Nicolette's POV
Nahati kami sa tatlong grupo. Ang unang grupo ay sila Kris, Percy at Lee, sila ang bahala sa main building. Ang pangalawang grupo naman ay sila Jannele Nilson at Brent, sila ang bahala sa ibang building na natitira. Ang pangatlong grupo naman ay ako, si Jerry at si Daryl, kami ang bahala sa pag-clear ng buong paligid.
Nauna na munang umalis ang grupo nila Jannele bago ang grupo namin at sumunod naman ang grupo nila Kris. Hindi ko alam kung bakit sila ang nahuli samantalang malaking building ang papasukin nila. Nangsimula na kaming libutin ang buong lugar, may mangilan-ngilan na mga eaters kaming nakita pero madali namang napapatay gamit lang ang mga itak na dala namin. Napag-usapan kasi na hindi gagamitin ang mga baril kung hindi naman kailangan na kailangan.
May nakita kaming isang building pero hnggang 2nd floor lang naman kaya pinasok na namin. sinimulan naming tignan ang buong ground floor pero lahat ng mga kuwarto ay clear. Pagdating namin sa 2nd floor doon ko narinig na may mga ungol sa loob ng kung saang kuwarto. Si Daryl ang nangunguna sumunod ako at nasa likod ko naman si Jerry. Ang unang kuwartong napasok namin ay puro mga katawan lang ng tao na gutay-gutay na at mga laman at dugo. Isinara ni Daryl ang pinto at siniguradong naka-lock ang mga ito. Sa sumunod na mga kuwarto ay ganun lang din ang nadatnan namin pero iba ang nakita namin sa tatlong huling kuwarto na nasa dulo ng pasilyo.
Ako ang sumilip sa may unang kuwarto at wala akong makita pero may mga naririnig akong ungol. Inabot sakin ni Daryl ang flashlight at walang takot kong binuksan ito at itinutok sa loob. Noong una ay hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Mga ulo at kung ano pang mga putul-putol na mga katawan ng tao na eaters na. Mapapansin na gumagalaw pa ang mga ulo peo ang mga parte ng katawan ay hindi na gumagalaw.
Sinenyasan ko si Daryl na buksan ang pinto at dahan-dahan naman niya itong binuksan. Pagbukas ng pinto ay may bumungad kaagad sa amin na ulo ng eater. Si Jerry na ang sumaksak dito at binuksan ni Daryl ang ilaw, doon bumungad samin ang iba't-ibang klase ng mga baril at mga pampasabog. Tumingin ako sa dalawang lalaki na kasama ko at parehas silang abot hanggang langit ang ngiti.
"Ano? Tutungangaan nalang ba natin ang mga nakikita natin?" tanong ko sa kanila.
"Mamaya nalang natin kunin yan, tignan muna natin ang dalawang natitira pang mga kuwarto." sabi ni Daryl.
Lumabas na kami pero hindi namin ini-lock ang pinto. Binuksan namin parehas ang dalawang kuwarto na natira pero mga gamit lang nakita namin kaya bumalik na kami sa mga kasama namin. Nadatnan naming nag-aayos na sila ng mga gamit at ibinababa na isa-isa ang mga nasa sasakyan.
"Nasaan sila Kris?" rinig kong tanong ni Jerry.
"Hindi pa sila bumabalik simula kanina." sagot ni Evelyn.
"Susundan namin sila ni Nicolette." rinig kong sabi ni Jannele.
Wala naman akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Wala naman kaming gaanong nakitang mga katawan ng eaters pero halatang mga natalo ito nila Kris dahil lahat ay may saksak sa bandang sentido. Nang makarating kami sa 3rd floor may nakita kaming nakabukas na pinto kaya naisip namin na pasukin ito. Nakita naman naming abala sila Kris sa pag-aayos ng kung anong machine sa loob.
"Guys, anong meron dito?" tanong ko.
"May narinig kasi kaming boses mula s device na to." sabi ni Kris sabay turo doon sa kinakalikot nilang machine.
BINABASA MO ANG
Flesh Eaters (Completed)
Science FictionIsang pagkakamaling nagpabago sa lahat. Sa mga tao. Sa mundo. Nanaisin mo rin bang mapabilang sa kanila? O mananatili ka nalang na naka-upo diyan at nagbabasa? Original Story by SairinFukuda Kaya bawal gayahin dahil wala namang pinaggayahan.. Okay...