HANA"Staring is bad, Hana."
Sabi ko nga hindi tulog itong mokong na'to. Kapag bumalik si mama rito si mommy, lagot na ako. Kaya kailangan na nilang umalis. I sighed heavily. Pagod na pagod na ako, gusto ko na mag-pahinga.
"Bumangon kana dyan at may pasok pa bukas. Kailangan ko naring magpahinha." Walang hesitasyon na sinabi ko. Bakit eh totoo naman. Tumango si Amber at si Jimin naman ay nakatingin lang sakin.
"I'll stay here. Babantayan kita"
Gulat naman akong napatingin sa kanya. Huh? Bantayan? Wala namang mangyayari masama rito a. Umiling lamang ako at buti tumayo si Amber.
"Uhm, tara na Jimin hoy! Tyaka may quiz bukas, may aso pa man din dyan sa kanto!" Natatawang asal ni Amber. Tinignan ko silang umalis at niyakap naman ako ni Amber. Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa.
Grabe natong nangyayari sa akin simula nung dumating uli si Lola at ang kambal. Si Kuya at Ate naman nawawalan na sila ng pansin sakin. Ano ng mangyayari kinabukasan?
THE NEXT DAY, kakatapos ko lang maligo at wore my uniform. It's monday and required na raw ang pagsuot ng uniform. Pinusod ko ang buhok ko at ngumiti ng kaunti. I realised how fake my smile is.
Mamita still hates me and, of course I can feel like the whole family hates me. Sa school nalang ang magbre-breakfast since pwede naman roon.
Nagpasya akong umalis ng maaga. Hindi ko pinansin ang mga katulong sa mansyon tutal mukhang marami silang gagawin, maiistorbo ko lang sila.
7:30 AM ng makarating ako sa eskwelahan. Naala ko ang unang apak ko sa paaralang ito parang kahapon lang. Ang daming pangyayari noong mga nakaraang linggo na parang kailan lang na isinampal ko si Jimin.
Natawa ako sa aking mga pagiisip at pinagpatuloy lang ang paglalakad. Iniisip ko naman ngayon ay ano ang mga mangyayari mamaya. Hindi ako makapagpigil dahil parang isang hakbang ko ay may nakatingin sa akin. Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko ang babaeng nakatayo sa may sulok.
Bea Min....
Oo nga pala't magpapakasal si Jimin. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko na alam pa ang gagawin kundi ang mag-isip ng mag-isip.
"I heard that Jimin visited you last night..." May halong pait at galit sa kanyang boses.
I fake smiled at her and nodded. Wala namang nangyaring masama...
"Staring is bad, Hana..."
Hindi ko napigilang mamula ang aking mukha dahil parang may bumulong sa tenga ko.
"You look bothered, did something happened between you?" Parang nakikita ko ang tunay na kulay ni Bea. Parang naiirita ako, hindi. Naiirita talaga ako sa mga ugaling ganito.
"Wala ka bang tiwala sa magiging asawa mo?" Hindi ko napigilang itanong.
"Meron pero pagod na akong nakikipagplastikan sayo. Napakalandi mo!" Nagulat ako sa sigaw niyang iyon.
"Baliw kaba? O sadyang baliw kalang talaga?" Iniwan ko siya roon pagkatapos na iyon. Ayokong makipag-away dahil sa mababaw na dahilan. Baka kung ano pang mangyaring masama ay malaman pa ng buong pamilya lalo na't puno pa akong disgrasya.
--------------
[a/n: stay safe everyone! 'wag sa maling tao mag-stay ha? sorry for late ud! spread love, no hate! 💜]
BINABASA MO ANG
[JIMIN] PLAYFUL HEARTS {under hiatus}
Fanfiction[warning] Ito ay isang tagalog Ff kung Maka english ka man? BAHALA KA NG UMINTINDI. RANKED #1- TAGALOG FF RANKED #2- VHYUNG