Kabanata 21

59 3 3
                                    

Lorren's POV

Hello! Ehem! Ako si Lorren Grimes, ganda no? xD 16 years old at isa sa mga survivors! Hindi ako pabigat sa kanila, okay? Kung tutuusin kaya kong makipaglaban pero hindi nila ako binibigyan ng chance (pou) unfair no? Porke ba mas bata ako sa kanila hindi na ako puwedeng sumama sa kanila? Tsk. Kung hindi lang talaga ako maganda hindi ko sila pagbibigyan eh. :3

Nung sinabi nila na may mga bago daw na survivor silang hahanapin natututwa ako kasi ibig sabihin madadagdagan na naman kami! Pero mas magiging wala akong maitutulong kung madadagdagan  kami ng mga matatanda -_-" Enebenemenyen! 

Aalis na sila ngayon kaya ako eto kinukulit pa rin si kuya Daryl pero sadya talagang ang tigas ng bungo niya at hindi pa rin siya pumapayag.

"Sige naman na kuya, gusto kong sumama." sabi ko sa kanya.

"Sabi ko hindi puwede hindi ba? Delikado." sabi niya sakin.

"Pero kuya kung delikado bakit kayong apat lang pupunta? Mas marami mas maganda hindi ba atsaka wala naman ng lugar na safe dito ngayon eh." pagdadahilan ko kahit alam kong medyo baluktot xD

"Hindi nga puwede." sabi ni kuya Daryl habang inilalagay ang mga gagamitin nila sa sasakyan.

Bakit ba hindi puwede?! ang daya!!!

"Malaki na ako kuya!" sabi ko sa kanya.

"Alam kong malaki ka na kasi hindi ka maliit." sabi naman niya.

"Alam mo kuya kung mag-jo-joke ka paki-inform ako atleast hindi ka naiiwanan sa ere." sarcastic kong sabi.

"Basta hindi ka sasama." madiin niyang sabi.

"Kuya, paano ako magkakasilbi kung hindi niyo man lang ako isinasama sa mga ganyan? Ang daya niyo naman eh! Kaya ko naman kasing makipaglaban sa mga nilalang na iyan kahit na ako lang mag-isa ang mahirap kasi sa inyo hindi kayo nagtitiwala sa kakayahan ko. Ang iniisip niyo mahina ako kasi hindi ako kasing tanda niyo, bakit kung kayo ang nasa edad ko at nangyari ito hindi ba kayo tutulong sa mga kasama niyo? Palibhasa kasi wala kayo sa posisyon ko! Yung nababale-wala at hindi pinapansin!" sigaw ko sa kanya bago tumakbo papasok sa van.

Hindi ko na hinintay kung anong reaksyon niya dahil baka hindi ko pa matanggap kung hindi pa rin niya ako papayagan at papagalitan pa niya ako. Sa van doon ako umiiyak dahil tutal ako lang naman mag-isa, maya-maya lang ay may narinig akong mahinang katok mula sa labas at nakita kong si kuya Nilson ang kumakatok. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba pero sa huli ay binuksan ko pa rin.

Umupo si Kuya Nilson sa tabi ko samantalang ako yumuko.

"Gusto mo ba talagang sumama?" rinig kong tanong niya.

Tumago naman ako.

"Pero bakit kailangan mong sigawan si Daryl?" tanong niya pa.

Hindi ko naman talaga gustong sigawan si Kuya Daryl pero dahil siguro sa inis ko at matagal na pagtitimpi kaya ko siya nasigawan at nailabas ang nasa loob ko. Yan ang gusto kong sabihin pero walang lumabas sa bibig ko at nanatili lang akong nakayuko.

Flesh Eaters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon