Kabanata 13

52 2 4
                                    

Danica's POV

Kailangan kong maka-isip kung paano nila malalaman ang sini-sikreto ng babaeng iyon ng hindi rin ako nasisira. nagpapaka-saya siya at parang walang alam pero siya naman ang naging dahilan kaya nangyari ito sa lugar na ito.

Nang malaman kong maaari ng sumunod ang Cavite ay nasisipan ko kaagad na pumunta  dito para mabalaan si Daisy, ang kapatid ko, pero huli na ako dahil isa na siyang zombie/ eater. Kung mas maaga nga lang ako ng dating at nalaman ko kaagad sana ay nailigtas ko pa siya. Samantalang siya, alam kong allam na niya na mangyayari ito pero hindi man lang niya inintindi ang iba kahit hindi na sana ang kapatid ko ang inisip niya sana kahit ang mga kaibigan nalang sana niya pero talagang maka-sarili ang babaeng iyon!

Kung hindi ako makak-isip ng paraan para mabuking siya ng hindi ako nadadamay edi sasabihin ko nalang sa kanila ang tunay na dahilan kahit madawit pa ako dahil kung tutuusin ay kakaunti lang naman ang naging pananagutan ko sa nangyari eh.

"Jannele, samahan mo nga ako sa canteen kukuha lang ako ng tubig para kay Jessa." rinig kong sabi ni Evelyn.

Sumama naman siya kay Evelyn. Hindi alam ni Evelyn na isa palang traydor ang lagi niyang sinsamahan at kaibigan niya! Sabagay, magaling mag-balat-kayo ang mga katulad niya.

"Ah Danica, puwede bang makitabi sayo?" tanong ni Lee sakin.

Umusod naman ako ng kaunti para maka-upo rin siya. Sabi na eh! may gusto rin sakin to! Hep! Hindi ako assuming sadya lang talagang malakas ang kutob ko pagdating sa mga ganyan. Minsan nga nakikita kong tumitingin siya sakin pero siyempre dalagang pilipina pa rin ako kaya hindi ako gumaganti ng titig sa kanya.

"Oo nga pala, wala ka bang kamag-anak dito sa Cavite?" tanong niya sakin.

Medyo nag-dilim ang aura ko pero pinilit kong isinantabi para hindi siya makahalata.

"Meron." naka-ngiti kong sagot.

"Ha? Eh nasan siya? Sila?" tanong niya.

"Kapatid ko lang kaya siya lang dapat at hindi sila at ang sagot sa tanong mo wala na." sagot ko at nag-iwas ako ng tingin.

"Paano wala na? Nakaalis siya ng Cavite bago mangyari to?" naguguluhan niyang tanong.

"Hindi, wala na as in patay na. Hindi ko na siya naabutan." sagot ko sabay yuko.

"S-sorry, hindi ko sinasadyang buklatin ang topic na iyon." sabi niya.

"Sus! Ayos lang! Hehe." sabi ko pero talagang ang bigat ng nararamdaman ko.

Hindi ako nagda-drama or what okay? Talagang ganito ang nararamdaman ko dahil bukod sa nangyari yun sa kapatid ko ay may nakka-usap na ako tungkol doon na nakakagaan ng loob.

"Ikaw? May kamag-anak ka ba dito?" tanong ko sa kanya.

"Wala, bumisita lang ako kanila Jerry kasi matagal na rin akong hindi nakaka-bisita ang kaso kamalas-malasan ay natiyempo pang nagkaganito dito." sabi niya habang napapakamot sa batok.

Ang cute niyang tignan >o< Sayang lang at baka may girlfriend na.. tanungin ko kaya? Mamaya kasi wala pa diba? Paano ko nga ba sisimulang tanungin?

Flesh Eaters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon