Kabanata 7

48 2 0
                                    

Jannele's POV

"Jannele!" sigaw ng isang babae sa labas ng gate.

Lahat kami ay napa-tingin sa direksyon niya. Tumakbo siya palapit sakin at yinakap ako. Kumalas ako sa pagkakayakap niya dahil hindi ko tanggap na yinayakap ako ng isang taong may malaking kasalanan sakin.

"Buti naman at buhay ka." sabi niya sakin.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Nalaman kong mangyayari ito sa Cavite kaya pumunta kaagad ako at buti nalang ligtas ka." naka-ngiting niyang sabi na kina-iirita ko kanina pa.

"Alam mong mangyayari ito sa Cavite? Kanino mo nalaman?" tanong ni Evelyn sa kanya.

"Kay tito, sinabihan niya kaagad kami bago ilang araw bago ito nangyari dito." sagot niya.

"Nga pala, dapat umalis ka na ng malaman mong mangayari ito dito, siguro sinabihan ka ni tito na maghanap ng survivors no?" sabi niya na ikina-inis ko.

Bakit ba ang daldal ng isang to?!

"Anong pinagsasasabi mo? Nung isang gabi lang namin nalaman ni Jannele na mangyayari ito sa Cavite" sabi ni Evelyn.

"Ha? Eh ang akala ko sinabihan na siya ni daddy last week." sabi naman niya.

Tumingin sila sakin pero ako parang walang paki-alam. 

"Ah Miss, ano bang pangalan mo?" rinig kong tanong ni Lee sa kanya.

Nahalata ko namang inayos muna niya ang buhok niya bago sumagot.

"Danica, Danica Ambridge." sagot niya.

Hindi ko na inaksaya ang oras ko sa pakikinig sa mga pakikilandian ni Danica sa mga lalaki. Pumasok nalang ako at kumuha ng pagkain.

"Ayaw mong nandito siya no?" tanong sakin ni Audry ng tumabi siya sakin sa pagkain.

"Ano pa bang magagwa ko, nandito na siya." sagot ko naman.

Nakita ko namang sabay-sabay silang pumasok kaya binilisan ko ang kain para maka-akyat na sa kuwarto ko. Paakyat na ako ng marinig ko na naman siyang magsalita.

"Jannele, ang sabi nga pala nila mama at papa after nating malagpasan to kailangan nating puntahan si Kate sa Japan. Akilangan daw kasi niya ng tulong doon eh." 

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, dumeretcho nalang ako sa pagakyat. Narinig ko pang sinabi ni Hannah na ano bang nangyayari sakin pero hindi ko na hinintay ang sagot nila. Isinara ko kaagad ang pinto ng makapasok ako. Hindi ko naman talaga gustong ganun ang trato ko kay Danica pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa nila sa pmilya ko hindi ko mapigilan ang sarili ko na kamuhian siya, sila.

=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o

Author's Note,

Hi! Bakit kaya galit na galit si Jannele kay Danica?

Haha! Malalaman niyo din in the right time :)

Don't forget to vote and comment :)

Flesh Eaters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon