Kabanata 1

126 3 0
                                    

Gabi na ng maka-uwi si Jannele kaya ang akala niya tulog na ang mga kasama niya sa bahay pero laking gulat niya ng madatnan niya ang mga ito na nag-uusap sa sala.

"Ginabi ka yata?" bungad na tanong ni Audry sa kanya.

" Exam kasi ngayon ng mga bata kaya sa school ko na chineck lahat para wala na akong dadalhin pauwi." sagot ni Jannele sabay upo sa tabi ni Evelyn na kasalukuyang busy sa pagte-text.

"Kayo? Bakit gising pa kayong lahat?" tanong niya sa mga kaibigan.

"May sasabihin daw kasi silang dalawa ang kaso wala ka pa kaya hinintay ka nalang namin." sabi ni Evelyn na patuloy pa rin sa pagte-text.

"Ano ba iyon at kailangan niyo pa akong hintayin?" tanong ni Jannele.

Nagkatinginan muna sila Niolette at Audry bago nagsalita.

"May kailangan kayong malaman." sabi ni Audry.

Tahimik namang naghihintay sila Evelyn at Jannele sa sasabihin nila Audry at Nicolette.

"Ang nagyari sa Laguna ay maaaring mangyari dito sa Cavite." sabi ni Nicolette.

"Anong ibig niyong sabihin? Ipapasara rin ang buong Cavite?" tanong ni Evelyn.

"Oo." sagot ni Audry.

"Bakit pati ang Cavite damay? Diba kaya nga ipinasara ang Laguna para iyon lang ang maapektuhan?" tanong ni Jannele.

"Hindi pa ba sinasabi ng daddy mo na may nakapasok na rin dito sa Cavite?" nagtatakang tanong ni Nicolette.

"Last time na nag-usap kami wala naman siyang nabanggit." sagot ni Jannele.

"Kailan ba kayo huling nag-usap?" tanong ni Nicolette sa kanya.

"Last month pa." sagot naman ni Jannele.

"Kaya naman pala. Last week lang nalaman na nakapasok na rin dito sa Cavite," sabi ni Audry.

"Paanong may nakapasok dito sa Cavite eh bantay sarado ang Laguna hindi ba?" tanong ni Evelyn.

"Wala ring nakaka-alam, kaya nga sinabihan kami na maghanda na tayo at paalalahanan ang mga taong mapagkakatiwalaan natin ng sikretong ito kasi kapag kumalat na pati dito sa Cavite ay meron na, paniguradong magkakagulo at magkakasakitan na." sabi ni Nicolette.

"Don't worry, kaya naming itago ang sikretong yan." sabi naman ni Evelyn.

"Nga pala, paanong paghahanda ang dapat nating gawin?" tanong ni Jannele habang nakuha ng tubig sa ref.

"Unahin natin ang labas, siguraduhing matibay ang gate at lagyan ng mga kahoy yung parang sa "The Walking Dead" na gate sa prison." sabi ni Nicolette.

"Hindi kaya magtaka ang mga tao?" tanong ni Evelyn.

"Oo nga no? Eh ano ba sa tingin niyo ang dapat nating gawin?" tanong ni Nicolette sa kanilang tatlo.

Natahimik naman silang lahat at tanging ang bukas na tv lang ang naririnig. Magsasalita sana si Audry ng bigla silang makarinig ng isang bumagsak na yero sa labas ng bahay nila. Sinubukan nilang silipin mula sa bintana ng sala ang kaso wala naman silang makita dahil nakasarado ang gate at mataas ang bakod ng bahay nila kaya umakyat sila sa second floor at sinilip ito mula sa kuwarto ni Nicolette. Noong una ay wala silang makita kaya isasara na sana nila ang kurtina ng may napansin silang isang lalaking naglalakd ng parang lasing sa di kalayuan. Hindi nila maainag kung ano bang nangyari dun sa lalaki dahil bigla nalang itong natumba at kitang-kita nilang may lumapit dito na mga nakapang-militar na damit at isinasako ang lalaki. Mabilis nilang isinara ang kurtina at nagkatinginan.

"Kailangan na nating maghanda ngayon." sabi ni Jannele.

"Wala ng matutulog." sabi naman ng tatlo.

Flesh Eaters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon