Kabanata 16

48 1 0
                                    

Evelyn's POV

Mas matagal ang naging pagtigil namin dito sa school kesa sa bahay namin simula ng mangayari itong apocalypse. 4 na araw na kung tama ako ng pagkaka-alala at isa pang magandang balita ay bumalik na ang dating Jannele. yung madaldal at masiyahin. Hindi ko alam kung kailan at kung paano siya nagbalik sa dating siya pero nakakatuwa na dahil simula ng bumalik ang dating siya ay mas naging magaan ang presensya ng bawat isa. Hindi naman kami nahihirapan sa supplies dahil nung isang araw lang ay kumuha ng pagkain sila Kris at talagang hindi nila hinahayaan na maubusan kami ng stock dahil aalis na naman sila ngayon.

Kukuha sila ng gas pero walking distance lang naman. Isang kanto lang ang pagitan ng school sa gasoline station kaya naisipan nila na lakarin na lamang ito para hindi na rin aksaya sa gas. Noong una ay hindi kami pumapayag pero sa huli ay nanalo din naman ang mga lalaki.

"Siguraduhin niyong bibilisan niyo ah." sabi ni Jannele.

"Oo naman atsaka ngayon pa kayo nag-alala samin samantalang ilang beses na kaming kumuha ng supplies natin." sabi ni Nilson.

"Oo nga pero ngayon lang kayo aalis ng walang kahit na anong sasakyan." sabi ko naman.

"Anong wala eh ayan ang kariton oh! Yan nalang ang sasakyan namin kapag nangailangan na naming umalis kaagad." pagbibiro ni Makki.

Likas ng palabiro si Makki at minsan siya ang nagpapatawa samin kapag nagiging seryoso na ang atmosphere. Binatukan naman siya ni Lee bago sumenyas samin ng paalam. Kaming dalawa ni Jannele ang naka-bantay sa gate dahil sila Audry at Nicolette ay nakabantay sa itaas. Hindi naman nagtagal ay nakarinig kami ng gulong ng kariton at nakita naming papalapit na ang mga lalaki at lahat ng container na dinala nila ay napuno nila ng gas. Kaagad naming binuksan ni Jannele ang gate at ng makapasok na sila ay isinara kaagad namin ito.

"Hoo! Ang bigat naman ng mga to!" sigaw ni Makki ng makapasok sila.

"Ulol! Ako na nga halos lahat ang nagtulak tapos ikaw ang napagod? Ayos ka rin ah!" sabi sa kanya ni Lee.

"Nakakapagod kayang sumunod sa inyo at maging protector niyo habang naglalagay kayo ng gas sa mga container!" sabi naman nito.

Halatang walang magpapatalo sa kanila kaya parehas silang binatukan ni Jannele.

"Kung tumahimik kaya kayo diba?" sabi ni Jannele.

Himala at tumahimik yung dalawa xD

"Nga pala babalik pa kami dun babe." sabi sakin ni Kris.

"Huh? Bakit pa kayo babalik eh marami na tong nakuha niyo." sabi ko sa kanya.

"Naisipan kasi naming gumawa ng mga pampasabog gamit ang mga gas o kaya puwedeng magamit sa panlaban sa mga eater kaya kailangan namin ng marami." sagot naman niya.

Tumingin ako kay Jannele pero wala naman siyang reaksyon.

"Sige, kayo ang bahala basta ba mag-iingat kayo." sabi ko sa kanila.

"Mag-iingat talaga kami atsaka nakaligtas kami sa una kaya paniguradong magiging ligtas ulit kami." sabi ni Makki.

Flesh Eaters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon