong ko
"****** village, House 507"-sagot nito

Shock! Nagulat ako kasi parehas kami ng village! 507? Medyo malapit na yun sa bahay ko eh. Ako kasi ang kumuha ng pinaka huling bahay sa buong village tago kasi yun eh tyaka syempre mahal. House 517 yung akin. Tahimik lang aking nagmaneho habang si Ace naman nakatingin lang sa akin minsan kukulbitin ako tas pag lilingunin ko ngingitian lang ako. Abnormal eh pero dahil lasing di ko na pinakalman

"Wala ka bang dalang kotse?"-tanong ko

Umiling lang ito edi ibig sabihin wala. Tinigil ko sa house 507 ang kotse ko at naunang bumaba. Malaki rin naman pala ang bahay nya. Nagulat ako ng may umakbay sa akin.

"Ito susi"-inilagay nya yun sa kamay ko

Bumuntong hininga muna ako bago inakay sya papasok. Ang bigat nya bwesit!
Bakit ko ba tinulungan ang laaking toh?! Okey self naawa ka lamg okey! Naawa ka lang!

THUNDER ACE'S POV

Napangiti nalang ako ng makita ko si Ashley na inaayos ang higaan ko. She's really concern to me huh?

"Take a rest na, bye"-sabi nito at nilagpasan na ako

Anong bye? No way! Hinila ko sya papalapit sa akin at tinulak sa higaan. I miss her damn much tapos iiwan na naman nya ako! Lintik naman kasing puso toh eh umepal epal pa. Tumabi ako sa kanya at niyakap sya. Hmm.. ang bango nya talaga i miss her scent everything even her lips.

"A-alis na ako, gabi na!"-sabi nito

Hindi ko tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya at mas hinigpitan pa iyon. Just her for this night.

"Damn it!"-mura nya

Lalo akong nilamig ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Di na sya makaka alis may kasama kasing kulog at kidlat. May bagyo ata.

"Dito ka na matulog"-bulong ko dito

Umiling naman sya at pinilit na umupo at nagtagumpay naman sya. Ayaw nya ko kasama?

"Please, Ashley"-niyakap ko sya ng mahigpit na ikinagulat nya"Namiss kita ng sobra kaya pagbigyan mo na ako"-malungkot kong bulong

Ewan ko ba ayaw ko sya umalis dito eh. Kung alam lang nya ang nangyari sa akin nung umalis sya.

"I'm sorry"-sambit ko"Sorry kung nagselos ako nun"-dagdag ko pa

Ramdam kung nagulat sya. Ang sinasabi ko yung sa resort yun.

"Nuh ka ba wala na yun"-sabi nito

Tinap nya pa yung likod ko kaya napahiwalay ako.

"So? Bati na tayo?"-tanong ko

Tumango lang sya kaya naman labis ang tuwa ko.

"Matulog ka na okey! Lasing ka pa naman"-sabi nito at tinulak ako pahiga

Hinigit ko rin sya at niyakap. I want to sleep with her tonight.

"Dito ka na matulog, malakas ang ulan madulas na ang kalsada ngayon at malalaim na rin ang gabi"-sabi ko at hinalikan sya sa noo

Bumuntong hininga naman sya tumango. Tinitigan ko lang ang maamo nyang mukha. Nakapikit na kasi ito at halatang pinipilit na makatulog. I miss her lips!

"Hmmpfftt"

I kiss her na ikinagulat nya. Namiss ko ang malambot nyang labi. Ilang beses pang panunukso at tumugon na rin sya. Damn I really love this devil!

THE GANGSTER PRINCE MEETS THE MYSTERIOUS BAD GIRL (completed)Where stories live. Discover now