Flesh Eater

232 4 1
                                    

Kasalukuyang may iniimbentong bagong gamot ang mga scientist ng makarinig sila ng isang sigaw mula sa pinakatagong laboratoryo nila. Agad naman nila itong pinuntahan at nakitang may isang babae scientist na nakandusay sa may bukana nito. Kaagad na sinuri ang babae pero wala naman silang nakitang kahit na anong problema dito. Dumaan ang ilang araw at nakalimutan na ng lahat ang nangyari sa babaeng scientist ng may biglang kumalat na balita na may isang batang lalaki na namatay rin sa paraan na kung paano namatay ang scientist na babae.

Kaagad na dinala sa laboratory ang bata at sinuri, noong una ay ayaw ng mga magulang nito na ipa-galaw ang bangkay ng bata pero nagulat nalang sila na inu-uod na kaagad ito samantalang wala pa nga itong dalawang araw na naka-burol. Simula ng kumalat ang usap-usapan na ito ay karamihan sa mga kapitbahay nila ay nagsi-alis dahil daw baka nakakahawa ito at nakamamatay pero bago pa sila naka-alis ay binarikadahan kaagad ang buong lugar. Halos ang buong bayan ay sarado, walang nakakalabas at nakakapasok. 

Marami ang tutol sa ginawang hakbang ng gobyerno pero hindi nila alam na ang ginagawa ng gobyerno ay para lang sa ikabubuti ng nakararami. Napag-alam na ang sanhi ng pagkamatay ng mga tao at kung bakit inu-uod kaagad ang mga ito ay dahil may virus na nakapasok sa katawan ng mga ito. Ang virus na ito ay bago lang na nadiskubre ng mga scientist at wala pa silang alam na lunas magpasa-hanggang ngayon.

Flesh Eaters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon