Jerry's POV
Kahit na hindi ko gustong iwanan si ate Lara at ang mga pinsan at kaibigan ko, kailangan ko namang mahanap si Katherine dahil alam kong buhay pa siya. Si Katherine ang girlfriend ko at hindi ako makakapayag na ligtas ako samantalang siya hindi ko alam kung ligtas o hindi. Ayaw ko naman talagang ipaalam sa iba ang plano ko pero nalaman ni ate sa mismong araw pa kung kailan ako aalis.
<<<<<Flashback>>>>>
"Hindi maganda iyang iniisip mo Jerry, ligtas na tayo dito kaya bakit kailangan mo pang isugal ang buhay mo sa labas?" tanong sakin ni ate at inilalabas niya ang mga gamit na ipinapasok ko sa bag.
"Ate naman, paano ako matatapos sa pag-iimpake kung inilalabas mo ang mga nilalagay ko sa bag?" sabi ko sa kanya.
Tumigil naman siya sa pangingilalam at umiyak. Haay, napaka-iyakin talaga nito -_-"
"Ate, babalik kaagad ako at kasama ko na si Katherine pagbalik ko." sabi ko sa kanya habang patuloy lang ako sa paglalagay ng mga kakakilanganin ko sa bag na dadalhin ko.
"Katherine! Katherine! Lagi mo nalang ibinubuwis ang buhay mo sa babaeng iyon! Hindi ka na ba titigil sa kahibangan mo sa kanya? Ni hindi mo nga alam kung buhay pa ang babaeng iyon eh!" sabi niya sakin.
"Ate naman, kahit ngayon lang sana naman hayaan mo akong hanapin ang girlfriend ko. Oo hindi ko sigurado kung nasaan siya at kung buhay pa siya pero kailangan kong subukan. Isang linggo lang ate ang kailangan ko at babalik na ako dito at kung hindi ko siya makikita ay babalik pa rin ako sa loob ng isang linggo." sabi ko sa kanya.
"Kahit na! Isinusugal mo ang buhay mo sa isang hindi tiyak na bagay? Kahibangan na yan Jerry!" sabi niya sakin.
"Kahibangan na nga siguro ang ginagawa ko ate pero kahit na pigilan mo pa ako ay hindi na ako magpapapigil." sabi ko sa kanya bago ako lumabas ng kuwarto.
Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang ako. Nang mapadaan ako sa sala nakita kong mahimbing ng natutulog sila Lee at Nilson kaya dahan-dahan akong lumabas ng bahay. Tahimik sa labas at parang walang apocalypse na nangyayari pero hindi ko naman na mababago o maibabalik pa ang dati at kahit na sino ay hindi na. Sa unahan ako dumaan at kagaya ng inaasahan ko, walang eaters na makikita sa paligid. Inilabas ko ang isang itak na kinuha ko sa basement kanina ng walang nakakapansin at may baril din sa kaliwang bewang ko at isang kutsilyo sa kabila. Hindi naman siguro magagalit sila Audry kung kinuha ko ang ibang supplies. May pagkain din at extrang bala sa bag na dala ko peo sinigurado kong kasya lang ito sa isang linggo na paghahanap kay Katherine, kung hindi ko man siya makikita ay kailangan ko pa ring bumalik dahil kailangan ako nila ate.
Sana naman ligtas si Katherine. Ang balak ko simulan ang paghahanap sa bahay nila malapit lang dito pero alam kong hindi siya nag-stay doon ng mangyari ang apocalypse kaya kailangan kong pumunta sa Bacoor dahil sigurado akong nandun siya. Mahaba-habang biyahe din ang gagawin ko kaya naghanap muna ako ng masasakyan. May nakita akong isang bike at kahit na alam kong kotse ang kailangan ko mas maigi pa ring bike atleast hindi ko na po-problemahin ang gas ng kotse kapag naubusan.
<<<<<End of Flashback>>>>>
Buti nalang at hindi ganun kalayuan ang Bacoor sa Imus dahil wala pang isang araw ay nakarating na kaagad ako sa Bacoor. Paano ko nalamang nasa Bacoor na ako? May nakita kasi akong sign ng 'Welcome to Bacoor' kaya nalaman kong nandito na ako atsaka ilang beses na rin akong pumunta sa bahay nila sa Bacoor kaya alam ko na ang daan papunta doon.
Magaan lang ang naging byahe ko noong una pero ng makarating ako malapit sa isang eskuwelahan ay doon ako nahirapan. Sandamakmak na eaters ang nakita ko sa di kalayuan, sana pala nagsama ako kahit isa lang na magaling sa pakikipag-laban atleast hindi ako nahihirapan ngayon pero paniguradong malaking problema kung magssam ako dhil kung ako lang ang mawawala hindi ganoon kalaki ang problema.
Bumaba ako sa bike ng parang si Daryl Dixon ng Walking Dead pero sa totoo lang ay ang layo dahil bukod sa hindi motor ang gamit ko ay mas guwapo ako sa kanya xD. Tama na nga ang pagpapahangin!
Umakyat ako sa isang bakod at doon ko nakita kung gaano karami ang susuungin kong eaters. Alam niyo yung two way na kalsada? Yun yung dalawang one way xD Okay Waley -_- Basta yun na nga yun.. punung-puno yun at umabot pa sa halos 50 meters ang layo ng kumpulan, kamusta naman no? Libo sila samantalang ako iisa? Inilibot ko ang tingin ko kung meron bva akong madadaanan pero wala naman akong makita hanggang sa may naisip ako na way para umalis na ang mga kumag na yan! Hehe!
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
Maikling Update muna! Nga pala hindi ko na lalagyan ng author's note sa itaas kasi ang obvious na author's note naman ang kasunod xD
Vote and Comment :)))))
BINABASA MO ANG
Flesh Eaters (Completed)
Science FictionIsang pagkakamaling nagpabago sa lahat. Sa mga tao. Sa mundo. Nanaisin mo rin bang mapabilang sa kanila? O mananatili ka nalang na naka-upo diyan at nagbabasa? Original Story by SairinFukuda Kaya bawal gayahin dahil wala namang pinaggayahan.. Okay...