Evelyn's POV
Hindi ko alam kung maiiyak o malulungkot o maiinis ako sa kalagayan namin ngayon. Wala kami kahit na anong supply: pagkain, tubig, gamot o kahit na isang bala man lang. Naubos na lahat, biruin mo, isang linggo ba naman na walang matinong makukuhanan ng supply?
Isa pang problema ay may sandamakmak na mga eaters na nasa kabilang kanto kung saan kami dadaan, ano namang laban namin sa mga iyon diba?
"Umakyat nalang tayo dun." sabi ni Kris at itinuro ang hagdan sa may pader.
Tinignan ko lang ang itinuro niyang hagdan hanggang sa may dulo nito sa tantiya ko ay nasa 20 feet or more ang taas ng building na aakyatin namin. kamusta naman ang legs ko nun diba?
Umakyat naman sila Audry, Nicolette, Danica, at Lee. samantalang ako ay nanatili lang sa kinatatayuan ko.
"Umakyat ka na. Sandali lang akyatin iyan basta huwag ka nalang titingin sa baba." sabi sa akin ni Kris.
Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong hindi siya nakatingin kundi doon sa dulo ng eskinitang ito. Hindi naman ako ganun kagalit kay Kris at medyo umaayos naman na ang relasyon namin pero napapansin ko na medyo dumidistansiya siya kapag medyo matagal na kaming magkalapit o magkausap.
Gusto ko man siyang tanungin kung anong meron at bakit siya lumalayo, wala naman akong lakas ng loob na talagang ipinagtataka ko dahil hindi naman ako naiilang kay Kris... dati...
Umakyat nalang ao at naramdaman kong sumusunod na siya. Nang maka-akyat na kami ay doon ako nagulantang sa nakita ko.
Sandamukal na mga eaters ang kanto na dapat lilikuan namin. At hindi lang iyon dahil kung hanggang saan naabot ng mata ko ay puro eaters ang nakikita ko.
"Nagbibiro lang kayo." sabi ni Nicolette.
Kahit ako ay talagang nawindang sa nakikita ko. Paano na akmi mabubuhay kung ganito karaming eaters ang nasa ibaba? Ano ba talagang naging kasalanan namin at naging ganito ang buhay namin?!
Nicolette's POV
Shit! Ang daming eaters! Ano na ang gagawin namin ngayon? Kung nasa movie lang ako paniguradong gagawa ng paraan si director pero, takte! Totoo to!
"Fuck!" rinig kong mura ni Kris.
Kahit ako gusto ko ng mapamura pero ano namang magiging advantage nun sa amin? Mapapaalis ba nun ang mga eaters sa baba?
Nilinga-linga ko ang ulo ko pero iisa lang ang nakikita, sandamukal na kumpol ng mga eaters. Shit talaga! Shit!
Audry's POV
Sabihin niyo nga kung katapusan ko na! Tangna lang! Ano kami dito pain nalang sa mga eaters na yun?! Putcha naman!
Teka.... A-ano yung naririnig ko?
Napatingin kaagad ako sa lugar kung saan nanggagaling ang naririnig kong ugong. At di kalayuan ay matatnaw ang halos lima o higit pang helicopter. Hindi ko alam pero bigla akong napatalon at napayakap kay Nicolette.
May rescuers!
Itinaas namin ang mga kamay namin at hindi katagalan ay may lumapit na helicopter sa amin.
"UMAKYAT NA KAYO! DELIKADO NA KAYO DITO!" sigaw ng piloto ng chopper.
Kaagad kaming umakyat na mga babae at sila Kris at Lee naman ay sumakay sa isa pang chopper. Hindi ko alam pero biglang lumabas ang isa ko pang katauhan. Humingi ako ng isang granada sa sundalong kasama namin at kaaagad na hinagis sa ibaba.
Nakakatuwang ang daming eaters kami na napatay. Kaagad naman akong inawat ni Nicolette at Evelyn na bumato pa ulit ng granada sa ibaba. Matapos nun ay hindi nagtagal ay nakarating na kami sa base sa Maynila.
3rd Person's POV
Nang makababa sila sa chopper ay kaagad silang sinalubong ng Presidente at kaagad na napayakap si Nicolette sa mga magulang niya. Ang mga iba pang survivors ay nagyakapan at doon nila nalaman na nawala na pala si Lea at Ursan. Hindi naman nagtagal ay may dumating pang ilang chopper at dala-dala ng mga ito sila Daryl. Tuwang-tuwa sila ng malaman na ligtas ang mga kasamahan nila pero may isang tanong na namutawi sa labi ni Evelyn.
"Nasaan na si Jannele?" tanong niya.
halatang natigilan ang lahat pero may isang tao ang pumutol ng matagal-tagal na katahimikan na ito.
"Hindi na siya nakita kaya sa tingin namin ay patay na siya, lahat kasi ng lugar ay nilibot na at bawat lugar na nalibot na ay binomba na kaya ang buong Cavite ay wala na. At wala kaming nakita kahit na isang bakas ni Jannele." sabi ni Leutenant A.B. Ambridge.
"Po?! sinasabi niyo na kaagad iyan samantalang hindi pa naman kayo-"
"Danica Ambridge! kakasabi ko lang, clear na ang buong Cavite at kahit na isang maliit na bakas ni Jannele ay wala kaming nakita kaya stop acting like you're concern!" putol ni Leutenant A.B. Ambridge sa sasabihin ni Danica.
"Alam mo tito, alam ko na ngayo kung bakit walang ikinukuwento si Jannele na mga bagay tungkol sa iyo. Kasi ikaw mismo hindi mo man lang siya iniintindi. Kung hindi ko alam na dugo't laman niyo siya, iisipin ko na ampon lang siya pero iyon ang pinaka-impossibleng maiisp ko. Kung hindi niyo itinuturing na anak si Jannele, sana naman ay ituring niyo siyang tao!" sabi ni Danica at isang malutong na sampal ang natanggap niya mula sa Leutenant.
"Wala kang karapatang pagsalitaan ako, dahil hindi ikaw ako." sabi ng luetenant.
"Tama, hindi ako ikaw at buti nalang talaga hindi dahil kung ikaw ako baka hindi ko na napatawad ang sarili ko sa pagpapabaya sa sarili kong anak." mariing sabi ni Danica.
Bago pa man masaktan muli ng leutenant si Danica ay napigilan na ito ng mga sundalong sumaklolo.Inilayo nila ang leutenant at kinuha naman ng mga doctor si Danica para suriin.
(A/N: Gusto ko lang i-summary itong chap na to kaya eto na)
Lahat ng nadadaanan ng chopper na magliligtas ng mga survivors ay binobomba nila. Lahat naman ng mga survivors na naililigtas nila ay dinadala kaagad sa base sa Maynila at sinusuri. Wala na ang buong Cavite, sa loob lamang ng isang linggo ay na-clear ang buong lalawigan. Walang kahit na anong natira, eater man o tao, wala dahil hindi hinayaan na may matira kahit na isa.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
Yow! Maikli lang ba? sarreh naman! BTW, hanggang chap 30 nalang to ha? Sa book two abangan niyo nalang ang mas maayos na story (basta mas maayos dito, promise!)
Sayonara! :)
BINABASA MO ANG
Flesh Eaters (Completed)
Science FictionIsang pagkakamaling nagpabago sa lahat. Sa mga tao. Sa mundo. Nanaisin mo rin bang mapabilang sa kanila? O mananatili ka nalang na naka-upo diyan at nagbabasa? Original Story by SairinFukuda Kaya bawal gayahin dahil wala namang pinaggayahan.. Okay...