Kabanata 9

48 1 0
                                    

Lee's POV

Ang bilis ng nangyari...

Ilang araw pa lang kami sa bahay na iyon pero nagka-problema na kaagad...

Tapos ngayon walang nakibo sa mga kasama ko.... Haaayy...

"Ligtas ba lahat?" rinig kong tanong ni Audry.

Yes! May nagsalita na rin sa wakas!

"Oo, pina-una na namin sila sa tapat ng cathedral dahil hinintay pa namin kayo." sagot ni Lara.

"Sa cathedral?" tanong ni Jannele.

"Oo, bakit? May problema ba kung doon?" tanong ni Nilson.

"Wala naman pero baka mas maraming eaters doon dahil malapit lang yun sa highway." sagot ni Jannele.

"Hindi naman siguro." sabi naman ni Nilson.

Hindi nagtagal ay dumating na kami sa may cathedral pero hindi namin makita kahit na isang kotse ng mga kasama namin. Iniikot ni Kris ang van paliko sa may mini stop malapit dito pero wala pa rin kaming nakita ni isang kotse ng mga kasama namin.

"Doon tayo sa catholic school malapit dito." bigalang sabi ni Jannele.

"Huh? Bakit tayo pupunta dun?" tanong ni Kris.

"Baka kasi nandun sila dahil doon kami nag-high school nila Nicolette, naisip ko lang na baka pinuntahan nila iyon dahil kasama nila si Nicolette." sabi ni Jannele.

"Kahit minsan hindi kapani-paniwala ang sinasabi mo, wala namang masama kung subukan." sabi ni Kris bago iniikot pabalik ang van.

Binatukan naman siya ni Jannele at nagtawanan ang lahat ng taong nasa loob ng van. Kahit na ganito na ang sitwasyon kaya pa rin nilang i-lighten ang atmosphere ng lahat.

Malayo palang kami ay nakita na namin ang dalawang kotse at lahat sila ay nasa labas. Nang makita na nilang palapit ang van ay lumapit kaagad sila sa amin. 

"Buti ligtas kayo!" bungad samin ni Nicolette.

"Tama nga ang sabi ni Jannele na nandito kayo." sabi ni Kris.

"Ayaw niyo kaisng maniwala sakin eh." sabi ni Jannele.

"Nga pala, ang usapan sa cathedral bakit nandito kayo?" tanong ni Nilson.

"Ang dami kasing eaters kanina doon kaya naisipan ni Nicolette na dito nalang." sagot ni Makki.

"Alam niyo, bakit hindi nalang tayo dito sa school mag-stay para kahit papaano ay maayos ang matutulugan natin." suggestion ni Danica.

Napa-tango naman ang lahat pero bukod kay Jannele na sumilip sa maliit na siwang sa gate.

"Walang pasok ng mangyari ang apocalypse kaya paniguradong walang eaters at kung meron man ay hindi tataas sa 10 ang nasa loob." sabi ni Jannele.

"Kami na munang mga lalaki ang papasok bago ipapasok ang kotse at van sa loob ng school." sabi ni Kris.

"Teka lang, kung nag mga lalaki ang papsok, sino ang magda-drive ng dalawang kotse at van?" tanong ni Danica.

"Kaming ng bahala nila Jannele at Nicolette basta pumasok na kayo sa loob ng mga sasakyan." sabi ni Audry.

Dahan-dahan kaming pumasok sa loob ng school. Bukas ang isang maliit na gate kaya hindi kami nahirapan na pumasok, naka-sunod naman samin ang van at ang dalwang kotse. Clear ang buong ground pero hindi namin sigurado ang 2nd to 4th floor ng tatlong building. Hindi kalakihan ang school na iyon pero sapat na para sa aming lahat. Hindi naman din namin kailangan ng malaking lugar dahil hindi namin kailangang maghiwa-hiwalay.

"Lee, pababain mo na ang mga nasa sasakyan at buksan niyo kahit yung office nalang ng school na ito para makapaghanda na para makapagpahinga na rin tayo, at the rest sumama kayo sakin kailangang ma-clear ang buong lugar." sabi ni Kris.

Ibang klase rin tong si Kris dahil ang dami niyang idea at parang siya na rin ang tum,atayong leader pero hindi mo naman maaalis ang kagalingan din nila Nicolette, Audry, Evelyn at Jannele lalo na sa pakikipaglaban. Nagsimula na kaming umakyat sa second floor at inisa-isa ang mga classroom pero wala namang nakabukas at lahat ay sarado maging ang mga cr, ganun din ang 3rd floor pero pagdating namin sa 4th floor ay may narinig kaming mga ungol mula sa cr. 

Sumenyas si Kris na huwag maingay at sumunod kami sa kanya, clear ang cr ng boys kami paniguradong sa cr ng girls nanggagaling ang ungol. Binuksan ni Kris ang pinto at dahan-dahan na pumasok, nanggagaling ang ungol sa dulong cubicle kaya sinabihan niya kaming tumahimik.

"May tao ba diyan?" tanong ni Kris na ikinahinto naman ng ungol.

"Kung may tao diyan, lumabas ka. Kakampi kami at hindi ka namin sasaktan." dagdag niya.

May narinig kaming parang naglakad at binuksan ang pinto ng cubicle, medyo umatras pa kami dahil hindi naman namin alam kung ano bang lalabas. Nang makita namin kung ano ang lumabas sa cubicle ay ibinaba na namin ang mga baril namin. 

"Sino kayo?" tanong niya samin at halata sa boses niya na natatakot siya.

"Huwag kang matakot samin, tara bumaba tayo sa ground nandun ang kasama namin." sabi ko sa kanya.

Noong una ay nag-aalangan pa siya pero sa huli ay sumama na siya samin. Pagbaba namin ay nakabukas pa rin ang gate kaya mabilis naming pinuntahan ang ibang kasama namin at si Nilson nalang ang nagsara ng gate. Pagbukas namin ng office ay nadatnan naming nag-aayos ang mga kasama namin ng matutulugan at nakabukas ang aircon.

"Bakit parang hinabol kayo ng sandamakmak na eaters?" tanong ni Jannele.

"Nadatnan naming bukas ang gate kaya ang akala namin may nakapasok na eater." sagot ni Kris.

"Nga pala may nakita kaming survivor sa taas." sabi ni Makki.

" Sino?" tanong ni Audry.

Tumabi naman ako para makadaan ang survivor at parang nagulat naman sila Audry at Jannele.

"Carmela?!" sabay nilang sabi.

Mukhang kilala pa nila ang nakita naming survivor.

=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o

Author's Note,

Dinagdag ko ang isa pa naming kaklse :)

Hi Artemis!!!! :*

Vote and Comment pleaseee....

Flesh Eaters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon