Napag-planuhan nila Jannele at Audry na dumaan sa bubong ng bahay dahil kahit mas maraming zombie ay hindi sila maaatake pero sa huli naisip nilang imposible ang naisip nilang paraan kaya ang balak nalang nila ay kumilos ng mabilis at tahimik. Napag-usapan na nilang lahat na ang mga gate ay haharangan ng mga sasakyan na hindi naman ganoon kalalaki at matitibay, ang bawat lugar na puwede nilang pagtataguan ay nilagyan nila ng armas at lahat ng bintana ay nilagyan nila ng mga makakapal na kurtina para kahit mag-ilaw sila ay hindi makikita sa labas at iiwasan nila ang sobrang pag-iingay na hindi naman problema dahil sound proof ang buong bahay.. Ang plano nila Audry at Jannele ay gagawin nila kapag nalingat ang mga kasamahan nila at para hindi na sila pigillan ng mga ito. Kumuha si Jannele ng isang light stick at pina-ilaw ito at inihagis para matuon doon ang atensyon ng mga zombie. Dahan na dahan na bumaba sila Audry at Jannele sa gate at walang ingay na ginawa ng makalapit sila sa bahay ng mga taong ililigtas nila. Pagkapasok nila ay wala namang mga tao.
"Sigurado ka bang may nakita kang lalaki dito kanina sa bintana?" naninigiradong tanong ni Audry.
"Oo naman. Tara akyatin natin itong attic." yaya ni Jannele.
Dahan-dahan silang umakyat sa hagdan na marupok na at pinilit na huwag gumawa ng ingay. May dalawang pintuan sa may attic, sumenyas si Audry na tig-isa sila ng pinto na bubuksan. Naka-puwesto na sila at naka-ready ang mga baril na may silencer, sabay nila itong binuksan at agad na tinutok ang mga baril sa loob.
"Teka lang. Buhay pa kami....buhay pa." sabi ng isang lalaki na naka-taas ang isang kamay.
Ibinaba naman nilang dalwa ang mga baril nila, ang kaso may narinig silang mga ungol kaya itinaas ulit nila ito at sinenyasan ang mga tao na lumapit sa kanila. Ang kaso napansin nilang papalapit ang tunog ng mga zombie sa kinalalagyan nila.
"Hindi mo sinara ang pinto no?" tanong ni Audry kay Jannele.
"Sorry..." hinging paumanhin ni Jannele.
"Naman... Kayo, pumalibot kayo at igitna niyo ang mga bata."sabi ni Audry habang binibigyan ng baril at patalim ang mga lalaki.
"Yung mga binigyan ko ng baril at patalim, siguraduhin niyong huwag kayong malilingat, buhay niyo na ang nakataya dito, yung mga bata huwag niyong pabayaan." paalala ni Audry.
Na-unang bumaba sila Audry at Jannele, nasa likod naman ang tatlong bata at naka-sunod ang iba pang mga kasama ng mga ito. Pababa na sana sila ng 2nd floor ng makakita sila Jannele at Audry ng mga zombie sa ibaba, sumenyas si Audry na huwag maingay at bababa sila ni Jannele. Buti nalang at naka-silencer sila kaya hindi na sila nahirapan na patayin ang mga ito, kumuha ulit si Jannele ng light stick at itinapon ito malayu-layo sa puwesto nila bago sila tumakbo pabalik sa bahay nila. Madali naman silang nakapasok dahil kusang bumukas ang gate ng malapit na sila doon. Nang makapasok ang lahat ay saka lamang nila nakita na sila Rey at Jacob ang nagbukas ng gat para sa kanila.
"Paano niyo nalaman na papasok kami?" tanong ni Audry.
"Kasi napansin naming nawawala kayong dalawa ni Jannele at naalala ni Evelyn na gusto nga palang tulungan ni Jannele ang mga taong nasa kabilang bahay kaya sinilip namin kayo sa bintana at nakita nga naming nandoon kayo kaya kami nalang ang naging back-up." sagot naman ni Rey.
"Teka nga lang, kung alam niyong nasa labas kami at may tinutulungan kami, bakit hindi kayo sumunod at tumulong?" tanong ni Jannele.
BINABASA MO ANG
Flesh Eaters (Completed)
Science FictionIsang pagkakamaling nagpabago sa lahat. Sa mga tao. Sa mundo. Nanaisin mo rin bang mapabilang sa kanila? O mananatili ka nalang na naka-upo diyan at nagbabasa? Original Story by SairinFukuda Kaya bawal gayahin dahil wala namang pinaggayahan.. Okay...