Kabanata 23

48 1 0
                                    

A/N: Hello!!! Sorry kung matagal na hindi nakapag-UD kasi busy talaga sa school eh :3 Nga pala hindi ito part 2 ng revelation kasi naisip ko na hindi naman na kailangan ng part 2 kasi mabubulgar naman na din ung iba pang tanong kapag itinuloy ko ng itinuloy ang story.

Sana okay lang un :) enjoy reading and keep on supporting :))) Thanks and loveyoouuu!!!!!

=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o

Jannele's POV 

Hindi ko alam kung matutuwa o amlulungkot ako dahil sa nangyayari sakin ngayon eh. Nagkasundo silang hayaan nalang akong mag-stay pero parang wala naman ako kasi ganito ang inaasal nila sa akin, sabagay, ano nga naman ba ang karapatan kong magreklamo samantalang hindi naman ako malalagay sa ganitong sitwasyon kung hindi lang ako gumawa ng pesteng virus a nagpapabuhay sa mga patay.

Magka-away pa tuloy ngayon sila Kris at Evelyn na ngayon lang nangyari dahil sa loob ng 3 taon nilang relasyon ay hindi naman sila nag-aaway lalo na ng ganito kalalim.

Kung umalis nalang kaya ako para hindi na rin ako pabigat sa kanila? Para namna wala na rin silang wasan at makagalaw sila ng maayos.

Haaay, mamayang gabi ko na gagawin ang pina-plano ko para naman wala na silang masabi pa sa akin.

Daryl's POV

Hindi ko alam kung bakit ang sakit ng ulo ko, siguro bukod sa naguguluhan ako sa sitwasyon ay kanina ko pa nasasabunutan ang sarili ko dahil sa pagka-inis.

"Alam mo kuya, kung wig lang iyang suot mo kanina pa siguro iyan tanggal at nasira na dahil sa lakas mong manabunot." rinig kong sabi ni Lorren na hindi naman kalayuan sa kinalalagyan ko.

"Alam mo kung mangbu-bwisit ka lang huwag mo na ituloy dahil ang sakit na sa ulo ng ang nangyayari ngayon." sabi ko sa kanya.

"Huwag ka kasi mag-isip ng sobra kuya, kaya ka na-si-stress eh." sabi nito at naramdaman kong may parang yelong inilagay sa ulo ko. 

Napatingin naman ako sa kanya at doon nakita na may dala pala siyng tela at maraming yelo, pero hindi namna sobrang dami. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa sahig at hinayaan ang kapatid ko na lagyan ng yelo ang ulo ko.

Minsan naiisip ko, kung hindi kaya ako malakas at matapang... may mangyayari kaya sa amin ni Lorren? Maililigtas ko ba siya? Pero nagpapasalamat na rin ako dahil meron ako nun kaya kayang-kaya kong protektahan ang kapatid ko kahit na anong mangyari.

Hindi namna nagtagal ay natapos din si Lorren sa paglalagay ng yelo sa ulo ko. Nakita kong iniayos lang niya ang mga ginamit niya bago tumabi sa akin.

"Kuya." tawag niya sa akin.

Tumingin naman ako sa kanya at nakita ko sa mata niya ang kalungkutan.

"Bakit? tanong ko sa kanya.

"Galit ka ba kay Jannele?" tanong niya sa akin.

Teka? bakit walang ate?

"Lorren, ate Jannele dapat ang itawag mo sa kanya." sabi ko sa kanya.

Flesh Eaters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon