Kabanata 2

115 5 2
                                    

Buong gabi ay gising ang magkakaibigan dahil naghahanda sila kaya kina-umagahan ay antok na antok silang lahat. Wala naman talaga silang balak na matulog pero dahil na rin sa sobrang antok ay nakatulog sila sa sala, hindi tuloy nila namalayan na may bisita pala silang nahihintay sa gate.

"May tao ba talaga diyan? Mukhang wala naman eh." tanong ni Jacob sa kaibigan.

"Oo naman, naka-text ko pa si Babe kagabi at ang sabi niya gising daw sila buong gabi." sagot naman ni Kris sa kaibigan.

"Baka naman naka-tulog na at hindi na marinig ang doorbell." sabi ni Rey.

"Edi pumasok nalang tayo." sabi ni Kris sabay labas ng susi sa jacket niya.

"Naman Kris! Meron ka palang susi diyan pinaghintay mo pa tayong lahat dito!" sigaw ni Jacob sa kanya.

"Sorry naman, usapan kasi namin ni Babe na bawal akong pumasok sa bahay nila kung alam ko namang nandun sila eh." paliwanag naman ni Kris.

Napapailing nalang ang mga kaibigan niya sa kanya. Pagka-bukas nila ay agad nilang ipinasok sa garahe ang van na sinakyan nila at sabay-sabay na pumasok sa bahay. Naabutan nilang natutulog sila Jannele, Evelyn, Nicolette at Audry sa sala.

"Sabi na tulog eh." sabi ni Rey habang naiiling.

"Kukuha lang ako ng kumot, bantayan niyo sila ah." sabi ni Kris sa mga kaibigan.

"Para namang mawawala sila, Kris." sabi ni Jacob sa kanya pero mukhang hindi na ito narinig ni Kris dahil umakyat na siya sa 2nd floor.

Hindi naman natagal si Kris sa pagkuha ng mga kumot dahil naka-ayos naman na lahat ng mga gamit na ipinagtataka niya. Pagkababa niya ay nakita niyang may hawak na baril si Jacob at may hawak na samurai si Rey.

"Hoy! Anong gagawin niyo diyan?" sita niya sa mga ito.

"Wala. Atsaka hindi kami dapat ang tanungin mo kasi nakita namin ito sa kusina." sabi ni Rey.

"Paano namang magkakaroon ng ganyan sa kusina eh puro sila mga babae dito sa bahay?" tanong ni Kris habang kinukumutan isa-isa ang mga babae.

"Aba ewan namin sa kanila." sabay namang sagot nila Rey at Jacob.

Umupo si Kris sa tabi ng couch na hinihigaan ni Evelyn at hinaplos-haplos ang brown at may pagkakulot na buhok nito. Nagulat nalang silang apat ng makarinig sila ng sigawan mula sa labas. Noong una ay walang may balak pumansin pero lahat sila ay nagulat ng makarinig sila ng putok ng baril, pati ang mga babaeng natutulog ay nagising.

"Teka, ano yun?" tanong ni Audry.

"Baka putok ng baril." sagot ni Rey.

Inirapan lang siya ni Audry. Nakarinig na naman sila ng putok ng baril at sabay-sabay silang yumuko.

"Dito muna kayo." sabi ni Kris sa mga babae.

"Rey, Jacob, sumama kayo sakin." sabi naman niya sa mga kaibigan.

"Wait lang babe, pupunta ka dun? Mapanganib dun Babe." sabi ni Evelyn sa boyfriend niya.

"Hindi naman kami lalabas ng gate, sisilipin lang namin at kayo dito huwag na huwag kayong aalis. Maliwanag?" tanong ni Kris.

Flesh Eaters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon