Leutenant A.B. Ambridge's POV
"Anong ibig mong sabihin?! Nawawala ang anak mo?! Sino na ngayon ang magbabantay kay Nicolette at sa mga kaibigan niya? Alam naman siguro ng anak mo na kaya ko lang siya pinayagan na makipagkaibigan kay Nicolette ay dahil alam kong kaya niyang bantayan at protektahan ang kaibigan niya pero ngayon sasabihin mo sa akin na nawawala ang anak mo?! Pinaglololoko niyo ba ako?!" bungad sa akin ni Mr. President.
"Ipagpaumanhi niyo po, mr. President. Sisigiraduhin po namin na maililigtas po ang anak niyo kahhit na anong mangyari." sabi ko nalang para namna hindi na lalong mag-init ang ulo niya sa akin.
"Siguraduhin mo lang Leutenant dahil alam mo kung anong kaya kong gawin sa iyo at sa puwesto mo." sabi niya bago ako tuluyang iwan.
Sinipa ko kaagad ang lamesang nasa harapan ko dahil sa inis. Nanganganib ngayon ang posisyon ko dahil sa kapabayaan ng anak ko! Matagal kong pinakahirapan na makarating dito kaya hindi ako makakapayag na mawala nalang iyon basta-basta.
Pinuntahan ko kaagad ang kapatid ko sa kampo nila at naabutan kong kinaka-usap niya ang mga rescuers.
Matapos niyang kausapin ang mga rescuers ay napatingin naman siya sa gawi ko at kaagad akong lumapit.
"Oh? Bakit ka nandito? Ito yata ang unang beses na kailangan mo pang puntahan ang kampo namin." naka-ngising sabi ng magaling kong kapatid.
"Sasama ako sa pag-rescue." deretcha kong sabi.
Nanlaki naman ang mata ng kapatid ko. Bakit? Anong problema nito?
"Seryoso ka ba? Ngayon mo lang naisipan na sumama sa mga ganitong misyon." sabi niya sa akin.
"Kailangan ko siyang mailigtas." sabi ko.
"Sino?... Ah... Si Jannele! Sabagay kailangan nga niya ng-"
"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Bakit ko ililigtas si Jannele? Ang anak ng presidente ang tinutukoy kong ililigtas ko." putol ko sa sinasabi niya.
Awtomatiko namang napa-singkit ng mata ag kausap ko.
"Mas uunahin mo pang iligtas ang iba kesa sa sarili mong anak?" parang hindi makapaniwalang sabi niya.
"Kailangan kong mailigtas si Nicolette dahil kung hindi baka matanggal ako sa puwesto ko." sabi ko naman.
Umiiling ang kapatid ko. Bakit ba? Ano bang problema ng isang to?
"Hindi ko alam kung bakit ka ganyan pero kung ako lang ang ama ni Jannele mas uunahin ko ang anak ko kesa naman sa tungkulin ko dahil mas mahalaga ang buhay niya kesa sa trabaho ko." sabi niya.
"Pasensiya ka nalang dahil hindi ikaw ang naging ama ni Jannele kundi ako kaya wala kang paki-alam kung ano man ang maging desisyon ko." sabi ko sa kanya bago lumapit sa mga resuers.
3rd Person's POV
Naghahanda na silang lahat para magpahinga ng may mapansin si Kris na parang kuminang sa isang building na malapit lamang sa kanila. Hindi niya pinahalata sa mga kasamahan ang unti-unti niyang paglapit sa may gate. Kulang nalang ay mag-zoom ang mata niya para lang makita kung anong meron sa kabilang building.
BINABASA MO ANG
Flesh Eaters (Completed)
Bilim KurguIsang pagkakamaling nagpabago sa lahat. Sa mga tao. Sa mundo. Nanaisin mo rin bang mapabilang sa kanila? O mananatili ka nalang na naka-upo diyan at nagbabasa? Original Story by SairinFukuda Kaya bawal gayahin dahil wala namang pinaggayahan.. Okay...