Kabanata 10

45 2 0
                                    

Nicolette's POV

Naisipan namin ni Evelyn na kumuha ng pagkain sa canteen kahit imposibleng makakita kami pero nakakatuwa dahil may kakaunti pang laman ang canteen. Naisipan na rin naming magluto ng kakainin naming lahat tutal kumpleto naman ito sa mga gamit sa kusina. Habang nagluluto si Evelyn, ako naman ay lumabas lang sandali dahil sa gusto ko lang tignan ang buong lugar. Dati pumupunta lang kai sa canteen para lang bumili dahil mahirap tumambay dito dahil nasa 4th floor pa ang classroom namin at saglit lang ang time namin. Kung tutuusin nakaka-miss din ang school na to kahit na papaano.

"Nicolette, tulungan mo naman akong magsalin sa lalagyan ng mga pagkain." sabi ni Evelyn.

"Sige, nandiyan na." sabi ko naman.

Kris's POV

Abalang-abala ang lahat dahil kailangan namin ng sapat na pahinga dahil hindi namin alam kung anong susuungin namin sa mga susunod na araw. May nakita rin kaming bagong survivor at kaibigan pa ito nila Jannele kaya alam naming makakatulong ito siya samin. Pero kanina ko pa napapansin, mukhang may nawawala sa amin pero hindi ko alam kung sino kaya naisipan kong puntahan si babe para sana tanungin siya ang kaso nadatnan kong abala sila ni Nicolette sa pag-aayos ng kakainin namin kaya hindi nalang sila inabala. Bumalik nalang ako sa office para tignan kung sino ang hindi abala at nakita ko namang walang ginagawa si Jannele kaya siya nalang ang nilapitan ko.

"Jannele, may itatanong ako sayo." sabi ko sa kanya.

"Ano iyon?" tanong niya.

"May napansin lang kasi ako eh." umpisa ko.

"Ano naman?"

"Parang may nawawala satin pero hindi ko malaman kung sino." sabi ko.

"May nawawala? Ang akala ko ba kumpleto na tayo ng umalis tayo sa bahay?" tanong niya.

"Oo nga kumpleto tayo pero bago mangyari yun may nawawala. Para kasing kulang tayo nung nakikipaglaban tayo eh." sabi ko naman.

"Sino namang nawawala?" tanong niya pero hindi ako sumagot.

"Mamaya malalaman natin kasi dito naman tayong lahat mag-stay kaya hindi tayo mahihirapan na malaman kung sino." sabi niya pa.

Tumango nalang ako bilang sagot. Hindi naman nagtagal ay bumalik na sila Babe at Nicolette galing sa canteen at kung hindi ko inalalayan si babe sa hawak niyang tray ay baka nasayang lang ang pagkain. Muntik kasi niya itong mabitawan ng makita niya si Carmela. Nang kinuha ko na ang tray ay tumakbo kaagad siya kay Carmela at yinakap ito. Nagkamustahan sila at kung anu-ano pang pag-uusap nila pero hindi ko na pinansin dahil kailangan ko ng maghanda ng hapagkainan dahil gutom na rin ako xD Papa-umaga palang pero ang pakiramdam ko ay hapon na kaya gusto ko na ring humiga.

"Papapuntahin ko na silang lahat dito." bulong ni Jannele.

"Sige." sabi ko naman sa kanya.

Kung ano ang iki-sineryoso ni Jannele yun naman ang ikinakulit ni Evelyn, dati naman hindi siya ganyan pero siula ng mangyari to hindi nag-iba na siya. Si Nicolette, likas na sa kanya ang pagiging seryoso at si Audry naman nakikisali nalang at nakikigaya nalang kung anong mood ng mga kasama. 

Hindi naman nagtagal ay nagdatingan na ang iba naming kasama at halata sa mga mukha nila na nagtataka sila.

"Bakit? May problema ba? Bakit niyo kami itinipon dito?" tanong ni Lara.

Tumingin ako kay Jannele at tinanguan niya ako.

"Napansin ko kasi na may nawawala sa atin." sabi ko.

Nagtinginan naman sila sa isa't-isa. Kahit ako tumingin din sa kanila para malaman kung sino ang nawawala.

"Kilala ko na." biglang sabi ni Jannele.

"Sino?" tanong ko.

"Si Jerry ang nawawala." sabi niya.

Jerry? Ah yung kapatid ni Lara. Saan naman pumunta yun?

=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o

Author's Note,

Nawawala si Jerry...

Nasaan na kaya siya?

Sa next ud niyo malalaman :)

Don't forget to vote and comment... especially kayong tatlo -_-

Flesh Eaters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon