Kris's POV
Nakaka-inis! Ano ba naman tong nangyayari sa amin?! Psh.
"Jannele!" rinig kong tawag ni Evelyn.
Nandito pa rin kami sa labas at hinahanap si Jannele.
Pakshet lang! Umiiyak na si Evelyn! Hindi mo naman malapitan dahil alam kong galit pa siya sakin! Tapos itong gagong Ursan na to! Iba ang tingin sa babe ko! Arrghhh!!! Makakapatay ako ng tao ng wala sa oras eh!
"Tara na! Bumalik na tayo!" sigaw ko sa kanila na alam kong ikinagulat nila dahil pati ako ay nagulat.
First time ko kasing sumigaw ng ganun kalakas at alam kong dahil sa nagseselos lang ako dahil malapit na kaagad si babe sa Ursan uranggutan na iyon! -_-
"Teka, hindi mo naman kailangang sumigaw."sabi sa akin ni Danica pero hindi ko siya pinansin dahil naglakad na kaagad ako pabalik ng headquarters.
Alam kong may mali ako at hindi ganun kadaling unawain at patawarin pero kailangan bang maging malapit pa siya sa ibang lalaki habang hindi kami magkasundo? At worst of all, sa uranggutan pa na iyon? Fuck!
Pagpasok ko sa headquarters ay kaagad akong pumasok sa isang kuwarto na hindi namin ginagamit at doon nagmukmok.
"Kainis!" sigaw ko sabay gulo ng buhok ko.
Brent's POV
Tsk. Ano ba naman to oh! Ang gugulo ng mga kasama ko! Ang sakit nila sa kilay! OO! Kilay kasi kanina pa nakakunot noo ko -_-
"Hoy! Itigil mo nga yan! Pangit ka na nga lalo ka pang pumapangit." sabi sa akin ni Lea.
Tignan mo to parang hindi kaibigan eh! Halikan ko to ng magtino!
Siyempre joke lang! Edi napatay na ako ni Daryl xD Wahahaha
"Nasan na nga pala ang kuya mong si Daryl?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam basta ang alam ko may pinuntahan siya." sagot niya.
Tignan mo parang hindi kapatid ang nawawala -_- kung sabagay kung ako ang kapatid ni Daryl hindi na ako mag-aalala dahil magaling naman siya.
"Kuya Brent." rinig kong tawag sa akin ni Lorren na papalapit at may hawak na baril.
"Wooow!! Ibaba mo yan!'" sabi ko sa kanya.
Kahit na hindi nakatutok sa akin ang baril ay hindi pa rin ako dapat makampante dahil baka maiputok ito ni Lorren at may masaktan pa sa mga kasamahan namin.
"Huwag kang mag-alala kuya wala itong bala, itatanong ko lang sana kung paano ito gamitin." naka-ngising sabi niya.
Tsk. Hindi namna niya kailangang ngumisi eh! Grimes nga talaga ang isang to! -_-
BINABASA MO ANG
Flesh Eaters (Completed)
Science FictionIsang pagkakamaling nagpabago sa lahat. Sa mga tao. Sa mundo. Nanaisin mo rin bang mapabilang sa kanila? O mananatili ka nalang na naka-upo diyan at nagbabasa? Original Story by SairinFukuda Kaya bawal gayahin dahil wala namang pinaggayahan.. Okay...