A/N: Hi! Sorry kung ume-chos lang yung 25 ah? xD Wala lang talaga ako magawa nung time na in-update ko yun xD Btw, matino na tong update na to xD.
Cellphone ulit ang gamit ko so sorry sa napakaraming typos. xD
Enjoy reading!
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
Audry's POV
"Ako na ang magsasabi sa kanila." sabi ni Jerry.
Ano namang sasabihin niya? Sabagay kararating ko lang kaya hindi ko alam ang pinag-uusapan nila.
"Kaya kailangan na nating umalis ay dahil sa may nakita kaming bote na naglalaman ng isang gas na nakaka-attract sa mga eater na malapit lamang dito. Ang bote na iyon ay natagpuan namin sa may kabilang kanto lamang at...... sa tingin namin may iba pang survivor." sabi ni Jerry.
"Huh? May iba pang survivor? Sino siya?" tanong ni Lorren.
"Hindi namin kilala at hindi pa namin sigurado kung iisa lang siya o grupo rin sila kagaya natin pero isa lang ang sigurado at iyon ay hindi natin sila mapagkakatiwalaan sa mga buhay natin." sagot naman ni Kris.
"Teka lang, bakit kailangan nating umalis dito sa lugar na ito? Samanatalang tayo ang dapat na magpa-alis sa kanila samanatlang tayo ang nauna dito." sabi naman ni Lee.
"Sa tingin ko hindi lang ang lugar na ito ang habol niya kundi pati na rin ang mga magagaling nating tao." sabi naman ni Daryl.
"Ha? Bakit naman?" tanong naman ni Jacob.
Napa-isip ako.... Bakit nga naman nila kukunin ang magagaling naming kasamahan? Teka! Paano naman nila nasabing ang magagaling na tao namin ang kailangan nila?
"Teka lang. Paano mo nasabi na magagaling nating tao ang puntirya ng tao o mga taong iyon?" tanong ko.
"Dahil sa taningin ko siya o sila ang kumuha kay Jannele." sagot naman ni Daryl.
"Tol, sa tingin ko impossible iyang sinasabi mo." sabi ni Ursan sa kanya.
"Sigurado ako doon. May mga bakas ng dugo tayong nakita mula sa building sa may likod hanggang sa may bakod na halatang may hinilang katawan ng tao, at base sa mga bakas ng dugo sa loob ng building talagang sinaktan si Jannele dahil bukod sa may mga tilamsik ng dugo ay may nakita pa kaming halos 10 basyo ng bala." sagot naman ni Daryl.
Tahimik naman kaming lahat. Kung base sa sinasabi ni Daryl na nakita nila. Kailangan na nga talaga naming umalis dito pero kailangan naming ipagtanggol ang amin.
"Kahit na anong mangyari dapat hindi natin bitawan ang lugar na ito. Dito tayo susunduin ng mga resuers aya bakit kailangan nating umalis?" tanong ni Nicolette.
Tama siya! Parehas pala kami ng iniisip?
"Sila ang may gawa o siya ang may gawa ng gas na maaaring makapatay sa atin o mailagay tayo sa panganib. Oaky lang naman sa akin na protektahan natin ang lugar na ito pero may mga bata tayong kasama at hindi ko isusugal ang buhay ng mga bata para lamang sa lugar na ito." mariing sabi ni Kris.
"Akala mo kung sino kang malinis! Ayaw mo ipahamak ang mga bata?! Grabe namna talaga oh! Nalilimutan mo na ba na ikaw at si Jannele ang may kasalanan kaya nagdurusa tayo sa lugar na ito?! Kung hindi ba naman kasi kayo tanga ni Jannele at gumawa kayo ng virus na ginagawang hayop ang mga tao edi sana wala tayong problema ngayon at namumuhay tayo ng maayos! Makapagsalita akala mo kung sinong NAPAKALINIS." sabi ni Danica.
"Puwede ba tumigil ka?! Kaya nga gumagawa na ng paraan para umayos ang kalagayan natin hindi ba?! Atsaka ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi naman namin sinasadyang gawin iyon?! At kung maka-tanga ka sa pinsan mo parang hindi mo siya kadugo! Kung alam mo lang ang ginawa niya sayo edi sana hindi ka ganyan!" balik na sigaw ni Kris.
"Bakit?! Ano namang utang na loob ang meron ako sa kanya at kailangan ko siyang intindihin?!" balik na sigaw ni Danica.
"Talang wala kang alam ano? Siya lang naman ang nagigay sayo ng dugo noong isang beses na ma-ospital ka! Maliit na bagay? Kung sa tutuusin hindi. Nangangailangan ka noon ng hindi lang isang donor kundi dalawa! Pero si Jannele ang nagbigay sayo ng dugo! Siya lang! Imagine, dalwang bag ng dugo ang nawala sa kanya ng time na iyon at kung hindi ka nasalinan ng dugo? Paniguradong wala ka na ngayon! At para sa kaalaman mo, si Jannele ang nagbigay sa mga magulang mo ng pambayad mo sa ospital para ma-discharge ka! Hindi ko nga maintindihan noon si Jannele dahil bakit pa niya kayo tinulungan samantalang wala naman kayong magandang naidulot sa pamilya niya." sabi naman ni Kris.
Halatang nagulat si Danica sa narinig niya.
"Ano na? Bakit hindi ka na kumibo? Sabagay, masakit nga pala malaman ang katotohanan." nakangising sabi ni Kris.
"Tumigil na kayo." awat sa kanila ni Jerry.
"Mag-ayos na kayo. Wala kayong dapat iwan lalo na ang mga importante nating gamit. Bukas na bukas din bago sumikat ang araw ay aalis na tayo sa lugar na ito at wala ng tututol." sabi ni Jerry bago tuluyang umalis.
So talagang aalis na kami dito? Aaarrgghh!! Dito kami susunduin ng resuers eh!
3rd Person's POV
Wala ng nagawa ang iba kundi ang sumunod nalang. Para naman kasi sa kaligtasan ng lahat kaya nila kailangan umalis pero hindi nila alam na may nagmamatiyag na pala sa kanila.
"Kailangan na nating humanda dahil aalis na sila bukas ng umaga." sabi ng isa sa kanila.
"Aalis? Huh! Hindi ako makakapayag." sabi naman ng pinakalider nila.
"Anong balak mo?" tanong ng isa pa.
Ngumisi namang ang lider at alam ng mga kasamahan nito ang pina-plano niya.
"Aba! Aba! Mukhang magugustuhan ko ang mangayyaring party bukas ah!" naka-ngisi ring sabi ng isa pa.
Nagsigawan naman ang iba pa nilang kasamahan na hudyat na kailangan na nilang maghanda para sa party na magaganap bukas.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
Hi! Pahabol lang....
ABANGAN NIYO ANG NEXT CHAPTER! AND BE SURE NA KAKAYANIN NIYO ANG FEELS. Well ako hindi ko kinaya xD Mababw lang ako eh :3
Thank you for supporting! :)))))
BINABASA MO ANG
Flesh Eaters (Completed)
Science FictionIsang pagkakamaling nagpabago sa lahat. Sa mga tao. Sa mundo. Nanaisin mo rin bang mapabilang sa kanila? O mananatili ka nalang na naka-upo diyan at nagbabasa? Original Story by SairinFukuda Kaya bawal gayahin dahil wala namang pinaggayahan.. Okay...