Kabanata 14

41 2 1
                                    

Nang gabing iyon ay hindi rin naman sila makatulog dahil may naririnig silang mga ungol sa hindi kalayuan at dahil doon ay naisipan ni Jannele na magpahangin na lamang sa labas para magpaantok samantalang si Nilson naman ay sumunod sa kanya.Naabutan siya nitong nakatingin sa langit na kasalukuyang napakaliwanag dahil bilog na bilog ang buwan.

Umupo siya sa tabi nito at nakisali na rin. Napuno ng katahimikan ang natitira nilang oras dahil nawala na ang mga ungol na naririnig nila.

"Alam mo may quote akong nabasa tungkol sa stars." sabi ni Jannele.

Tumingin naman sa kanya si Nilson at naghintay ng sunod niyang sasabihin.

"Perhaps there are stars, but rather openings in heaven where the love of our lost ones pour through and shine down on us to let us know they're happy. " sabi niya.

"Nang mabasa ko iyon naisip ko kung masaya ba talaga sila kung nasaan man sila. Kung si mommy ba masya na naging ganito ang buhay namin matapos siyang umalis? Kung masaya ba siya na nangyari yun sa kanya? Sa tingin ko kasi hindi eh kasi kung siya ang nasa kalagayan ko paniguradong hindi." sabi niya habang hindi na napigilan ang pagdaloy ng luha sa mata niya.

Hinahagod naman ni Nilson ang likod niya para pakalmahin siya.

"Alam mo dapat hindi mo kinu-kuwestyon kung masaya ba sila o hindi kasi kapag nasa tamang lugar ka na ay doon ka magiging masaya. Kung oras na talaga ng mommy mo ay talagang mawawala siya sa iba pang paraan pero ang nangyayari sa pamilya niyo ngayon ay wala akong masasabi dahil hindi ko naman alam ang nangyayari sa inyo. Kung ano man ang nagyayari dapat tatagan mo lang ang loob mo kasi hindi naman magiging masaya ang isang namayapa kung ang mgataong naiwan niya ay hindi masaya. " sabi ni Nilson.

Tumingin si Jannele kay Nilson habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya.

"Alam mo may utak ka rin pala pagdating sa mga ganito no?" natatawa niyang sabi.

Nag-poker face lang si Nilson sa sinabi ni Jannele kaya napatawa ito sa kanya. 

"Wow! Ganyan ka pala tumawa?" tanong ni Nilson.

"Bakit? may mali ba sa pagtawa ko?" nagtatakang tanong ni Jannele.

"Wala naman, ngayon lang kasi kita nakitang tumawa karaniwan kasing poker face at seroyoso eh." sagot naman ni Nilson sabay balik ng tingin sa langit.

"Hindi naman talaga ako ganun pero dahil sa sunud-sunod na nangyari sakin ay unti-unting nagbago ang ugali ko. Buti na nga lang at hindi nagsasawang umintindi sila Audry, Evelyn at Nicolette sakin eh." sabi ni Jannele ng ibalik din niya ang tingin sa langit.

"Pero alam mo mas magandang ibalik mo yung dating ugali mo kasi mas positive tignan ang ganung side ng isang tao." sabi naman ni Nilson.

"Hayaan mo at babalik na siya." naka-ngiting sabi ni Jannele.

=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o

Yehey!

Wala lang -_-" Haha!

Vote and comment please...

Flesh Eaters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon