Dumaan ang buong gabi na tahimik ang lahat at tanging mga ungol lang ng mga flesh eaters ang naririnig kaya kinaumagahan ay may mga lakas sila.
"Nicolette, anong supply pa ang ilalagay ko dito?" tanong ni Evelyn habang hawak ang isang papel kung saan inililista ang mga kailangan nila.
"Wala naman na akong idadagdag, tanungin mo sila Jannele at Audry kung meron silang gustong idagdag." sagot ni Nicolette.
Bumaba sa basement si Evelyn para tanungin ang mga kaibigan pero wala naman siyang nadatnan sa baba kaya bumalik siya sa taas at hinanap ang mga ito.
"Kung hinahanap mo sila Audry at Jannele, ang alam ko nasa laboratory sila at inaalam kung may kailangang chemicals si Audry." naka-ngiting sabi sa kanya ni Kris.
Nginitian lang niya ito bago pumunta sa laboratory. Hindi ganun kalaki ang laboratory ni Audry sa bahay nila kumpara sa underground laboratory niya pero kumpleto ito sa mga gamit na kailangan niya. Nadatnan niya ang dalawa na isa-isang binababa ang mga box na laman ay mga chemicals at equipment.
"May kailangan pa ba kayong idagdag?" tanong ni Evelyn sa kanila.
"Nakasulat na diyan sa papel na nasa lamesa." sagot naman ni Audry.
Kinuha ni Evelyn ang papel at tinignan.
"Wala na ba kayong idadagdag?" tanong niya sa mga ito.
"Wala na. " sabay na sagot nila Audry at Jannele.
Bumalik na si Evelyn sa sala at nag-isip kung ano pa ang kakailanganin nila. Napag-desisyunan kasi ng lahat na every 2 weeks o twice a month ay kukuha sila ng supplies pero palayo ng palayo ang mga pagkukuhanan nila kung magtatagal sila kaya kailangan din nilang magtipid. Inaayos nila Kris, Jocob, Makki at Lee ang sasakyan nila at si Percy, Nilson at Rey naman para sa weapons na dadalhin nila.
Meron naman ng gamot, pagkain, personal kit, weapons at kung anu-ano pa sa listahan at kung saang malapit na lugar ito makukuha. Ang problema lang talaga nila ay ang walang katiyakan kung gaano kadaming flesh eaters ang makakasagupa nila.
Bago umalis ang mga kukuha ng supply ay nagtipon-tipon muna silang lahat sa sala.
"So, dapat tanghali ay nandito na kayo at kapag may nangyaring masama sa inyo o nagkaproblema, pindutin niyo ang red button na nasa loob ng jacket niyo at asahan niyo na darating kaagad ang back-up. Kung tanghali na at hindi niyo pa natatapos ang nasa listahan ay umalis na kayo lao't meron na ng mga pangunahing pangangailangan kaya ang una niyong kunin ay ang mga kailangan talaga natin." sabi ni Nicolette.
"Sino ang magiging back-up?" tanong ni Percy sa kanila.
"Ako at si Jannele dahil parehas kaming mabilis kumilos at magaling sa paghawak ng mga armas." sagot ni Audry.
"Siguraduhin niyong uunahin ang mga talagang kailangan dahil kapag tanghali na at wala pa kayo, hahanapin namin kayo sa lahat ng lugar na nasa listahan." sabi ni Jannele.
"Etong relo, tutal magkakasama naman na kayo kaya isa lang ang dadalhin niyo." sabi ni Evelyn at ibinigay ang relo kay Kris.
"13:00 ay dapat nandito na kayo." sabi ni Jannele.
"13:00?" nalilitong tanong ni Jacob.
"Military time, 1 o;clock ang ibig niyang sabihin, tama?" tanong ni Jerry.
"Paano mo nalaman?" tanong ni Jannele.
"Isang army dati ang lolo ko at itinuro niya sakin ang ibang bagay na alam niya sa military." sagot naman ni Jerry.
"Oo nga pala, gusto lang naming malaman. Bakit ng dami niyo sa bahay na iyon? I mean yung bahay kung saan kayo nailigtas nila Audry at Jannele, kasi imposible namang magkakasama kayo hindi ba?" tanong ni Evelyn.
"Yung bahay kung saan niyo kami natagpuan ay ang bahay kung saan kami nakatira ng kapatid kong si Jerry, nakilala lang namin sila Percy, Hannah, Makki, Nilson at Lee ng pumasok sila sa bahay dahil ankita nilang safe doon." sagot ni Lara.
"Ang ibig sabihin ay kayo ang nag-aalaga kanila Rissa, Missa at Jessa?" tanong ni Kris sa kanila.
"Oo dahil pinsan namin sila." sagot naman ni Lara.
"So 6:37 am na, kailangan na naming umalis para mas marami kaming supply na makuha." sabi ni Kris.
Hinatid nila ang mga ito hanggang sa sasakyan at sila jacob at Rey na ang nagtanggal ng harang na kotse sa gate.
"Mag-iingat kayo." sabi ni Nicolette sa kanilang lahat.
"Ingat ka Babe." sabi ni Evelyn kay Kris.
Hinalikan siya nito sa noo bago ngumiti.
"Ikaw din." sabi nito bago sinara ang pinto ng van.
Nang makasakay na ang lahat at napa-aandar na nag van ay binuksan kaagad ang gate at isinira ng mabilis ng makalabas na ito. Walang ingay na nalabas sa van at tinted ito kaya hindi makikitang may tao sa loob kaya hindi problema ang ingay na nakaka-attract sa mga flesh eater.
Pagkapasok nila sa bahay ay nagsimula na silang gumawa ng gawaing bahay habang hinihintay ang pagbabalik nila.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Author's Maikling Note,
Bitin ang chap na ito, alam ko :3 pero isusunod ko naman maya-maya lang ang chap 5 so wait lang kayo!!!!
Na-e-excite ako!!! Hihihi!!
Please Vote!!! comment for your feedback ang 'MATINONG' suggestions :)
BINABASA MO ANG
Flesh Eaters (Completed)
Science FictionIsang pagkakamaling nagpabago sa lahat. Sa mga tao. Sa mundo. Nanaisin mo rin bang mapabilang sa kanila? O mananatili ka nalang na naka-upo diyan at nagbabasa? Original Story by SairinFukuda Kaya bawal gayahin dahil wala namang pinaggayahan.. Okay...