Kabanata 8

50 1 0
                                    

Nilson's POV

Nang makita ko ang reaksyon ni Jannele ng makita niya ang pinsan niya naisip ko na may masakit siyang naranasan. Ang titig niya kasi dito parang nasaktan na naiwan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila dati pero siguro kung malalaman ko, baka makatulong pa ako sa kanya kahit na papaano. Lahat kami ay magpapahinga na ng maisipan kong silipin si Jannele sa kuwarto niya. Napag-pasiyahan kasi na iwan muna si Jannele pansamantala habang hindi pa ito okay. Hindi naman naka-lock ang pinto kaya hindi ko na kailngan pang kumatok. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa kama, lumapit ako at nakita kong basa ang unan niya at halatang umiyak dahil mamula-mula pa ang mata.

Gusto kong malamn kung bakit siya umiyak at kung anong dahilan pero huwag nalang, baka kung ano pang sabihin niya. Umalis ako ng tahimik sa kuwarto niya at hinayaang matulog. Pagbalik ko sa sala ay naka-ayos na sila ng hihigaan namin. Kailangan kasing may magbantay sa sala dahil baka kung hindi eaters ang papasok ay mga survivors na maaaring kakampi namin o hindi. 

Hanggang maka-higa ako ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nangyari ngayong araw, bukod sa nung kumuha kami ng supply ay iniisip ko rin yung tungkol kay Jannlele. Naisip ko lang........

Kausapin ko kaya si Jannele bukas? Siguro naman hindi niya ako tatarayan o kung ano pa man hindi ba? Hindi ba?

(A/N: Matulog ka na!)

Sabi ko nga. -_-"

Evelyn's POV

Nasa kuwarto na kami at halatang tulog na ang mga kasama ko pero ako hindi pa rin makatulog. Bakit? Ikaw ba namang may katabing ang lakas humilik ewan ko nalang kung makatulog kayo. -_- Kung hindi ko lang talaga to mahal baka tinulak ko na to! Yeah! Si Kris tong katabi ko. Hindi naman siya ganito matulog dati, iniisip ko na nga lang na pagod lang siya kaya ganyan yan makahilik pero infairness pumayag sila na kami lang ni Kris dito sa kuwarto! Pero hoy! Walang nangyari, okay? -_- We're just sleeping... Ay! Siya lang pala...

Naisip ko lang yung tagpo kanina between Jannele and Danica, ang laki talaga ng galit ni Jannele sa kanya dahil hindi niya ito pinapansin pero naiintindihan ko naman kung bakit ganun si Jannel eh, kasi kung sakin din nangyari yun baka hindi lang pang-i-i-snob ang ginawa ko baka nasa hukay na yung babaeng yun.

"Matulog ka na." rinig kong bulong ni Kris sa tenga ko.

"Gising ka pa?" tanong ko sa kanya.

Yinakap niya ang bewang ko bago isiksik ang ulo niya sa leeg ko.

"Nope. Nagising ako sa galaw mo, ang likot ko humiga babe." reklamo niya.

Tignan mo?! Siya pa yung may ganang magreklamo samantalang ako nga itong hindi makatulog sa hilik niya! -_-

"Bakit nga pala gising ka pa? Dapat natutulog ka, alam mo namang mahirap na ngayon ang sitwasyon natin hindi ba?" tanong niya sakin.

"Kaya hindi ako makatulog dahil ang lakas ng hilik mo." sabi ko.

"Huh? Ako? Malakas ang hilik? Alam mo namang hindi malakas ang hilik ko hindi ba?" nagtataka niyang tanong.

Flesh Eaters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon